Kris Bernal says her relationship with Aljur Abrenica is nothing more than a loveteam

IMAGE 0


"Ngayon ko na-realize, mahirap palang magkontrabida. Matagal ko nang gustong mag-play ng kontrabida pero sa liit kong ito, parang malayo na bigyan ako ng ganoong role. At least dito, naranasan ko na rin na magkontrabida. Mahirap din pala, akala ko kasi basta sumigaw-sigaw at magtaray, puwede nang kontrabida," says Kris Bernal about playing a bida-kontrabida role ni The Last Prince.


Kahit alas-tres na ng madaling-araw nakatulog dahil sa taping ng The Last Prince, masaya pa ring humarap sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Kris Bernal para sa pocket presscon na ipinatawag para sa kanya ng GMA Artist Center. Ginanap ito last Tuesday, April 27, sa Little Asia restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Unang itinanong kay Kris ang feeling niya sa balitang paghihiwalayin na sila ng ka-loveteam niyang si Aljur Abrenica. May kasunod na kasing project si Aljur kung saan makakatambal nito si Rhian Ramos.

"Malungkot din po dahil three years na kaming halos araw-araw magkasama ni Aljur, tapos paghihiwalayin," wika ni Kris. "Pero alam naman po namin ni Aljur na darating talaga 'yon sa amin. We need to grow pa rin kahit magkahiwalay kami.

"Mahirap din dahil kapag hindi na kami ang magkasama, panibagong pakikibagay na naman, pero kailangan po talaga 'yon. Biniro ko nga po si Aljur na bakit may bago na pala siyang project, hindi niya sinasabi sa akin. Pero okey lang po, kasi matagal-tagal pa rin kaming magkakasama. Extended pa po ang telefantasya namin hanggang second week of July pa."

TWO CHARACTERS. Kumusta naman ang pagte-taping niya ng The Last Prince?

"Bugbog po ang katawan ko!" biro ni Kris. "Ang hirap po pala ng dual role. Ako kasi ang gumaganap na mabait na si Lara, girlfriend ni Almiro [Aljur], at role ni Bawana [Bianca King], na nasa katauhan ni Lara, na hindi alam ni Almiro ay nagpapanggap lang pala.

"Mahirap po kasi sa isang eksena, umiiyak ako, sa susunod na eksena naman, nagagalit, nagtataray ako. May times nga na sabi ko kay Direk Mac [Alejandre] na kung puwede si Bianca na lang ang pahalakhakin. Hindi ko kasi kayang gayahin ang halakhak niya. Kung minsan, hindi rin ako maka-concentrate agad, lalo na kung magkasunod kong ginagawa ang eksena, nadadala ko yung character ng isa doon sa isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero masarap ding experience," patuloy niya. "Ngayon ko na-realize, mahirap palang magkontrabida. Matagal ko nang gustong mag-play ng kontrabida pero sa liit kong ito, parang malayo na bigyan ako ng ganoong role. At least dito, naranasan ko na rin na magkontrabida. Mahirap din pala, akala ko kasi basta sumigaw-sigaw at magtaray, puwede nang kontrabida."

May susunod na ba rin ba siyang project after The Last Prince?

"Wala pa po akong alam, pero hindi ako nagmamadali. Kasi ngayon, madalas kaming naghahabol ng taping dahil may mga eksena kaming kukunan sa umaga, tapos airing na rin kinagabihan. Kung minsan, hindi po maiwasan na mamaos ako dahil dalawa nga ang ginagampanan kong character.

"Kung wala pa po akong susunod na project, baka po after ng show namin sa GMA Pinoy TV sa July 16, gusto kong mag-extend ng stay ko doon para makapahinga naman ako. Bale five months na rin po kaming tuluy-tuloy na nagte-taping," sabi niya.

NEW LEADING MEN. Totoo bang magtatambal sila ulit ng Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga na una niyang nakatambal sa The Last Prince?

"Oo nga po, sa Love Bug, pero one episode lang 'yon," banggit ni Kris. "Maganda, kasi magku-cruise daw kami ng Singapore. Pero ang problema, hindi pa po ako mabigyan ng schedule na makaalis for three days taping noon. Natutuwa nga po ako na magkakasama kami uli ni Daniel kasi masayahin siya, mahusay gumanap, at gustung-gusto niya talagang makapagsalita ng Tagalog."

Kumusta naman ang bago niyang katambal ngayon sa The Last Prince na si Carl Guevarra, na gumaganap bilang Jerrick?

"Ngayon ko lang po siya nakikilala at bilib ako sa kanya," sabi ni Kris. "He comes on time, dumarating siya kabisado na niya ang script niya. Mabait, mahusay umarte, at nakikita ko sa kanyang puwede siyang maging leading man kung magtutuluy-tuloy ang break na ibinibigay sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

BEST OF FRIENDS. Ano naman ang development sa kanila ni Aljur?

"Ayun po, best of friends pa rin kami," sagot ni Kris. "Hanggang loveteam lang kami talaga. Naaawa nga ako sa kanya dahil lagi siyang may sakit after nung nagkaroon siya ng viral infection. Madalas ko siyang dinadalhan ng pagkain, pero hindi naman po siya makakain. On strict diet siya dahil nga sa role niya as Prinsipe Almiro, na ngayon, laging nakikita ang dibdib niya."

May issue na sina Aljur at Bianca King na raw, na na-develop daw sa lagi nilang pagsasama sa mga eksena sa The Last Prince. May balita ring may nililigawan daw na apo ng isang business tycoon si Aljuur.

Ano ang masasabi ni Kris dito?

"Naku, wala po akong alam na ganoon, wala pong nababanggit si Aljur sa akin," sagot ni Kris. "'Saka may mga eksena kasing hindi kami magkasama. Yung tungkol po sa nililigawan niya, wala rin po siyang nasasabi sa akin. Kami naman, basta may bagay na gustong ihingi ng advice sa isa't isa, lagi kaming nag-uusap. Pero wala po talaga siyang nababanggit sa akin."

Bakit nali-link naman siya sa Are You The Next Big Star? finalist na si Jay Perillo?

"Hindi po, friends lang po kami. Best friend po niya ang brother kong si Miguel. Noong una nga siyang pumunta sa bahay na sinundo niya si Miguel, sabi ko, parang taga-GMA-7 siya. Nang tanungin ko, siya nga pala. Yun, naging friends na rin po kami. Hanggang doon po lang 'yon," paliwanag ng young actress.

Bago kami umalis after the interview, tinanong namin si Kris kung ano ang gusto niyang ipaabot kay Aljur dahil tutuloy naman kami sa album launch nito for his self-titled lite album from Sony Music.

"Talaga po, may album launch siya? Wala po siyang nasabi sa akin. Kunsabagay, hindi ko rin po nasabi sa kanyang may solo presscon ako ngayon!" natatawang wika ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN