Aljur Abrenica on Kris Bernal: "Mahal namin ang isa't isa, pero walang physical attachment."

IMAGE 0


"Siguro po, yung nakikita sa amin ni Kris, nami-misinterpret talaga. Yung sa amin ni Kris kasi, yung pagiging close namin, magkaibigan lang to the point na magkapatid na kami. So, wala, e," says Aljur Abrenica about screen partner Kris Bernal.


Hindi pa man natatapos ang The Last Prince ay nababalita na posibleng huling tambalan muna nina Aljur Abrenica at Kris Bernal ito at itatambal muna sila sa iba. Kung si Kris ay balitang itatambal sa Brazilian-Japanese model na si Daniel Matsunaga, si Aljur naman ay kumpirmado nang itatambal sa young actress na si Rhian Ramos.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Aljur sa event ng Ayos NA last week, sinabi niyang magkahalong excitement at kaba ang nararamdaman niya ngayong itatambal siya sa ibang young actress.

"With Ms. Rhian Ramos, siyempre pati naman si Kris, ganun din. We want to explore more, ma-pair kami sa iba. Marami kaming matututunan. With Rhian, excited ako. Excited ako sa mga mangyayari. Excited din ako na makatrabaho siya, pero kinakabahan din. Medyo nahihiya...nahihiya ako sa kanya. Siguro medyo mag-aalangan ako kasi nasanay ako kay Kris sa mga eksena. Ito, iba naman 'to. Ibang ganda naman ng babae. Siyempre, excited din," sabi ni Aljur.

SEPARATE WAYS. Tinanong ng PEP si Aljur, ano ang totoong feeling niya na maghihiwalay muna sila ni Kris as loveteam?

"Malungkot...nakakalungkot," sambit niya. "Kami ni Kris, alam n'yo naman po na three years na kaming magkasama. Sa hirap at ginhawa, kami ang magkasama. Sa showbiz, kami ang nagtutulungan niyan, simula't sapul. So, malaki ang utang na loob ko kay Kris. Kung tutuusin, hindi ko mararating ang kinaroroonan ko kung hindi dahil sa kanya."

Does he really feel confident na sa kanilang dalawa ni Kris, posibleng mas kayanin niya na humiwalay sa loveteam nila?

"Hindi po ako confident and I'm sure si Kris, hindi rin naman po siya natatakot," sagot ni Aljur. "Maaga pa, napag-uusapan na rin namin ni Kris yun. At tanggap namin sa isa't isa, tanggap namin kung anuman ang maging desisyon ng network sa amin. At kahit noong hindi pa kami pinaghihiwalay, tanggap namin. At walang magbabago sa amin, wala. Hindi ako magbabago kay Kris at siya rin ganun. Nandiyan ako para sa kanya at si Kris, ganun din sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung may mami-miss siya kay Kris, ano yun?

"Lahat! Lahat mami-miss ko kay Kris. Yung presence niya, yung pagiging sweet niya, thoughtful, yung pagdamay niya sa akin. Si Kris yung palaging dumaramay sa akin kapag may problema ko. At saka yung pagkukuwento ko sa kanya kapag may mabigat sa akin dahil yung sikreto namin sa isa't isa, kami ang nagsasabihan, e. Almost lahat ng sikreto namin sa isa't isa, alam ni Kris," sabi ni Aljur.

NO ROMANTIC RELATIONSHIP. Nali-link si Kris sa singer na si Jay Perillo. Kung may plano man daw ang huli na manligaw sa ka-loveteam niya, wala raw magiging problema kay Aljur.

"Oo naman, wala namang bawal sa akin," aniya. "Hindi ko naman binabawalan kung may manligaw kay Kris. At kung anuman ang desisyon ni Kris, susuportahan ko ang desisyon niya."

Diretsahan na ngang nasasabi ni Aljur never silang nagkaroon ng commitment ni Kris.

"Wala...wala...hindi talaga naging kami," diin niya. "Ever since talaga, hindi naging kami. Wala talaga kaming naging commitment, magkaibigan lang kami."

Pero bakit sa kabila ng pagiging sweet nila ni Kris sa isa't isa at sa tagal din naman ng pinagsamahan nila bilang magka-loveteam, ano't hindi ito nauwi sa romantic relationship?

"Siguro po, yung nakikita sa amin ni Kris, nami-misinterpret talaga. Yung sa amin ni Kris kasi, yung pagiging close namin, magkaibigan lang to the point na magkapatid na kami. So, wala, e. Na-develop din na mahal namin ang isa't isa, pero walang physical attachment. Bilang magkapatid lang," saad ni Aljur.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN