Cristine Reyes speaks up about rumor that she caused the breakup of Rayver Cruz and Sarah Geronino

IMAGE 0


"Magkakilala kami ni Rayver. Hanggang doon lang. Kapag nagkikita kami sa studio sa ABS-CBN, nagbabatian naman kami. Walang kung anu-ano pang chikahan na nagaganap sa amin," says Cristine Reyes about Rayver Cruz, who is being linked to her.


Ayaw maapektuhan ni Cristine Reyes ang kanyang trabaho dahil sa biglang pagka-link niya kay Rayver Cruz. Kailan lang kasi ay nabalitang si Cristine ang naging dahilan kung bakit naghiwalay na sina Rayver at Sarah Geronimo.

Ayon sa report na lumabas, isang taon daw naging mag-on sina Rayver at Sarah, pero itinanggi ito pareho ng dalawa. Itinanggi rin ng dalawang young stars na naging mag-on sila.

Ayon kay Cristine, nagulat siya nang ma-involve siya sa kontrobersiya ng dalawa. Tahimik lang daw siyang nagtatrabaho, pero bigla na naman daw siyang idinawit sa bagong intriga.

"Lahat na lang ba ili-link sa akin?" tawa ng 21-year-old sexy actress. "Sa totoo lang, nagtatrabaho ako nang maayos. Ayoko nga munang ma-involve sa kahit anong usapan tungkol sa love, di ba? Pero biglang heto na naman. Naguguluhan din ako sa nangyayari."

Inamin naman ni Cristine sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na kilala niya si Rayver dahil minsan na silang nagkatrabaho nang mag-guest siya sa ASAP. Pero wala naman daw silang constant communication.

IT ALL BEGAN IN BORACAY. Nagsimula raw ang tsismis between Cristine and Rayver noong mag-show ang ASAP sa Boracay. Nakita raw silang magkasama roon at tila nagbabantayan daw silang dalawa. Ano ang masasabi ni Cristine dito?

"Alam n'yo, hindi lang naman ako ang nandoon sa ASAP in Boracay. Ang dami kaya naming nandoon! 'Tsaka yung sinasabi nila na nagbantay daw ako kay Rayver noong rehearsal niya, hindi naman totoo 'yon.

"Magkasama kasi kami sa isang production number. Hindi kami pinapaalis hanggang hindi kami nakakapag-rehearse lahat. Minsan nga lang ako mag-guest sa ASAP, ganito pa ang nangyari! 'Tsaka hindi rin nagbabantay si Rayver sa akin. Bakit naman niya gagawin 'yon? Hindi naman ako ang girlfriend niya, di ba?

"Magkakilala kami ni Rayver," patuloy ni Cristine. "Hanggang doon lang. Kapag nagkikita kami sa studio sa ABS-CBN, nagbabatian naman kami. Walang kung anu-ano pang chikahan na nagaganap sa amin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NOT CLOSING HER DOORS. Pero hindi naman daw isinasara ni Cristine ang kanyang pintuan kung sakaling ligawan siya ni Rayver.

"I see nothing wrong naman. Kung available naman ako at kung available din si Rayver, walang masama kung manligaw siya. Yun naman ang tama, di ba? Para walang problema at walang mga taong nasasaktan. Ako naman, I want to make sure din na hindi ako lalabas na kontrabida o masama.

"Pero hindi ang magkarelasyon ang priority ko ngayon. Pagod na ako sa pakikipagrelasyon kaya trabaho muna. Gusto ko munang ma-enjoy ang buhay na walang boyfriend. Enjoy ako sa work ko ngayon," sabi niya.

ON SARAH GERONIMO. Tungkol naman kay Sarah, sinabi ni Cristine na magkakilala rin sila ng Pop Princess dahil iisa lang ang management nila (Viva Artist Agency). Wala naman daw silang problema ni Sarah at kailan lang daw ay nagkasama sila sa isang project.

Kuwento niya, "Nagkasama kami ni Sarah noong mag-shoot kami ng 'Lupang Hinirang' ng ABS-CBN. Nasa likod ko nga siya. Noong magkita kami sa set, nagbatian kami at nagbesohan pa kami. Pati mommy at daddy niya, binati ko.

"Wala naman kaming problema ni Sarah. Feeling ko naman ay hindi siya apektado sa balita. Kasi kung may problema, sana umiwas na siya sa akin, di ba? At hindi ako haharapin ng parents niya. Pero okey naman sila sa akin. Okey ang pagtanggap nila sa pagbati ko kaya wala ngang problema."

Magiging handa ba si Cristine kung sakaling kausapin siya ni Sarah tungkol nga kay Rayver?

"Oo naman," mabilis na sagot ni Cristine. "If ever na mangyari 'yon, kaya ko naman siyang kausapin. Kahit na nandiyan pa si Rayver. It means lang na wala akong masamang ginagawa kay Sarah o kahit kanino man.

"Ako naman, kilala ninyo na hinaharap ko ang anumang problema, lalo na kung involved ako. Ayoko rin kasing nalalagay sa alanganin. Gusto ko kapag may sama ka ng loob sa akin, sabihin mo kung ano ang problema ko at ayusin natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mahirap kasi yung galit ka pala na hindi ko alam. Hindi kasi ako plastic na tao, e. Ako kasi kapag may ayaw ako sa isang tao, sinasabi ko kaagad para may chance na maayos namin. Kaya kung may sasabihin man sa akin si Sarah, I am here to listen to her," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN