Aljur Abrenica is aware that Kris Bernal has someone special right now

IMAGE 0


"Alam ko na may isang espesyal na tao para sa kanya at nirerespeto ko yun. Maayos naman yung lalake and masaya ako para sa kanila," says Aljur Abrenica about the "special someone" of screen partner Kris Bernal.


Bagamat nagpapagaling pa sa kanyang throat infection, pinilit kumanta ni Aljur Abrenica para pagbigyan ang request ng mga dumalong press sa launching ng kanyang self-titled debut album under Sony Music and GMA Records na ginanap kahapon, April 26, sa Toyz Bar sa Crowne Plaza sa Ortigas.

Umani naman ng masigabong palakpakan si Aljur matapos niyang kantahin ang "Kailan Kaya" mula sa kanyang CD-Lite album. Kabilang dito ang mga kantang "Sayang Sayang," "Iisa Sa Magkabilang Mundo," "Di Na Ako Aasa Pa," at "Beauty And Madness," plus may bonus minus one pa ng lahat ng mga nabanggit na awit.

"Nagkaroon nga po ako ng throat infection kung kailan ako maglu-launch ng album. Bad timing nga po, e. Pero okay lang dahil kahit papaano nandito pa rin ako, nandiyan yung album. Pero so far po, okay naman po ako ngayon," pahayag ni Aljur nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang press.

Pangalawang beses nang nagkaroon ng throat infection si Aljur. Inamin naman niya na ang una ay dahil sa stress at pagod sa sunud-sunod na taping sa pinagbibidahan niyang GMA telefantasya na The Last Prince at iba pang trabaho. Itong bagong infection ngayon ay dahil naman daw sa may nakain siyang marumi.

Pinayuhan daw si Aljur na huwag munang magsasalita para maging mabilis ang paggaling niya. Pero bakit kumanta pa siya?

"Actually, ang sabi sa akin huwag akong magsasalita noong first na nagpunta ako sa hospital. Pero after a week, sabi puwede na akong magsalita. Pero yun nga lang, huwag masyado at huwag lang kakanta. Pero matigas ang ulo ko, kumanta ako kanina dahil syempre iba na rin yung adrenalin ko dahil sa excitement ko at para na rin sa inyo. Siyempre, alam ko po na ine-expect niyo na kumanta ako dahil album po ito, e, album launching. Para po sa inyo kinaya ko po para maipakita ko rin sa inyo ang talent ko," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

After the album launch ay pumunta rin si Aljur sa doktor. Bukod sa mga iniinom na gamot ay regular din siyang nagpapa-checkup sa doktor para gumaling na siya agad.

Sa kabila ng kanyang sakit, masayang-masaya naman si Aljur dahil natupad na ang pangarap niyang magkaroon ng sariling music album.

"Actually, wala akong masabi kundi thank you, thank you po kay Lord dahil unti-unti pong natutupad ang mga pangarap ko, hindi lang sa pagiging artista, sa pagsasayaw at pagiging performer, kundi sa pagkanta rin. Matagal na akong kumakanta pero ngayon lang ako nabigyan ng chance na magkaroon ng album. Masaya ako and very thankful."

SEPARATING ALKRIS LOVE TEAM. Hindi rin maiwasang itanong kay Aljur ang tungkol sa isyung paghihiwalayin na raw muna ang kanilang love team ni Kris Bernal. Balita pang muntik na raw silang magkaiyakan nang mapag-usapan nila ito. Totoo ba ito?

"Opo," pagkumpirma ni Aljur. "Actually nung nalaman ko na magkakahiwalay na kami, na-shock ako, e. Dahil may naririnig ako pero walang confirmation na talagang maghihiwalay na kami. So, na-shock ako, pati si Kris. Tapos noong kinausap ko siya, siyempre nandiyang madrama din kasi nakakalungkot po talaga, e. Kasi almost three years na po kaming magkasama ni Kris, kami yung magka-love team tapos mawawala na lang, bigla kaming paghihiwalayin. Masakit yun, masakit yun para sa akin.

"Pero so far, yung usapan namin maganda yung naging flow. Napag-uusapan na namin dati yun, e. 'Paano Bebs [tawagan nina Aljur at Kris] if ever na magkahiwalay tayo?' 'Tatanggapin ko,' kaming dalawa, yun ang sinabi namin. Handa kami basta sa ikabubuti ng career namin. Susuportahan namin ang isa't isa."

Never umamin sina Aljur at Kris na nagkaroon sila ng relationship. Ang tanging description nila sa kanilang relasyon ay more than friends but less than lovers. Paano kung kailan sila naghiwalay ay saka nila ma-realize na mahal pala nila ang isa't isa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa ngayon depende po, e. Sa ngayon ang nararamdaman ko, kapatid pa rin, e, parang kapatid pa rin. Yung pag-aalala ko sa kanya, hindi pa rin po mapapantayan. So, if ever, tingnan po natin sa future kung ano ang mangyayari."

KRIS'S SPECIAL SOMEONE. Totoo ba na ang mga nanliligaw kay Kris ay pinapa-judge o pinapakilatis sa kanya ng ka-love team?

"Sobra, madami!" bulalas ni Aljur. "Alam ko sobrang dami ng nanliligaw po kay Kris. Oo, pinapa-judge sa akin. Pero walang pumapasa sa akin!"

Walang pumapasa sa kanya dahil may nararamdaman siyang selos?

"Meron din siyempre," pag-amin ng binata. "Kasi Bebs ko 'yan, e, baby ko na 'yan, e. Inaalagaan ko 'yan, e. Parang hindi ko matiis kung may mag-aalaga sa kanyang iba."

Ayon kay Aljur, alam niya na may someone special daw sa buhay ni Kris ngayon. Pero ayaw niya itong pangalanan at ayaw rin niyang magbigay ng detalye. Hahayaan na lang daw niyang si Kris ang magsalita.

"Alam ko na may isang espesyal na tao para sa kanya at nirerespeto ko yun. Maayos naman yung lalake and masaya ako para sa kanila," saad niya.

Nasaktan din ba siya at winish na "sa akin na lang sana siya"?

"Wala namang ganun na sa akin na lang sana. Pero nakakaramdam din ako ng selos kasi nahahati yung time, e. And sa amin ni Kris, mahal namin yung isa't isa pero without catch. Hindi yung to the point na parang syota na, hindi, e. Parehong parang magkapatid lang," paliwanag ni Aljur.

Mas nagiging close daw sila ngayon ni Kris kaya malungkot din na paghihiwalayin na sila.

"Ito po yung time na mas close kami ni Kris. Parang kung kailan pa kami naging ganito at saka pa kami magkakahiwalay. Mas marami kaming time ngayon na magkasama. Iba yung usapan namin ngayon, e, yung dating, kaysa noon. Kasi noon, away kami nang away. Ngayon iba na, e. So, nakaka-miss lang yung mga ginagawa namin if ever na magkahiwalay na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mami-miss niya ba ba talaga si Kris?

"Ako, sobrang-sobrang mami-miss ko siya. Pero hindi naman siya mawawala, e. Nandiyan lang naman siya at nandito lang din naman ako para sa kanya."

NEW LOVE TEAMS. Sa paghihiwalay ng love team nina Aljur at Kris ay ipapareha sila sa ibang artista. Si Aljur ay itatambal kay Rhian Ramos sa telefantasya na Odessa; si Kris naman ay ipa-partner kay Daniel Matsunaga, na nakasama nila sa The Last Prince, sa isang episode ng Love Bug.

Apektado ba si Aljur sa Kris Bernal-Daniel Matsunaga love team?

"Affected din, affected ako dahil nga sanay ako na kami ni Kris, e, ngayon sila na. Pero mas nakakaangat yung tuwa dahil hindi lang ako yung magkakaroon ng bagong ka-love team, pati siya magkakaroon. And kilala ko si Daniel, e, mapagkakatiwalaan and sobrang magaang katrabaho. Sigurado ako na mag-e-enjoy si Kris sa piling ni Daniel."

Paano naman niya tinatanggap si Rhian bilang bagong ka-love team?

"Actually, nae-excite ako sa bagong mangyayari sa bagong love team na ito. Nagkatrabaho na rin naman po kami ni Rhian sa Bubble Gang before. And sana mag-work po yung love team namin," saad ni Aljur.

Nabalita noon na crush niya si Rhian. Ano ang feeling na sila na ang magka-love team ngayon?

"Crush lang naman, e. Happy ako na magiging ka-love team ko siya. Excited ako na makilala siya nang husto at makatrabaho siya dahil iba naman. Excited ako sa mangyayari sa love team namin."

Ano naman ang message niya sa mga fans nila ni Kris?

"Ang masasabi ko lang, maraming salamat sa pagsuporta. Sana kahit magkahiwalay na kami ni Kris sana ay suportahan pa rin nila kami individually. Sana matanggap din nila ang bago naming ka-love teams ni Kris.

"I'm sure hindi naman po ito ang last na magsasama kami. Siguro in the future magkakasama pa rin po kami tulad ng ibang love teams na naghihiwalay tapos nagkakabalikan din at nagsasama sa mga projects."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya namang ibinalita ni Aljur na extended ang run ng The Last Prince sa GMA-7.

"Extended po ng 24 weeks ang The Last Prince. Sana abangan po niyo 'yan. Matagal-tagal pa po ang lalakbayin namin. Maraming-marami pa pong mangyayari sa The Last Prince. So, sa mga sumusubaybay, maraming-maraming salamat at sana patuloy niyo pa ring subaybayan ito."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN