Angelica Panganiban and Derek Ramsay will take one-month vacation in Africa

IMAGE 0


"Excited na kaming mag-Africa. Hindi na kami nagkikita! Sobrang tagal na. Siguro one month na. Usap-usap na lang, dalaw. Minsan dumadalaw na lang siya sa taping kasi nga, sobra ngang busy. Tinapos namin itong movie, 'tapos yung Rubi kasi nga, aalis na," says Angelica Panganiban about her trip to South Africa with boyfriend Derek Ramsay.


Sa bagong comedy film na Here Comes the Bride (co-produced by Star Cinema, Quantum Films, at OctoArts Films), nagpalit-palit ang mga katauhan ng mga bidang artista: si Angelica Panganiban ay naging John Lapus at si Eugene Domingo naman ay naging Angelica.

Mahirap daw pala, ayon kay Angelica, kapag ginagawa na ang pagpapalit ng mga character nila, lalo na sa mga eksenang halos gahasain na niya ang ex-Pinoy Big Brother Double Up housemate na si Tom Rodriguez.

"Noong una po, akala ko madali lang. Pero mahirap pala kapag seryosong trabaho na, kasi kailangan seryosohin. Totoo na pala, may challenge nang kasama," sabi ni Angelica sa presscon ng Here Comes the Bride sa Dolphy Theater sa ABS-CBN kahapon ng tanghali, April 29.

MARRIAGE TALKS. Tungkol sa kasal ang tema ng comedy film na isinulat at idinirek ni Chris Martinez. Kaya naitanong kay Angelica ang tungkol sa kasal at kung may plano na ba silang magpakasal ng boyfriend niyang si Derek Ramsay.

"'Wag na lang nating i-preempt. Siyempre, wala pa naman siyang sinasabi. So, ako, standby lang!" natatawang sagot ng young actress.

When asked kung si Derek na nga ang gusto niyang pakasalan, buong-ningning naman niyang sinagot ito ng "Oo naman!"

Although, hindi pa raw siya nag-i-imagine kung anong klaseng wedding ang gusto niya dahil baka raw maiyak siya. Kapag nandun na raw siguro 'saka na lang niya iisipin.

In one of Derek's past interviews, nasabi nito na noon ay hindi siya masyadong naniniwala sa kasal, pero ngayon daw ay naniniwala na siya rito. Ano ang masasabi ni Angelica?

"Siyempre, may personal naman kaming usapan," maikling tugon niya.

OFF TO AFRICA. Months from now, tuloy na tuloy na ang pagbabakasyon nina Angelica at Derek sa Africa for one month.

Kuwento ng dalaga, "Excited na kaming mag-Africa. Hindi na kami nagkikita! Sobrang tagal na. Siguro one month na. Usap-usap na lang, dalaw. Minsan dumadalaw na lang siya sa taping kasi nga, sobra ngang busy. Tinapos namin itong movie, tapos yung Rubi kasi nga, aalis na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw intentional ang hindi nila pagkikita para mas maging maganda ang bonding nila kapag nasa Africa na.

"Hindi nga, e, nalulungkot na nga kami. Actually, kahapon pa," sabi ni Angelica.

Sa June 6 ang eksaktong alis nila ni Derek papuntang Africa, although mid-last year pa raw nila ito na-block-off sa mga schedule nila.

"Pinayagan naman nila kami kasi ang tagal naman ng advance na paalam namin."

Marami raw silang activities na pinaplanong gawin kapag nasa Africa na sila. Pero hindi na raw nila itutuloy ang planong hindi magdala ng maraming pera't mag-sideline na lang doon.

"Hindi naman. Yun ang unang plano namin. Pero naisip namin, baka hindi na tayo makabalik ng South Africa bilang nasa dulo siya ng mundo. Naisip namin na nagtatrabaho naman tayo ng bongga, so gastusin na lang natin," sabi ni Angelica.

Isa sa magiging highlight ng South Africa trip—manonood sila ng FIFA World Cup sa bansang 'yon.

CONTROVERSIAL PHOTO. Natanong din kay Angelica ang tungkol sa lumabas na controversial picture nila ni Derek sa isang tabloid.

Sabi ni Angelica, hindi naman siya naapektuhan sa lumabas na picture na yun.

"Hindi naman, gusto nila ilabas yun, e," pagkikibit-balikat niya.

Pero ano nga ba ang naging reaction niya nang lumabas ang picture nila?

"Taray!" maikli niyang sagot.

Nainis o nagalit ba siya?

"Wala...artista kami, eh, di ba?" sagot ni Angelica.

Kung siya ay tila hindi naapektuhan nito, sino ang mga alam niyang nag-react o naapektuhan para sa kanya?

"Sila Mr. M [Johnny Manahan, Star Magic head], siyempre naging concern kung ano ang reaction ko. Pero alam naman nila na kaya ko naman yung mga ganun. Pero siyempre, sila ang napikon sa mga nangyari. Pero siyempre, kailangan mo pakalmahin na ganoon ang reality ng industriyang pinasok mo."

In a way, nainis din ba siya nang inilabas ang kuha nilang yun ni Derek?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi na uso yun, e. Gusto ko, positive na lang," sambit niya.

Totoo bang kaibigan nila ni Derek ang source ng picture na lumabas?

"Ayaw naman naming mag-pinpoint, ayaw naman naming paliitin ang mundo namin. Ayaw namin ng galit. Ayaw namin ng ganun. So, kung may naglabas, konsiyensiya na nila yun," sabi ni Derek.

May 20 pictures pa raw nila ni Derek ang ilalabas, aware ba siya rito?

"Oo nga, ang dami. Gusto nila bigyan ko pa sila, sa akin na lang manggaling!" natatawa niyang sabi.

Ready na ba siya kung sakaling ilabas nga ang sinasabing 20 pictures pa raw nila?

"Oo, gusto nila magtatayo na lang ako ng magazine, ilalabas ko ang pictures namin. Unahan ko sila, ganun," nakangiti at kaswal niyang sabi.

Na-appreciate naman daw ni Angelica ang pagsasalita ni Derek nang lumabas sa tabloid ang litrato nila. (CLICK HERE to read related story.)

"Oo siyempre, nakaka-impress naman yun bilang nakita mo kung gaano siya ka-gentleman sa mga ganoong aspeto," sabi niya.

Sa dami na rin ng pinagdaanan ng relasyon nila ni Derek, paano ba nila naaayos kapag nagkakaroon sila ng gusot?

"Siguro kaya naman kami nagpapahinga para maayos namin ang relasyon. Hindi naman ibig sabihin na nagpapahinga kami dahil ayaw na namin, di ba? Minsan sa isang relationship, kailangan n'yong mag-pause. Kailangan n'yong huminga para magising kayo, balik kayo sa reality na tao tayo," saad niya.

Would she say na mas strong ang relationship nila ngayon?

"Oo naman," nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN