Jericho Rosales spices up the first movie together of Gabby and KC Concepcion

IMAGE 0


"It's mainly their [Gabby and KC's] story 'cause it's their movie, e. I'm there to spice it up. Yung sa akin, parang ano...what can I say? Hindi naman [minor], okey lang, tama lang. Full-length [din]," says Jericho Rosales about his participation in the movie I'll Be There For You.


Masayang nakipag-usap sa PEP (Philippine Entertainment Portal) last Sunday, May 2, ang actor-TV host na si Jericho Rosales in between hosting the ABS-CBN Sunday musical-variety show, ASAP XV.

No doubt na inspired si Echo these days. Okay ang takbo ng kanyag showbiz career and his lovelife, na mayroong magandang babaeng naiuugnay sa kanya in the person of TV host Chesca Litton.

Nangiti lang si Echo nang kulitin ang tungkol sa kanila ni Chesca. Maaaring his smile says a lot and we would have wanted more reaction from the actor, but Echo chose to talk more about his working in a movie kasama ang mag-amang Gabby at KC Concepcion.

"Okey naman, fun!" simula ni Echo. "Yung mag-ama, ang sweet nila palagi pag nasa set. Napapatanga na lang ako. Ang sweet nila, e."

Palibhasa'y unang pagsasama sa pelikula ng sikat na father-daughter tandem, maiisip na naka-focus ang istorya ng movie sa dalawa, with Echo's participation a very minor addition. But Echo corrected that impression.

"Hindi," aniya. "It's mainly their [Gabby and KC's] story 'cause it's their movie, e. I'm there to spice it up. Yung sa akin, parang ano...what can I say? Hindi naman [minor], okey lang, tama lang. Full-length [din]."

Kunsabagay, love interest pa rin siya ni KC and that's something.

"Parang gano'n," pag-confirm din ni Echo. "May separate story siya. May story din siya. Okey lang. I'm happy to be a part of that movie, siyempre. Ang working title is I'll Be There For You. Maganda yung message niya kaya gusto ko siya. Tungkol sa mag-ama, para sa Father's day."

The movie is under the helm of Maryo J. de los Reyes.

CLOSE TO HOME Mahalaga ang papel ni Jericho sa I'll Be There For You bilang isang binatang ama. Masasabing close to home ang naturang papel.

"Sort of. May back story siya. Yung role ko do'n, may anak siya. So, si Bugoy yung anak ko do'n," sabi ni Echo, na tila nagbibiro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Parallel sa character ni Gabby, bilang isa ring ama, ang papel ni Echo.

"Gano'n. It's good, it's good! Okey ako do'n'" sabi pa ng premyadong batang aktor. "But what I'm excited about din is pag na-showing na yung film na 'yon, although it's not that heavy, para sa akin, it could be one of the most important films of my career. Kasi, alam mo yun? Bihira lang gumawa ng gano'n...pang-mag-tatay. E, ang dami kong kilalang tao na gano'n, na medyo may gap sila sa mga tatay nila. Yun ang story."

Meaning, nakaka-relate si Echo sa role o sa kuwento ng pelikula?

"Yup," pagsang-ayon niya.

MAKING "KULIT" KC. Jericho also tells PEP that he and KC get along fine, always making "kulit" on the set.

"Okay, kulitan...kinakain ko yung pagkain niya, mga gano'n," nakangiting banggit ni Echo.

Muli, kinulit ng PEP si Echo on the usual possibility ng pagli-link sa kanila ni KC. Or, hindi kaya siya ma-in love din sa dalaga ni Gabby?

Not quite a surprise ang naging sagot ng "makulit" at mapagbiro ding si Echo "Na-in love ako kay Mr. Gabby, e!" sabi niya.

Tapos, medyo nagseryoso na si Echo.

"Matagal na naman akong ganito, e. Nire-respect ko yung mga leading ladies ko, e," wika ni Echo, na ngayon pa lang ay isinasantabi na ang posibilidad ng panililigaw o romantic linking nila ni KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN