Gerald Anderson gave Kim Chiu a Mac desktop and an iPad on her birthday

IMAGE 0


"Boxers siguro kaya ko dahil ginawa ko na yun. Pero yung mag-brief, hindi pa. Siyempre, gusto ko na wholesome pa rin. Alam mo yung sexy na wholesome, parang ganun," says Gerald Anderson when asked how far will he go for a sexy pictorial.


Si Gerald Anderson ang cover ng 5th anniversary issue ng Men's Health magazine. Sa presscon ng naturang issue ng Men's Health kagabi, April 29, marami ang nagtanong kay Gerald kung bakit tight-fitting white shirt ang suot niya sa cover at hindi siya nag-topless.

Nakangiti naman itong sinagot ng young actor. Aniya, "Hindi kasi kailangan. Hindi hiningi, hindi kailangan sa pictorial. Kung kailangan at hiningi na mag-topless ako, oo naman, bakit naman hindi? Naghubad na ako, e, so, bakit naman hindi pa ako maghuhubad para sa Men's Health?"

Pero na-excite daw si Gerald sa ginawang concept ng pictorial niya for Men's Health.

"Ipinakita nila sa akin ang concept ahead of time. Ako, ngayon lang ako nakakita ng may pictorial ng parkour [o freerunning] sa Pilipinas na nagpa-parkour sila. Kaya dun pa lang. Tapos, kung saan kami nag-shoot," sabi niya.

Ayon pa kay Gerald, he has been a Men's Health reader kaya malaking bagay rin para sa kanya na naging cover siya ng naturang magazine under Summit Media.

"Lalo na kapag nagpupunta kami ng States, bumibili kami ng Men's Health, tapos inuuwi ko rito," aniya.

Pagdating naman sa pagpapa-sexy, kaya naman daw ito ni Gerald dahil ilang beses na rin siyang nakuhanan na naka-topless. Pero ang magsuot ng brief sa pictorial, yun daw siguro ang hindi pa niya magagawa.

"Boxers siguro kaya ko dahil ginawa ko na yun. Pero yung mag-brief, hindi pa. Siyempre, gusto ko na wholesome pa rin. Alam mo yung sexy na wholesome, parang ganun."

Gerald also revealed na meron siyang sariling gym sa kanyang bahay kung kaya't dun na siya mismo nagdyi-gym. Although, personally, mas nag-e-enjoy pa rin daw siya sa paglalaro ng basketball as his way of being fit and healthy.

GERALD'S GIFTS TO KIM. In a separate interview, inamin ni Kim Chiu na ang naging birthday gifts sa kanya ni Gerald ay iPad at Mac desktop. Bakit nga ba yun ang naisipan niyang ibigay kay Kim, na nag-celebrate ng kanyang 20th birthday last April 19?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto niya talaga. Since nag-Heartthrobs concert kami sa U.S., nakita niya sa isang store at itinuro niya. Gusto niyang talaga, na sabi niya, kapag nakalipat na siya sa bagong bahay, bibili raw siya ng ganun," kuwento ni Gerald.

Inunahan na nga niya si Kim. "Dito ko binili yung Mac. Pero yung iPad sa States, kasi wala pa rito."

Natatawang itinanggi naman ni Gerald na nagparinig sa kanya si Kim kaya yun ang iniregalo niya sa kapareha.

"Hindi, hindi siya nagparinig. Ino-observe ko lang talaga kung ano ang tingin ko gusto niya. Siyempre, malapit na ang birthday niya, pero wala pa akong naiisip na regalo. Buti na lang," nakangiti niyang sabi.

THE FUTURE OF THEIR LOVETEAM. Ano na ang plano sa kanila ng ABS-CBN pagkatapos ng primetime series nilang Kung Tayo'y Magkakalayo?

"Hindi ko pa alam. Dito pa lang kami naka-focus ni Kim. Hindi ko pa sure kung hanggang kailan pa, pero alam ko matagal pa," sabi ni Gerald.

Bago pa man nila gawin ang Kung Tayo Tayo'y Magkakalayo, may usap-usapan nang itatambal na sila ni Kim sa iba. This time kaya ay mangyari na yun?

"Hindi natin alam, hindi natin alam. If ever, sabay-sabay tayong makakaalam," sagot niya.

Napag-uusapan na rin naman daw nila ni Kim kung sakaling mangyari nga yun.

"Siyempre, for our growth, oo. Yung mga Kimeralds naman, I'm sure, sobra na rin silang masaya sa dami na rin ng nagawa namin para sa kanila. Open naman kami ni Kim sa ganun. Para marami kaming trabaho. Pero walang threat."

What if maging violent muli ang reaction ng fans nila kapag paghiwalayin muna sila ni Kim?

"Siguro kasi, very passionate lang sila sa amin. Mahal na mahal lang talaga nila kami. Pero siyempre, kung ganun ang desisyon ng ABS, anong magagawa natin?" saad ni Gerald.

Ano na ang nangyari sa supposed team-up nila ni Sarah Geronimo?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala akong alam. Kung ano ang alam niyo, yun lang din ang alam ko. Baka nga mas marami pa kayong alam!" natatawang sabi niya.

Pero open siyang makapareha si Sarah?

"Open ako para sa lahat. Hindi ko alam kung sino ang gusto nila."

CONTRADICTING ISSUES. Napapailing at natatawa na lang si Gerald dahil sa magkasalungat na mga isyung lumalabas tungkol sa kanila ni Kim ngayon. Merong nag-away raw sila recently at yung isa naman, nahuli silang naghahalikan sa may fire exit.

Ano ang masasabi ni Gerald dito?

"Wow, kanina sa bahay raw na pinapagawa niya, so ngayon, sa fire exit naman!" natatawa niyang sabi. "Hindi po totoo lahat 'yan. Siyempre, alam naman natin na sa trabaho natin, maraming mga ganyan, tsismisan, dagdag-bawas... Normal naman yun, e. Siyempre, kung totoo man, aaminin ko. Pero wala talaga, e."

Wala naman kayang lalabas na picture as evidence na naghahalikan nga sila?

"Kung may picture man, iharap niyo sa akin!" tawa niya ulit.

Kaya na niyang maghamon?

"Siyempre, sinasabi ko na wala talaga," nakangiti niyang sagot.

THE REAL SCORE. Ilang beses na silang tinanong kung ano ba talaga ang status ng relationship nila ni Kim. So, ano na nga ba talaga?

"Sobra kaming close. Sobrang kilala ko na si Kim. Kumbaga, yun nga, palagi kaming magkasama, almost every day. And yun, sobra kaming nag-e-enjoy. Nag-e-enjoy kami kung saan kami ngayon. Hindi kami nagmamadali," sagot niya.

Ang impression na gusto nilang palabasin ni Kim ay magkaibigan lang talaga sila. Pero sa mga palitan nila ng regalo sa isa't isa, super pabonggahan talaga sila. Kaya naman natanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Gerald kung ganun din ba siya kabongga at ka-generous magbigay ng gift sa ibang kaibigan niya.

"Iba rin naman yung pagiging magkaibigan namin ni Kim. Siya yung ka-loveteam ko. Four years kaming magkasama. Lahat ng... Feeling ko ha, lahat ng tagumpay ko, kasama si Kim. So, feeling ko, iba rin, special din ang relationship namin. Hindi rin basta-basta," sabi ni Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kay Kim lang ba siya gano'n ka-generous?

"Siyempre... Bukod sa nanay ko, siya lang ang binibigyan ko ng ganun kagaganda."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN