Drama princess Kim Chiu turns into a dance princess

IMAGE 0


Kim Chiu is the only girl among the five featured stars in Supahdance 2 album. She will be performing the dance tracks in the album with Gab Valenciano, Rayver Cruz, Mickey Perz, and John Prats.


After ng "Drama Princess," panibagong title na naman ang ikinakabit sa pangalan ni Kim Chiu—ang pagiging "Supahdance Princess." Tuwang-tuwa naman si Kim sa bago niyang title.

"Siyempre po masaya kasi parang na-accomplish ko na lahat—sa acting, sa singing, ngayon sa dancing," sabi ni Kim nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launching ng ASAP Supahdance 2 album under Star Records and ASAP Music na ginanap sa Eivissa Super Club sa Tomas Morato corner Timog, Quezon City.

Hindi kaya pagmulan ng insecurity sa ibang artista ang bagong titulo niya?

"Ay, hindi naman po siguro," sagot niya. "Wala naman pong kailangang ma-insecure. Ginagawa ko lang po ang trabaho ko. Noong sinabi nga po nila sa akin na kasama ako dito, hindi ako makapaniwala, e. 'Talaga? Ako sa Supahdance?'

"Noong nalaman ko rin po na ako lang ang mag-isang babae, natuwa na lang po ako kasi matagal ko nang gustong makasama sa Supahdance crew. Happy po ako na nakasama ako sa kanila at sana huwag na pong intrigahin."

Paano kung magkaroon ng intriga sa kanila nina Shaina Magdayao at Maja Salvador na dating nagrereyna sa ASAP Supahdance?

"Magkakaibigan po kami nina Shaina at Maja kaya wala pong dapat maging isyu. Idol ko po silang dalawa pagdating sa sayawan. Noong ini-launch nga po itong album sa ASAP, binati po nila ako, happy po sila para sa akin. Kami po sa ASAP, magkakapatid po kaming lahat, wala pong intriga," sabi ni Kim.

Paano ba siya gumaling sumayaw?

"Hindi po talaga ako marunong sumayaw. Natuto lang ako sa kaka-ASAP ko. Sumasayaw din ako dati pero hindi ganito. Siyempre ngayon kailangan ko nang lagyan ng extra effort, siyempre mga dance icon ang kasama ko," pag-amin niya.

SUPPORTIVE DANCE CREW. Bukod kay Kim kasama rin sa album ang original Supahdance crew na sina John Prats, Rayver Cruz, Mickey Perz, at Gab Valenciano. Tinutulungan ba si Kim ng mga "kuya" niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo naman, sobrang supportive nila sa akin," sagot niya.

Paano niya ide-describe ang bawat isa sa mga kasama niyang dance crew?

"Si Mickey, ano siya, parang kuya-kuya and siya yung parang ano sa grupo, 'O, gawin natin ito.' Ganun. Si Gab naman sobrang nakakatawa, parang lahat joke. Kasi tinanong siya kanina sa interview, 'Ano si Kim para sa inyo?' 'Mascot,' sabi ba naman!

"Si John naman, siya yung kengkoy, sobrang kengkoy. Yung konting salita niya lang, natatawa na kaming lahat. Tulad noong gumawa kami ng VTR para sa "Dale Grande," konting ano lang tawa na kami nang tawa. Si Rayver naman, medyo serious type. Yung tipong, 'Sayaw na tayo, trabaho na tayo,'" paglalarawan ni Kim sa kanyang mga kasama.

Hanga raw si Kim sa galing sumayaw ng mga kasama niya sa album.

"Hindi ordinaryo ang mga steps na sinasayaw nila. Si Gab, hindi ko kaya yung ginagawa niya ng tatlong beses umiikot sa isang ikutan."

Ayon kay Gab, ang kahanga-hanga naman daw kay Kim ay ang flexibility nito. Hinamon pa nga niya si Kim na ipakita sa press ang kakaibang talent ng dalaga. Ayaw sana ni Kim noong una dahil nahihiya siya, pero napilit na rin siya ng lahat at ipinakita niya nga ang kanyang contortionist move na pinalakpakan naman ng lahat.

Kabilang sa mga dance tracks sa Supahdance 2 album ang "Dale Grande," "Kitang-kita," "Do The Swagga," "Move" na composed and performed by Gab Valenciano kasama ang kapatid niyang si Kiana, "Dulce Tirah Tirah Remix," at ang ABS-CBN Summer Station ID na "Summer Ang Simula."

HARDWORKING KIM. Kapansin-pansin ang kasipagan ni Kim na lahat ng ibinibigay sa kanyang projects ay talagang tinatanggap niya. Kaya naman hindi nakakapagtaka kung isa-isa na rin niyang nakakamit ang kanyang mga pangarap. Isa na nga rito ang ipinapatayo niyang dream house ngayon. Kaya si Kim, todo-kayod pa lalo para mabilis matapos ang kanyang bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo naman, gustung-gusto ko nang matapos yun. Sobrang excited na talaga ako na matapos yung bahay ko. Nandoon lahat ng pinaghirapan ko, pinagpaguran ko. By November pa siya matatapos."

Sa kabila ng kanyang busy schedule at pagiging workaholic, itinanggi naman ni Kim na napapabayaan na niya ang kanyang kalusugan.

"Hindi pa naman ako nagkakasakit. Kahit payat ako, healthy pa rin naman ako. Tinutulungan naman ako ng handler ko na ayusin ang schedule ko," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN