Lucy Torres-Gomez sees her election to Congress as responsibility and privilege

IMAGE 0


The newly-elected Representative from Leyte doesn't deny that she was a reluctant candidate: "When I was thinking to really substitute for Richard, initially, all of me was, 'No, no, no...' Kasi hindi ako pulitiko, e. But then, binalikan ko kung bakit tumakbo si Richard in the first place. Ano ang nag-udyok kay Richard na tumakbo. Ano ang vision niya, ano ang platform niya. It became a deciding factor for me."


Naiproklama na si Lucy Torres-Gomez bilang bagong Representative ng 4th District ng Leyte. Landslide victory ang tinamo ni Lucy sa kanyang bayan ng Ormoc.

Pero, nang i-address siyang "Congresswoman" ni Ricky Lo sa taped interview nito sa Startalk kahapon, May 15, agad niya sinabing Lucy pa rin ang itawag sa kanya.

RELUCTANT CANDIDATE. The unang tanong ni Ricky ay kumusta na siya.

"Well, I don't deny that I'm very new," sabi ni Lucy. "Sabi ko nga, this was beyond my wildest dreams. But when I was given the job, I really see it as first, responsibility. A very big responsibility that I am going to take seriously. Number two, I see it as a privilege to be given this chance to serve. When I was thinking to really substitute for Richard, pinag-uusapan namin... sabi niya, 'Honey, you really have to. You really have to substitute.'

"Initially, all of me was, 'No, no, no...' Kasi hindi ako pulitiko, e. But then, binalikan ko kung bakit tumakbo si Richard in the first place. Ano ang nag-udyok kay Richard na tumakbo. Ano ang vision niya, ano ang platform niya. It became a deciding factor for me."

Kung matatandaan, humalili si Lucy sa asawang si Richard Gomez nang hindi matugunan ng huli ang residency requirement na hinihiling ng Commission on Elections sa kanya.

Katabi ni Lucy ang mister na si Richard habang ini-interview ni Ricky. Tinanong din si Richard kung sa pangyayaring 'yon, hindi ba nito parang isinubo ang asawa sa pulitika?

"Hindi, it was a decision made on the table. Very clear and in fairness, it's all up to Lucy to decide whether she will take it or not."

PARTNERS IN SERVICE. Ngayong isa na ngang kongresista si Lucy, ano naman ang papel ni Richard na siyang naging instrumento kung bakit napasok ang asawa sa pulitika?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Richard will be there to help me," sagot ni Lucy. "I will make sure that all the dreams, all his plans for Ormoc, I will push it and Richard will be very much beside me also. Sabi ko nga sa mga taga-Ormoc, matutuwa sila dahil isang Gomez lang ang ibinoto nila, pero, dalawa kaming puspusang magtatrabaho."

Dugtong pa niya, "With all this disqualification case, siya rin naman ang magiging 'congresswoman', I already know what I am going to do as a wife."

Sa bagong karera ni Lucy ngayon, hindi ba nagwo-worry si Richard rito?

"That is why I always have to be with Lucy para kaya naming protektahan ang bawat isa. Siguro in the past, nagkaroon na rin ako ng relationship sa mga pulitiko. Marami sa kanila, alam mo na kung paano mag-isip, iba-ibang klase. You just have to be careful also," tugon ni Richard.

Ano naman ang mga bagay na kinakatakutan ni Lucy?

"I have fears but I always trusted that something bigger, someone greater than myself," sabi ni Lucy. "So, alam ko, no matter how big my problem is, I know, I have a bigger God. Of course, everything is in perspective right away."

Gaano nga ba katotoo ang balitang ngayong nahalal na siya'y iiwan na niya ang showbiz?

"The time is fluid naman, I know I can do my job in Congress without compromising my commitment in showbiz and vice versa."

LESSONS FROM THE ELECTIONS. Para naman kay Goma, ngayong muling naunsiyami ang pagpasok niya sa pulitika, babalikan na nga ba niya ang showbiz?

"Oo naman, si Wyngard Tracy [manager] is working on something."

Biro ni Richard, he'll be a househusband naman now that Lucy is in Congress. Pero aniya, "But you know, I'll be helping Lucy a lot. Kayang-kaya niyang gawin yun."

What was the best lesson they learned from the the recent elections?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako, ang best lesson sa akin, you can run an honest campaign na hindi mo kailangang mamersonal sa kalaban mo," sagot ni Richard.

Para naman kay Lucy, "Money is not everything... Kung pera lang ang naging laban dito, wala talaga kami. Wala talaga kaming laban. And I also learned, we can really only do so much. We can plan. We can try but at the end, it's really God who decides, so, sana, to our opponents, I know that there are wounds that need to heal but from this point onward, you know, the people have already decided. Hopefully we can look forward to unity for projects and for change."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN