Ampalaya Anonymous denies ganging up on Pauleen Luna

IMAGE 0


Ampalaya Anonymous members (inset, from top) Bubbles Paraiso, Glaiza de Castro, Bianca King, and Rich Asuncion all deny ganging up on Pauleen Luna (main photo) through Twitter.


Ang online networking site na Twitter ang isa sa favorite "tambayan" ng local celebrities ngayon. Marami sa kanila ang masisipag na nag-a-update ng kanilang mga status at nagkukuwentuhan sa kanilang Twitter accounts.

Isa sa pinakaprominenteng grupo ng celebrities sa Twitter ngayon ay ang Ampalaya Anonymous. Ito ay isang samahan ng ilang female celebrities na mga bitter daw sa kani-kanilang lovelife. Ang mga miyembro nito ay sina Cristine Reyes, Maxene Magalona, Glaiza de Castro, Rich Asuncion, Bianca King, Bubbles Paraiso, at Angel Locsin.

THE MEMBERS. Sa special report ng Showbiz Central last Sunday, May 9, ay inisa-isa nila ang personalidad at mga isyung kinasasangkutan ng mga miyembro ng Ampalaya Anonymous.

Si Maxene ay nagka-boyfriend na non-showbiz for eight years pero recently ay na-link sa first Survivor Philippines winner na si JC Tuseco. Nag-break daw sila kahit never na umamin.

Si Rich naman ay nali-link sa young actor na si Aljur Abrenica. Nag-break din daw sila pero never umamin. Si Bubbles naman ay kilalang mataray at spunky na aktres.

Si Glaiza ay na-link kay Patrick Garcia. Liligawan na sana, pero naudlot daw ang panliligaw sa kanya ng young actor.

Si Bianca ay nakipag-break na sa Hale vocalist na si Champ Lui-Pio at nali-link ngayon kay Aljur.

Si Angel ay natsitsismis na alcoholic, at si Cristine naman na ex-girlfriend ni Dennis Trillo ay nali-link ngayon kay Rayver Cruz.

Paano nga ba nabuo ang Ampalaya Anonymous?

Bianca: "One time during the Holidays, like December, sama-sama lang kami, usap-usap about lovelife. At meron sa aming mga bitter sa lovelife at nag-joke-joke kami na para kaming mga grupo ng ampalaya."

Bubbles: "Kumakain naman tayo ng ampalaya 'tapos, 'Bitter pala tayo, o, go! Ganun na lang, Ampalaya...Ampalaya Anonymous!'"

BITTER ABOUT PAULEEN? Pero sino ba ang mag-aakala na ang simpleng biruan na ito among friends ang magiging source of intriga na kumakalat ngayon sa Internet? Pinagtutulungan daw kasi ng mga miyembro ng grupo sa Twitter ang young actress na si Pauleen Luna. Ito ay dahil sa pagkaka-link daw ngayon ni Pauleen kay JC Tiuseco, na na-link dati kay Maxene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinagtanggol naman ng mga miyembro ng Ampalaya Anonymous ang kanilang sarili.

Bubbles: "Inaaway raw namin si Pauleen? Pinariringgan daw namin si Pauleen na parang...kailan? Kailan namin siya pinaringgan?"

Glaiza: "Minsan kasi, may mga hirit kami na sa amin lang. Kami lang ang nagkakaintindihan. May mga inside jokes kasi kami, e, na kapag nakita ng iba, baka isipin, 'Ano 'to? Anong meaning behind this Twit', di ba?"

Rich: "Siguro nami-misinterpret lang nila paminsan yung Twit."

Bianca: "No, never...never kami. I think etiquette lang namin yun. We're all very decent and educated girls and never kaming magpapatalo sa Twitter or magne-name-drop or anything like that. So I think mali rin na mag-assume kung sinuman."

Rich: Barkadahan lang po kami ng mga babae."

Bianca: "Again, wala po kaming kasama rito. It's not a group. It's not a club. It's not against anybody or anything. It's just something na pinag-usapan namin ng isang gabi."

Glaiza: "Kung sinasabi n'yong mean girls kami sa Twitter, e, tingnan n'yo na lang ang timeline namin kung talagang may pinapatamaan kami or kung sinuman yung nagsisimula ng gulo."

PIA DEFENDS MAXENE. Kung si Maxene ay quiet lang tungkol sa isyu, nagsalita naman ang kanyang ina at manager na si Pia Magalona on her behalf.

"Kapag may sinasabi kang ano... I think other people are trying to provoke siguro my children, Maxene in particular. For her to say something that she's nasty... Max is a very playful person and parang very happy. Nahihirapan nga siyang umiyak sa mga drama. But that's where they put her. They put her in dramas and she's good naman at it. She's not really the easiest person to affect so she takes everything with a grain of salt pati, plus she's friends with everyone," sabi ni Pia sa Showbiz Central.

PAULEEN'S STATEMENT. Sa ipinadala namang statement ni Pauleen sa Startalk last Saturday, May 8, ay ito ang kanyang sinabi tungkol sa isyung pinagtutulungan daw siya ng mga miyembro ng Ampalaya Anonymous:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I would be hypocrite to say that there's no issue at all. But let's not drag their group because it would be unfair for the others. I've kept quiet since last year because I believe that this issue is so degrading. If some of them are denying, okay. Besides, I'm too blessed. I'll just leave it all up to God."

JC IS CLUELESS. Tinanong din ng Showbiz Central si JC kung may katotohanan ba ang pagkakamabutihan nila ni Pauleen.

"Pauleen? Nge! Hindi...sobrang hindi!" natatawa nitong sagot na tila nagulat na nauugnay pala siya kay Pauleen.

Dugtong ni JC, "Wala akong ideya diyan. Hindi ako updated diyan. Nakakausap ko siya, pero hindi...walang kahit anong relationship. Bihira kaming magkausap."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN