Willie Revillame threatens to resign from Wowowee if ABS-CBN does not fire The Buzz segment host

IMAGE 0


"Ilang taon na akong tumatahimik. Tinitira ako sa diyaryo ng Jobert na 'yan. Tahimik lang ako. Pero tandaan ninyo ito, kapag hindi ninyo 'yan tinanggal, ako ang magre-resign dito!" Willie Revillame complains in today's episode of Wowowee, May 4. The controversial TV host wants ABS-CBN to drop The Buzz segment host Jobert Sucaldito from the network after the latter allegedly used his radio program to insult contestants


Nagbanta ang sikat na TV host na si Willie Revillame na magre-resign siya bilang host ng Wowowee kapag hindi pinatalsik sa ABS-CBN ang segment host ng The Buzz at entertainment columnist na si Jobert Sucaldito.

Sa live episode ng Wowowee kaninang tanghali, May 4, ay hinamon ng galit na galit na si Willie ang ABS-CBN management na tanggalin sa Kapamilya network si Jobert dahil diumano sa pang-iinsulto ng huli sa mga contestant ng kanyang noontime show.

Tinira ni Willie si Sucaldito dahil sa pagkukuwestiyon ng huli kung bakit pinapayagan ng Wowowee na maging contestants ang high school students na ang general average ay 75 hanggang 79. Ang basa rito ni Willie ay sinasabi ni Sucaldito na mahina ang ulo ng mga pinagkukuhang contestants.

Ginawa ni Sucaldito ang naturang pahayag noong nakaraang linggo sa Showbiz Mismo, isangradio program ng dzMM na pag-aari rin ng Kapamilya network, kung saan siya ay co-host.

"Nananawagan ako sa management ng ABS-CBN, huwag n'yo namang payagan na tinitira ang show. Ang laki ng kita ng Wowowee para sa ABS. Mamili na kayo. Kapag hindi ninyo 'yan tinanggal, ako ang magre-resign dito sa Wowowee! Tandaan ninyo 'yan!" banta ng nagpupuyos sa galit na si Willie.

Dagdag niya, "Wala na kayong ginawa kung hindi tirahin ako dito. Ilang taon na akong tumatahimik. Tinitira ako sa diyaryo ng Jobert na 'yan. Tahimik lang ako. Pero tandaan ninyo ito, kapag hindi ninyo 'yan tinanggal, ako ang magre-resign dito! Para po sa mga tao ito. Para sa mga taong espesyal, para sa mga 75 percent ang grades. Ipaglalaban ko ang mga estudyanteng 'yan.

"Sobra na! Huwag mong idadamay ang programang ito! Ang programang ito, ang may-ari ay Pilipino. Hindi ito [sa] magra-radyo. Mamaya 'yan kapag tinira mo pa ako, hindi na ako papasok dito sa ABS-CBN. Tandaan ninyo 'yan! ABS-CBN management, gawan ninyo ng paraan 'yan. Alagaan ninyo ang mga talent ninyo dahil kami ang nagbubuhos dito ng pagod at lahat. Huwag naman na dito sa sarili naming tahanan ay tinitira kami dito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabilang banda, sa text message na ipinadala ni Sucaldito kay ABS-CBN entertainment reporter Marie Lozano, na ipinost ni Marie sa kanyang Twitter account, ito ang reaksyon ni Sucaldito: "Kaloka sya. Pikon sobra."

Sa official statement naman na ipinalabas ng ABS-CBN, sinabi ng network na nakikipag-usap na sila sa magkabilang kampo tungkol sa isyu.

"Kinausap kaagad ng pamunuan ng ABS-CBN si Willie at Jobert tungkol sa isyu sa pagitan nila. Naniniwala ang ABS-CBN na maaayos ito sa magandang pag-uusap at di nararapat magsagutan pa sa ere," saad ng ABS-CBN management.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN