Model Rocky Salumbides admits living in with actress Eula Valdes

IMAGE 0


"Importante ba ang kasal? Andaming kasal na nagkakahiwalay. Para sa akin, kung mahal mo ang isang tao, hindi naman lahat nauuwi sa kasal, e. Kung mahal mo ang isang tao, panindigan mo yung pagmamahal mo, hindi lang sa pagpapakasal. Kasi ang daling magpakasal, e. Hilahin mo ang isang babae, dalhin mo sa Huwes, kasal na kayo. Pagkatapos ano, hiwalay kayo? Di ba?" model Rocky Salumbides reasons out.


Umamin si Rocky Salumbides na nagli-live in na sila ng girlfriend niyang si Eula Valdes. Ayon sa Pinoy international model, halos mag-iisang taon na silang nagsasama ng aktres.

Between kasal at pagmamahal, mas importante raw kay Rocky ang pag-ibig.

"Importante ba ang kasal? Andaming kasal na nagkakahiwalay," rason niya sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "Para sa akin, kung mahal mo ang isang tao, hindi naman lahat nauuwi sa kasal, e. Kung mahal mo ang isang tao, panindigan mo yung pagmamahal mo, hindi lang sa pagpapakasal. Kasi ang daling magpakasal, e. Hilahin mo ang isang babae, dalhin mo sa Huwes, kasal na kayo. Pagkatapos ano, hiwalay kayo? Di ba?"

IN THE NAME OF LOVE. Sa ngalan ng pag-ibig ay gagawin ni Rocky ang lahat, tulad ng pag-voluntary exit niya dati sa Pinoy Big Brother Double Up noong Disyembre alang-alang kay Eula. Naipangako niya kasi na birthday ni Eula, Pasko at Bagong Taon ay magkasama sila.

"E, kayo, ano ba ang pipiliin mo? Pag yung sa huling hininga mo, yung bang idea na malulungkot ka dahil hindi mo alam kung ano ang gagawin mo sa mga naipon mong pera? O yung mamamatay kang nakangiti dahil nagmahal ka nang totoo sa buhay mo?"

Todo raw kung magmahal si Rocky.

"Oo naman, kasi ano ba naman ang mawawala kung magmamahal ka ng totoo, di ba? Sasayangin mo lang yung panahon na ibinigay ng Diyos sa iyo na tumira ka sa mundo kung hindi mo rin itotodo yung pagmamahal na gift na ibinigay niya para sa iyo," saad niya.

Nilinaw naman ni Rocky ang intrigang ginagawa nilang alalay ni Eula ang isa't isa.

"Hindi naman siguro pagiging alalay yung sumusuporta ka sa taong mahal mo kasi hindi mo mababayaran ng salapi pag pinagsisilbihan ka ng taong mahal mo. Kasi pag wala akong trabaho, halos araw-araw sinasamahan ko siya sa trabaho niya. Wala namang kaso yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TAMPUHAN BLUES. Nag-away na ba sila ni Eula?

"Normal lang naman siguro yung tampuhan sa isang relasyon, di ba? E, hindi naman siguro magiging strong ang isang relationship kung walang ganung mangyayari."

Hindi raw totoong nagkakalabuan na sila.

"Ano yun? Wala akong alam na ganun."

Kapag nag-aaway sila, sino ang unang nanunuyo?

"E, siyempre kung itataas mo yung pride mo, walang mangyayari. Hangga't maaari kung kaya mong ibaba ang paa mo, di gawin mo, di ba? Kasi kung gusto mong tumagal yung relasyon, kailangan mong magpakumbaba talaga."

Ano ang pinakamahal niya kay Eula?

"Hindi ko maisa-isa, e. Siguro yung pagiging transparent niya sa akin," sagot ni Rocky.

Pribadong tao si Rocky kaya hangga't maaari, ayaw niyang pinagpipiyestahan ang kanilang relasyon ni Eula. Although alam niyang hindi iyon maiiwasan dahil pareho silang celebrity.

"Minsan may pagkakataon pa rin na hindi ako sanay, alam mo yun? Kasi private na tao ako, e. Hangga't maaari gusto ko kung ano lang yung nakikita ng tao, iyon lang. Ayoko ng inuungkat pa kung ano yung hindi nila nakikita kasi parang 'yon na lang siguro ang natitirang, alam mo yun, natitira para sa akin na personal, na gusto ko naman sigurong i-cherish na kasama lang yung taong mahal mo, di ba? Na siguro kung ano lang yung nakikita ng tao, iyon na lang yun."

Isa si Rocky sa mga bida sa pelikulang D' Survivors ng Astral Productions na pinagbibidahan din nina Akihiro Sato, Fabio Ide, at Daniel Matsunaga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN