Jake Cuenca on Melissa Ricks: "We have an understanding."

IMAGE 0

Jake Cuenca and rumored girlfriend Melissa Ricks have recently been beset by intrigues, all of which Jake meets head-on at a press conference for his latest TV outing, ABS-CBN's Agimat: Ang Mga Alamat ni Ramon Revilla Presents Elias Paniki.


Hindi pa man umaamin sina Jake Cuenca at Melissa Ricks sa totoong estado ng kanilang relasyon, pumutok na ang balitang break na raw sila.

Sari-saring dahilan ang lumutang kung bakit daw sila nagkasira. May kuwento na na-pressure na raw si Melissa sa pag-ayaw ng mga magulang niya, partikular ng ina, sa aktor. Mayroon namang nagsabi na naapektuhan raw ang aktres sa balitang pagtatalo noon nina Jake at ex-girlfriend Roxanne Guinoo sa Guam na nauwi raw sa pisikal. May kuwento rin na pinagselosan raw nang husto ni Melissa ang pakikipagtambal ng aktor sa dating niligawan na si Sam Pinto.

Sa presscon ng Agimat: Ang Mga Alamat ni Ramon Revilla Presents Elias Paniki na mapapanood on May 29, isa-isang binigyang linaw ni Jake ang mga nasabing issues.

JAKE SPEAKS UP. "Regarding sa sinasabi nilang breakup... sa akin na manggagaling, wala kaming problema at all, wala kaming pinagdadaanan na ganun kalaking problema o isyu. Ang utak namin ay nasa trabaho, ang utak niya ay nasa Tanging Yaman na napaka-successful kaya pinagbubutihan niya.

"Tungkol naman dun sa sinasabing against daw sa akin si Tita Josie, okey si Tita Josie, she's a great mother, napalaki niya ng tama ang kanyang anak. As a person, aminado ako na di naman ako yung boyfriend material-looking type of guy, pero ako naman, unti-unti ko namang ipinapakita ang sarili ko. Cool si Tita Josie, she's a very good person, same with Melissa also.

"Tungkol dun naman sa nangyari before sa amin ni Roxanne, we clarified that issue already. Before nag-The Buzz ako, I answered it, I will never gonna go back to it kasi siyempre it was a long time ago, tapos na tapos na yung issue na yun. Ang sa akin lang, lahat ng tao may kanya-kanyang opinyon. Basta ako sinabi ko ang totoo, sinabi din naman ni Roxanne ang totoong nangyari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Di ako yung boy next door na magugustuhan agad, di ganun kalinis ang aking reputasyon pagdating sa babae, pero ang sa akin naman, pag mahal mo ang isang tao, patunayan mo yun sa kanya. Kung dumating ang araw na kailangan kong patunayan ang sarili ko, gagawin ko yun."

Pinag-usapan din before ang pag-amin ni Sam Pinto na nanligaw sa kanya si Jake. Balita na pinagselosan daw ito ng rumored girlfriend na si Melissa lalo't nagbitiw ng salita si Jake na may kilig pa rin siyang nararamdaman sa pagpapareha nila ng Pinoy Big Brother housemate.

"Magkaibigan lang naman kami ni Sam. Yung kilig na 'yan kasi kailangan para mapaganda yung mga eksena. Di ko naman ide-deny na may kilig talaga. Tulad ng sinabi ko kanina, di mahirap magpuyat, di mahirap mag-taping kasi kasama ko si Sam, mas napapadali ang trabaho. Pag magkausap kami tuloy-tuloy, kasi nga magkakilala na kami di pa ako artista, di pa siya artista, so marami kaming napagkukuwentuhan.

"Di lang sa pag-aartista, di lang sa career, kasi kilalang-kilala ko siya at kilalang-kilala niya ako so gamay namin ang isa't isa. 'Saka gusto ko siyang i-guide, kasi nung bago pa lang ako, may wish ako nun na sana mayroon ding tao na mag-guide sa akin, na tumulong sa akin, pero wala, e.

"Naiintindihan naman ni Melissa, solid. Pareho naman kami ng mundong tinatakbuhan, ng ginagalawan. 'Saka nung nag-Agimat naman siya, may kaunting kurot din sa akin yun, bumaligtad lang naman ang sitwasyon."

So, totoo palang nagselos si Jake kay Jolo Revilla nang makapareha nito si Melissa sa Pepeng Agimat, at balitang dinadalhan pa ni Jolo si Melissa ng pagkain sa set.

"Tulad ng sinabi ko, responsiblidad niya at isang magandang katangian ni Jolo na isa siyang mabuting leading man. 'Saka wala akong karapatang magselos, wala ako sa puwesto."

THE REAL SCORE. Tinanong namin siya kung ano ba talaga ang totoong lagay ng relasyon nila ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We have an understanding, pero sa ngayon trabaho muna talaga ang focus namin. Sa magagandang nangyayari sa kanya, sinabihan ko siya na, 'Prioritize your work more than anything else.'

"Sa akin, if ever she dates someone, siyempre masakit sa akin yun. Kung ako naman ang may ibang i-date, alam ko na may masasaktan din akong tao."

Kamakailan ay naospital si Melissa. Ikinuwento sa amin ni Jake na dinalaw niya ang aktres.

"Nagasgas ang mata niya sa contacts [contact lens], kasi parang napunit yata yung contacts niya. Dumalaw naman ako sa hospital, kinumusta ko siya. Madaling-araw kasi madaling-araw na natapos ang trabaho ko, mga 1 a.m., galing akong Bulacan, nag-Santacruzan. Nandun yung mga magulang, wala namang masamang dumalaw, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN