Karylle still misses former ASAP co-host Rachelle Ann Go

IMAGE 0


"Palagi ko ngang sinasabi sa mga interview sa akin na ngayon lang talaga ako... Kasi matagal na walang boyfriend, so ngayon ko lang na-experience yung may barkada, ganyan-ganyan. So in-enjoy ko naman, actually mas enjoy pa," says Karylle about singlehood.


Nalulungkot pa rin daw paminsan-minsan si Karylle kapag naaalala ang pag-alis ni Rachelle Ann Go sa musical-variety show na ASAP at sa ABS-CBN para lumipat sa katapat nilang programa na Party Pilipinas at sa GMA-7.

"Wala naman, nalungkot lang ako, like the first Sunday na bumalik na kami sa studio for ASAP. Kasi katabi ko siya palagi sa dressing room, so I guess that's when it hit me, na wala na siya. Kasi it's been a while na wala kami sa studio, nag-Boracay kami, kaya wala lang, nalungkot lang ako. Na-miss ko siya nung wala na siya sa dressing room," umpisang kuwento ni Karylle nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Bago lumipat si Rachelle, may idea ba si Karylle na aalis ito sa Dos?

"May idea ng konti kasi, di ba, parang maugong din naman yun? Hindi ko lang alam noong una kung totoo ba ang tsismis, so ganun," sagot niya.

Nang umalis na nga si Rachelle, na-shock ba siya?

"Hindi naman siguro sa na-shock, pero more of... Kasi I guess sa trabahong ito naman, hindi naman forever na nag-i-stay ka sa isang lugar or station. So, hindi naman ako sobrang na-shock.

"And 'yon nga, desisyon niya yun. I'm sure it will be good or whatever. Si Rachelle Ann, she is a very prayerful person. Palagi kong nababasa yung mga Tweet niya, and mukhang talagang pinagdasal niya at pinag-isipan niya ang desisyon niya," saad niya.

HAPPY AS A KAPAMILYA. Si Karylle ay dating taga-GMA-7 at taga-SOP na lumipat sa ABS-CBN at sa ASAP. Wala na ba siyang planong muling bumalik sa Kapuso network?

"A, hindi," sagot niya. "I'm very, very happy where I am and I'm very, very thankful. And talagang nararamdaman ko yung pag-aalaga nila sa akin."

So, hindi na siya aalis sa Dos?

"Oo naman, okay na ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ENJOYING SINGLE LIFE. Kinumusta rin ng PEP ang lovelife ni Karylle.

"Wala naman, but I'm happy," nakangiti niyang sagot. "Palagi ko ngang sinasabi sa mga interview sa akin na ngayon lang talaga ako... Kasi matagal na walang boyfriend, so ngayon ko lang na-experience yung may barkada, ganyan-ganyan. So in-enjoy ko naman, actually mas enjoy pa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN