Krista Ranillo lives a "more normal life" in the U.S.

IMAGE 0


"Yun nga rin ang hirap sa sitwasyon, everything I do is being magnified. Like I was telling nga, bakit ganun, kunwari nag-ribbon cutting lang ako sa isang supermarket, ang balita na, ako ang may-ari ng supermarket!" says Krista Ranillo.


January of this year, sa kalagitnaan ng mga maiinit na kontrobersiya tungkol sa kanya, iniwan ni Krista Ranillo ang Pilipinas upang pumunta sa U.S. Ayon sa sexy star, ginawa niya ito para samahan ang kanyang maysakit na kapatid na sumailalim sa isang operasyon.

Sa U.S. na naninirahan ngayon si Krista at ang kanyang pamilya. Sa panayam ng Showbiz Central sa sexy star, sinabi nito na malaki ang difference ng buhay niya sa U.S. kumpara noong nasa Pilipinas siya.

"My life here is more normal than in Manila. Siyempre kasi, dito talaga, I can do normal things. We can go see movies, drive...mas laidback here than in Manila. [Sa Manila] medyo magulo especially for the past two months. And then, puro trabaho, mas magulo dun. At least dito, it feels more like home and since I grew up naman here," saad ni Krista.

Ipinakita rin sa Showbiz Central ang ilang regular routine ni Krista sa araw-araw niyang buhay sa U.S.

Ayon sa kanya, "Kung sa Manila ang mga yaya ang namamalengke, here, you have to live an independent life."

Bukod sa pagiging independent, pinasok din daw ni Krista ang pagnenegosyo—isang fashion couture shop na pagma-may-ari raw ng kanyang pinsan na isang fashion designer.

"He's really a very established fashion designer here. So ako, I'm very thankful na pumayag siyang mag-collaborate kami. Gagawa kami ng younger lines na mas hip, mas modern," sabi niya.

May ipinakita ring sportswear sa shop kung saan ang naka-print sa harapan ng shirt ay "Team Krista USA."

"Yun nga, I have a sportswear and they thought about it. At sabi nga nila, Team Krista. Parang it's so funny! You know, you just try to look something positive out of the whole situation and everything talaga. Actually, nag-click nga siya. Ang daming nag-order. Bumibili mga Americans, although they don't understand it, they don't know who I am," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nilinaw ni Krista na masaya man daw siya sa buhay niya sa States, hindi naman daw nangangahulugan na iiwan na niya ang buhay niya bilang isang artista.

"Sa Philippines kasi, dun talaga ang main root ko. Active ka sa showbiz. Pero dito kasi, I was exploring my options din. Actually I still have offers in Manila, kasi I still have contract there to finish," paliwanag niya.

NEGATIVE ISSUES. Matapos ang kumustahan, naging maluwag naman si Krista sa pagsagot sa mga isyu na noon ay iniiwasan niyang sagutin. Una siyang nagbigay ng pahayag sa mga negatibong isyu na ibinabato ng ibang tao sa kanya.

"Yun nga, it's very hard," pag-amin niya. "Kasi sa buhay ng isang artista kasi, sometimes we're judged by the role we play. Or kaya minsan, mag-pose ka lang sa men's magazine, sasabihin nila, nagganyan ka na. It's not fair kasi parte rin 'yan ng buhay ng isang artista.

"Kung tanungin mo ang totoong Krista, siguro simple lang. Simple lang naman ako, e. Mahirap nga lang kasi naba-box ka sa trabaho na nagagawa mo, or minsan, nabibigyan nila ng labels or iba ang tingin sa 'yo."

Dagdag niya niya, "Yun nga rin ang hirap sa sitwasyon, everything I do is being magnified. Like I was telling nga, bakit ganun, kunwari nag-ribbon cutting lang ako sa isang supermarket, ang balita na, ako ang may-ari ng supermarket!

"I guess what makes me feel bad and really sad is when my family is really involved. Yun nga, kasi ako naman ang artista. So when issues are being thrown at me, I accept it because I know it's part of the job. Pero kapag kasama na ang family ko, 'wag na lang kasi they are private people naman, e."

Si Krista ay anak ng aktor na si Mat Ranillo III at apo ng veteran actress na si Gloria Sevilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RELATIONSHIP WITH DIREK DOM. Nagkuwento rin si Krista tungkol sa naging relasyon nila ng direktor na si Dominic Zapata.

"Well, yun, we were together for almost eight years. We were engaged. Siyempre, it's the biggest heartbreak of my life talaga. Kasi I really saw myself going over the situation. Pero yun... I guess, well, people change at nag-iiba talaga ang priority ng mga tao.

"So, it's still a mutual decision. At least we're still friends and we still respect each other and we'll always have respect and love for each other. Hindi naman mawawala yun," sabi niya.

Was there closure?

"Oo, meron naman siyempre," sabay sabi nito nang nakangiti na, "Naiiyak na ako...hindi, joke lang!"

Has she moved on?

"Oh, yes, oo naman. Obviously, I've moved on na talaga."

Does it take to have somebody for her to totally move on?

"Hindi, wala!" natatawa niyang sabi. "I can move on myself. Kaya ko naman. Kayang-kaya."

WHEN KRISTA IS IN LOVE... Dahil ang estado ng kanyang lovelife ang pinaka-kontrobersiyal sa lahat, meron ba siyang masasabing inspirasyon sa ngayon?

"Meron ba? Hindi ko alam!" natatawa niyang sagot. "Of course, family pa rin kasi nga very close ako sa family ko. Pero yun, I'm not exclusively dating anyone... I'm open to dating people. But I don't want to rush anything. Kasi nga, I had the long engagement. Gusto ko lang is yung totoong tao lang.

"Kasi, mahirap din kasi siyempre kapag may nanliligaw sa 'yo, best foot forward palagi. Ako, I want to start as friends. Kasi, I want to establish a friendship first before anything. Kasi ako, parang nao-off ako kapag nililigawan ako kaagad. Parang gusto ko na makilala ko muna ang tao."

Kumusta si Krista when in love?

"Well, generally I'm a happy person, but I'm happier siguro when I'm in love. Mas inspired. Ewan ko, mababaw lang kasi ako, e. Parang little things we have, parang kinikilig na ako. Typical girly-girl lang, bakit?" nakatawa niyang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "I met a lot of friends, pero very choosy kasi ako when I fall in love. Hindi ako madaling mabuyo. At saka Psychology major ako, so medyo natatantiya ko ang mga intention ng mga tao."

Para kay Krista, pamilya muna raw ang gusto niyang maging sentro ng kanyang atensiyon.

"My family will always be number one without a doubt."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN