Ogie Alcasid vehemently denies allegation that Regine Velasquez refused to rehearse for Party Pilipinas

IMAGE 0


"...Regine would not reach her career status right now if it weren't for her unparalleled professionalism. It is unfair to spread the rumor that she is not cooperating," says Ogie Alcasid on his Twitter entry in answer to the allegation that Regine Velasquez refused to rehearse at last Sunday's Party Pilipinas episode.


Ipinagtanggol ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid ang kasintahang si Regine Velasquez sa pinapalabas ng iba na ang Asia's Songbird ang tinutukoy ni Direk Louie Ignacio na hindi nagre-rehearse para sa kanilang production number sa Party Pilipinas.

Unang nai-report dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pag-resign si Louie bilang direktor ng Party Pilipinas kagabi, April 27. Isa sa himutok ng direktor ay ang hindi raw pag-rehearse ng ilang performers ng programa. "Ayaw nilang mag-rehearse. Paano mapapaganda yung show? Hindi alam ng tao, sa director bumabagsak pag pangit yung show. Yun ang diperensiya talaga," saad ni Direk Louie. (CLICK HERE to read PEP's full report.)

May nag-post kasi sa social networking site na Twitter insinuating that Direk Louie is referring to Regine. Ayon sa isang nag-post sa Twitter, tumanggi raw mag-rehearse si Regine para sa episode ng Party Pilipinas last Sunday, April 25, sa Cebu at na-"overrule" daw siya ni Ogie na tumatayong creative consultant ng musical-variety show ng GMA-7.

Pero mariin itong pinabulaanan ni Ogie sa pamamagitan ng kanyang Twitter account ngayong araw, April 28.

Ayon kay Ogie, "...Regine would not reach her career status right now if it weren't for her unparalleled professionalism. It is unfair to spread the rumor that she is not cooperating."

Pinakiusapan din ni Ogie ang nag-post ng "malicious" Twitter entry na i-retract ang statement nito tungkol sa issue.

Dagdag ni Ogie, "Only the staff and the artists were there in Cebu and no one else knows what really happened there. To besmirch regine's reputation is outright unfair."

UNAWARE OF THE REAL SCORE. Sa una namang Twitter entry ni Ogie ay sinabi niyang wala siyang alam kung ano ang katotohanan sa likod ng resignation ni Direk Louie sa Party Pilipinas.

"i am not aware of what the real score is re direk louie's resignation. please be merciful. the demise of our shows was not caused by just one person. we are a team and forever will be.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"let us just pray that all these will come to pass. That in the end, things were done for the good of the show," mensahe ni Ogie.

OGIE APOLOGIZES. Noon namang Linggo, ilang oras pagkatapos ng live presentation ng Party Pilipinas sa Cebu, ay nag-apologize si Ogie, sa pamamagitan pa rin ng Twitter, sa mga na-disappoint sa kinalabasan ng kanilang programa noong araw na 'yon. Wala si Ogie sa naturang episode dahil sa prior engagement.

"My apologies to those who got disappointed with today's show. Regine and i had nothing to do with the planning as we went on vacation for her birthday. I was not there because i have been booked a long time ago to do after pp. kaya lang, nalipat sa cebu ang show at di ako aabot.

"please consider that a remote show is a difficult undertaking. the staff tried their best. i will still talk to them re your complaints," paliwanag ni Ogie.

Mahigit isang buwan pa lang umeere sa GMA-7 ang Party Pilipinas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN