FIRST READ ON PEP: Louie Ignacio resigns as director of Party Pilipinas

IMAGE 0


"Parang dictated na ang gustong mangyari sa show. Hindi ko na ito show. Parang idinidirek ko na lang para sa TV, pero hindi ako ang nagde-decide kung paano patakbuhin yung show. Ginagawa ko na lang ito kung ano ang gusto ni ganyan... Hay, naku, basta!" complains director Louie Ignacio when PEP spoke to him on the phone.


Ilang minuto pagkatapos pumutok ang balitang nag-resign ang direktor na si Louie Ignacio sa Sunday musical-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas ay nakausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa cell phone ngayong gabi, April 27.

Kinumpirma ni Direk Louie na bumitiw nga siya bilang direktor ng Party Pilipinas, na limang linggo pa lang tumatagal sa ere. Inamin niyang na hindi na siya masaya sa musical-variety show ng Kapuso network.

"Parang dictated na ang gustong mangyari sa show. Hindi ko na ito show. Parang idinidirek ko na lang para sa TV, pero hindi ako ang nagde-decide kung paano patakbuhin yung show. Ginagawa ko na lang ito kung ano ang gusto ni ganyan... Hay, naku, basta!" himutok ng direktor na halatang pigil pa rin sa pagsasalita.

Inirereklamo rin ng direktor ang ilang regular hosts and performers na kasama sa Party Pilipinas na hindi nagre-rehearse.

"Ayaw nilang mag-rehearse. Paano mapapaganda yung show? Hindi alam ng tao, sa director bumabagsak pag pangit yung show. Yun ang diperensiya talaga," sabi niya.

Bilang direktor ng show, bakit hindi niya magawang manduhan ang hosts at performers ng show?

"Wala akong boses. Wala akong power," pagtatapat ni Direk Louie.

Aminado rin ang direktor sa matinding pressure na nararamdaman niya sa Party Pilipinas.

"Grabe kasi...yung mga naiinggit sa akin. Hindi lang ordinaryong tao pati yung ibang director na gustong gawin ang Party Pilipinas," pagsisiwalat ni Direk Louie.

Kinausap na ba niya ang executives ng GMA-7 sa pagre-resign niya sa Party Pilipinas?

"Nakausap ko na yung mga dapat kausapin," tugon ng direktor.

Paano kung pabalikin siya sa Party Pilipinas?


"Nakapag-decide na ako. Hindi na ako babalik. Ayoko nang ma-stress," sagot ni Direk Louie.

Ang Party Pilipinas ang pumalit sa defunct musical-variety show na SOP, na si Direk Louie rin ang humawak hanggang sa magsara na ito. Na-retain bilang main hosts ng programa sina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Jaya, at Janno Gibbs. Kasama rin dito sina Kyla, Jay-R, Jolina Magdangal, Mark Herras, Heart Evangelista, at ang mga bagong dagdag sa show na sina Mark Bautista at Rachelle Ann Go.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa darating na Linggo, May 2, si Rommel Gacho ang pansamantalang magdidirek ng Party Pilipinas na gaganapin live sa Davao.

Kahit nag-resign na si Direk Louie sa Party Pilipinas, siya pa rin ang direktor ng weekly magazine show na Mel & Joey ng GMA-7 at ang Tropang Pochi at Power to Unite sa Q Channel 11.

Bukod sa pagiging TV direktor ay kilala rin si Louie sa pagdidirek ng music videos , TV commercials, at maging pelikula.

Bukas ang PEP sa pamunuan ng GMA-7 upang ibigay ang kanilang panig tungkol sa mga pahayag ni Direk Louie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN