Becky Aguila slighted by Angel Locsin's answer to "hinamon ng suntukan" issue

IMAGE 0


"Mahaba at malalim ang pinagsamahan namin and siya ang prime artist ko. Itinuring ko na rin siyang parang tunay na anak. Of course, there are other reasons, like may mga bagay kaming hindi napagkakasunduan, pero naging okay naman ang paghihiwalay namin dahil nag-usap kami nang maayos," says Becky Aguila (left) about former talent Angel Locsin (right).


Pumalag ang dating manager ni Angel Locsin na si Becky Aguila sa naging statement ng aktres sa taped interview nito sa The Buzz last Sunday, April 25. Tinanong kasi si Angel kung ano ang totoo sa balitang hinamon niya ng suntukan ang kanyang ex-manager nang singilin siya nito sa komisyon.

"Tanungin niyo na lang si Tita Becky tungkol diyan kung bakit may ganyang issue," tugon ni Angel sa interview.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Becky sa telepono kahapon ng umaga, April 27, sinabi niyang parang ini-insinuate ni Angel sa interview nito sa The Buzz na siya ang nagpakalat ng issue. Lalo pa nga't may nauna nang tsismis na kumalat na sinisiraan diumano niya ang dating talent na kaagad din niyang pinabulaanan.

Ipinahayag ni Becky kay Angel mismo ang kanyang pagkadisgusto. Nag-sorry naman daw agad ang young actress sa kanya via text message kung naging ganun ang dating ng kanyang sagot at hindi naman daw ganun ang gusto niyang sabihin.

Nilinaw rin ni Becky na ang paghihiwalay nila ni Angel ay isang bagay na napagkasunduan nila.

Aniya, "Tama yung sinabi ni Boy [Abunda, The Buzz co-host] na gusto ni Angel ng pagbabago. And tama rin yung sinabi niya na lahat ng paghihiwalay ay masakit, especially with Angel, dahil alam naman siguro ng lahat na nagsimula kaming dalawa together. Mahaba at malalim ang pinagsamahan namin and siya ang prime artist ko. Itinuring ko na rin siyang parang tunay na anak. Of course, there are other reasons like may mga bagay kaming hindi napagkakasunduan, pero naging okay naman ang paghihiwalay namin dahil nag-usap kami nang maayos.

"Ang importante naman sa anumang paghihiwalay is acceptance at maayos na pag-uusap. Masakit noong una, but kailangan kong tanggapin. Ganun naman talaga, dinadaanan naman 'yan ng kahit na sinong manager. Nothing is permanent naman talaga. And believe me, walang bitterness sa puso ko, especially alam ko namang Angel is in good hands sa bago niyang manager na si Ethel Ramos."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado rin ang talent manager na hindi niya nagugustuhan ang mga lumalabas na kung anu-anong issue after ng paghihiwalay nila ng landas ni Angel, lalo't nasa "healing process" pa raw siya ngayon.

"May mga nag-i-insinuate rin na it's about money and noon ko pa naman sinabi na it has got nothing to do with money," diin ni Becky. "Masakit kasing bintang yun para sa isang talent manager, especially when you know that you have done all your best. Especially when as a manager, napakaluwag ko sa pera even to a point na talagang nag-aabono ako.

"I want to have a fresh start and one good thing na naidulot ng separation, nagkaroon ako ng time para sa ibang artists ko since lahat nga ng oras ko dati ay na-focus lang kay Angel. Now, I am focusing on Empress [Shuck] at natutuwa naman ako sa magagandang blessings na dumarating sa kanya, like this big project niya na Rosalka. I'm very happy for Empress dahil nagbunga na rin ang lahat ng pagsisikap niya."

Bukod kay Empress, nasa pangangalaga pa rin ni Becky sina Jennylyn Mercado, Valerie Concepcion, Wendy Valdez, at Ryan Julio.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN