Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

ELECTION WATCH: Nacionalista Party goes back to Vitas, Tondo, where they started campaign

May 8, 2010
Running mates Manuel Villar and Loren Legarda and the NP senatorial slate serenade the crowd and reiterate campaign promises for the last time in star-studded miting de avance.

Tatlong buwan na ang nakararaan nang unang ipakilala ng Nacionalista Party (NP) sa mga residente ng Vitas, Tondo, ang kanilang mga kandidato para sa darating na pambansang eleksyon sa Lunes, Mayo 10.

Kagabi, Mayo 7, muling bumalik ang mga kandidato ng NP sa pangunguna ng standard bearer sa pagkapangulo na si Senador Manny Villar sa Vitas, Tondo, para muling humingi ng suporta sa mga kababayan natin sa lugar na hanggang ngayon ay isa pa ring simbulo ng paghihirap ng mga mamamayang Pilipino.

Dating bahagi ng mahabang lupain na tinatambakan ng mga basura ng buong Kamaynilaan ang parteng iyon ng Tondo. Dito noon nakatira ang mga sobrang mahihirap na kabilang sa kanilang ikinabubuhay ay ang pangangalakal ng basura. Ngayon ay isang container port area na ang lugar at iba-iba na ang ikinabubuhay ng mga nakatira roon, kahit na makikita pa rin ang mga bundok ng basura at mga taong nakatira sa mga barung-barong.

Continue reading below ↓

PLATFORMS AND ENTERTAINMENT. Nang gabing 'yon, kinalimutan muna ng mga residente ang lahat ng trabaho at alalahanin para makisaya sa programa na handog ng NP sa kanila. Sinimulan ng theater actress-singer at TV personality na si Joy Viado ang programa. Kagat na kagat ng tao ang kanyang pagpapatawa at pagkanta. Sinamahan siya kalaunan sa entablado ng singer-comedian na si Cacai.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Isa-isang ipinakilala ang mga senatoriables ng NP na sina Gilbert Remulla, Adel Tamano, Pia Cayetano, Satur Ocampo, Liza Maza, Ramon Mitra III., Gwen Pimentel, Ferdinand "Bongbong" Marcos, Susan Ople, at si Martin Querubin, ang nagre-represent sa kandidatong si Col. Ariel Querubin, na nananatiling nakakulong sa Camp Aquinaldo.

May kani-kanyang speech at tipo ng panliligaw sa mga tao ang ginawa ng bawat isa, katulad ni Remulla na kinantahan sila ng "Nandito Ako." Tuwang-tuwa naman ang mga Ilonggo sa audience nang kausapin sila ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa kanilang wika, at hamunin ng senadora sa suntukan ang mga nangungurakot sa gobyerno.

Continue reading below ↓

VILLAR, WILLIE, DOLPHY PRESSCON. Habang patuloy ang pagpapakilala sa mga senatoriables sa entablado ay nagpa-mini presscon sa isang malapit na lugar sina Sen. Villar, kasama ang dalawa niyang endorsers na sina Comedy King Dolphy at Wowowee host Willie Revillame.

Sa mini-presscon para sa mga showbiz press, sinagot nina Sen. Villar, Willie at Dolphy ang mga maiinit na isyu tungkol sa kanila. Isa na rito ay ang pasaring na puro babaero daw ang endorsers ni Sen. Villar.

"Gano'n talaga ang buhay," pauna ni Willie. "Mas mabuti na yung maraming babae ang nagmahal sa amin kesa wala. Ibig sabihin mabuti kaming tao. Masama kung walang nagkagusto sa amin."

Sabi naman ni Dolphy, bakit daw ipinupukol ang intriga ng pagiging babaero niya noon kay Sen. Villar. "E, ako yun, e. Hindi naman siya. So, bakit kailangang idamay siya?"

Tungkol sa pangunguna sa surveys ni Sen. Benigno "Noynoy" Aquino III sa pagkapresidente, ani Willie, hindi mapagkakatiwalaan ang mga survey dahil katulad ng nangyari kay dating President Fidel V. Ramos noong 1992 elections, kulelat daw ito sa mga survey pero ito pa rin ang nagwagi. Iba pa rin daw ang timbang ng limang libong na-survey kumpara sa buong bansang magdedesisyon kung sino talaga ang magiging presidente.

Continue reading below ↓

Binanggit ni Sen. Villar ang pahayag na binigay ni Francisco Tatad sa Philippine Daily Star noong May 6, tungkol sa Social Weather Stations (SWS) at Pulse Asia, ang dalawang nangungunang public opinion polling body sa bansa. Ayon kay Tatad, na senatorial candidate ng Puwersa ng Masang Pilipino, ang SWS ay dating pinamumunuan ng pinsan ni Sen. Aquino na si Rafael Cojuangco Lopa, habang ang Pulse Asia naman ay ginastusan para ma-establish ng isa pang pinsan, si Antonio "Tonyboy" Cojuangco.

Sinagot ni Sen. Villar ang akusasyon na hindi naman daw siya talaga galing sa mahirap. "Paano nilang masasabing hindi ako galing sa hirap? Ang tagal kong nagtinda ng hipon sa Divisoria. 'Saka bakit ba nila kinukuwestyon pati pagiging mayaman ko? 'Wag nating kalimutan na mayaman din sila. Mga haciendero sila."

LAST SERENADE. Habang nagaganap ang presscon para sa showbiz press, nakasalang sa entablado si vice-presidential candidate Loren Legarda. Kumanta, nagtalumpati ng kanyang plataporma, at nanguna na ang senadora sa pagbibigay-pugay sa kanyang ina at sa lahat ng mga ina para sa Mother's Day bukas, Linggo, May 9.

Continue reading below ↓

Naghiyawan nang malakas nang sumalang na si Willie sa entablado, kasama ang mga ASF Dancers at Kembot Girls ng Wowowee.

Malakas na hiyawan ang sumalubong din kay Dolphy pagpasok nito sa entablado. At nang ma-warm up na nang husto ang mga dumalo, tinawag ng dalawang artista si Sen. Villar na sinalubong din ng malakas na hiyawan at pagbati ng mga tao.

Ang highlight ng gabi ay ang pagtawag ni Sen. Villar sa entablado ng Baseco Kids at ang mga overseas Filipino workers (OFW) na natulungan niyang umuwi ng bansa. Ang Baseco Kids ay ang mga batang lumabas sa kanyang dalawang campaign commercials (ang "Naging Mahirap" at "Hindi Bawal Mangarap Ang Mahirap"). Sinurpresa ni Sen. Villar ang lahat nang bigla nitong kantahin ang "Hindi Bawal Mangarap Ang Mahirap" kasama ang mga bata at ang mga OFW. Nakisabay rin ang mga tao sa kanyang pagkanta.

Nagkaroon ng fireworks display bago nagpaalam ang lahat ng kandidato sa mga tao at bumaba ng entablado.

Continue reading below ↓

Pero di nagtapos doon ang palabas. Dumating ang endorser ni Sen. Legarda na si Sarah Geronimo at kumanta ito ng "Naging Mahirap," at tila nag-reunion ang mga hosts ng dating afternoon show na Magandang Tanghali Bayan, nang mag-medley sina Willie, John Estrada at Randy Santiago. Pinaakyat din sa stage para kumanta ang composer na si Lito Camo, na tuwang-tuwa dahil alam na alam ng mga tao ang lahat ng kanta niya.

Ang huling performers ay ang bandang Aegis.

Kabilang din sa mga nag-perform nang gabing iyon sina Geneva Cruz, Jessa Zaragoza, Ara Mina, April Boy Regino at Bugoy.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Running mates Manuel Villar and Loren Legarda and the NP senatorial slate serenade the crowd and reiterate campaign promises for the last time in star-studded miting de avance.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results