Oyo Sotto eyes "beach wedding" with Kristine Hermosa

IMAGE 0


If actor Oyo Sotto's plan to wed Kristine Hermosa pushes through, he wants to have two pairs of twins. "Kung ako po ang masusunod, gusto ko apat, dalawang kambal," he smiled. "Kung ilan po ang ibigay sa amin." On September 9, Kristine will turn 26, while Oyo will turn 25. She is three months older than him.


Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press ang taping ng Midnight DJ ni Oyo Boy Sotto kahapon, May 13, sa Ninoy Aquino Park & Wildlife, Quezon City.

Ang advanced taping nila ay para sa two weeks na hininging bakasyon Oyo, na tumungong Vancouver, Canada, kasama ang girlfriend na si Kristine Hermosa, na ang pamilya ay naka-base doon.

Kababalik pa lamang ni Oyo noong umaga ng Wednesday at nag-report na siya sa taping kahapon. Ang bungad na tanong sa kanya ng press: Kumusta ang bakasyon?

"Masarap...Ang lamig at hanggang sa umalis kami, may snow pa rin doon," nakangiting kuwento ni Oyo. "Nakapunta kami sa iba't ibang lugar sa Vancouver, kasama ang family ni Tin. Nag-enjoy po kami talaga."

Balitang nagpaiwan daw si Tin sa Canada dahil preggy ito.

"Nope, hindi po totoo," mabilis niyang sagot. "Kasama naming bumalik ni Mommy [Dina Bonnevie] si Tin at hindi po siya preggy. Nandoon pa kami, nakarating na sa amin ang balita kaya tinawanan na lamang namin dahil hindi naman totoo. Hindi puwedeng preggy na siya bago kami magpakasal."

Kumusta naman ang pakikitungo ng pamilya ng Kapamilya actress sa kanya?

"Nandito pa naman sila, matagal na akong kilala ng family ni Tin. Nagpunta lamang kami talaga roon para dumalaw at makapagbakasyon na," ang sabi ng panganay ni Vic Sotto.

WEDDING BELLS? Sa bulung-bulungan namang ikinasal na ang dalawa roon, pinabulaanan ito ni Oyo. Sabi niya, "Hindi po, dahil kung magpapakasal kami, gusto namin dito, hindi roon."

At itinanggi rin ni Oyo ang sabi-sabing isa sa mga pakay niya sa pagsama sa girlfriend ay para hingin ang kamay nito sa pagpapakasal.

"Hindi pa po, dahil wala pa naman kaming date ng pagpapakasal. Napag-uusapan na rin, pero wala pa kaming pinag-usapan kung kailan at saan."

Yaman din lamang na wedding ang topic, inusisa namin kung ano ang kanilang dream wedding.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Definitely, it will be a Christian wedding," ang sagot ng 26-year-old actor. "Gusto namin beach wedding, pero wala pa kaming naiisip kung saan."

Biniro namin siya na huwag sa Boracay dahil halos lahat ng mga ikinasal doon ay naghiwalay na ngayon.

"Hindi po, wala kaming balak na doon magpakasal, kahit saang beach po dito na mapipili namin," natatawang sagot ni Oyo.

Habang nasa Canada sila, binanggit ng kanyang dad na si Vic Sotto ang balak nilang pagpapakasal. Sabi ng host-comedian, hindi pa niya alam ang detalye dahil may problema pa si Kristine sa pagpapakasal nito kay Diether Ocampo noon. Ito ba ang sagabal sa kanilang mga plano?

Sabi ni Oyo, "Hindi po, wala nang problema. Lumabas na iyong court decision two years ago pa na null and void ang kasal nila."

Matatandaang sikretong nagpakasal sina Diether at Kristine sa Jaen, Nueva Ecija, noong September 2004. June 2005 noong nag-file ng annulment si Kristine. Makalipas ang isang taon, nagbaba ng desisyon ang lower Court na null and void kasal ng dalawa. Umapela ang solicitor general sa Court of Appeals, na umayon sa unang desisyon nitong nakaraang taon.

NEXT PROJECTS. Samantala, hindi man exclusive ang kontrata ni Oyo sa TV5 ay masayang-masaya naman ito.

Aniya, "Puwede akong lumabas sa ibang network kung gusto ko, pero I'm very happy dahil season seven na kami ng Midnight DJ. Although sa second season na ako pumasok dito, si Paolo [Contis] kasi ang original dito. Thankful kami ng mga kasama namin dito—sina Desiree del Valle, Jenny Miller, Joaqui Tupas, at iba pang members ng cast—dahil sa pagtangkilik sa aming show na comedy-horror, every Friday, 8:00 p.m., isa sa mga high-rating shows ng TV5."

Wala ba namang sumasama sa kanilang bad spirits tuwing umuuwi sila galing sa taping?

Nakangiti niyang sagot, "Wala pa po naman, hinihintay nga namin, pero wala. Nagtatanungan nga kami, wala naman silang na-i-experience. Siguro po, dahil ginagawa namang comedy ang ibang eksena na dinidirek ni Lore Reyes, para hindi naman talaga matakot ang mga televiewers."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol naman sa project ng girlfriend sa ABS-CBN, wala raw ideya si Oyo kung kailan ito magsisimula. Paano kung may kissing scene si Kristine sa katambal nito?

"Pagdating po sa trabaho, wala kaming pakialaman ni Tin," aniya. "Basta kung anuman ang gagawin namin, ipaaalam lamang namin sa isa't isa."

May balak yata ang dad niya na gawan ulit ng sequel ang Enteng Kabisote sa MMFF 2010, si Tin pa rin ba ang makakatambal ni Vic Sotto?

"Hindi na po, ayaw na ni daddy. Sa akin po, okay lamang iyon pero ayaw ni daddy dahil maiilang daw siya," natatawang pagtatapos ni Oyo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN