Jennylyn Mercado celebrates birthday with beau Dennis Trillo

IMAGE 0


Jennylyn also gave some wishes for Dennis on his birthday: "Ang dami rin na pinagdadaanan na intriga ni Dennis. So, peace of mind at saka siyempre, importante yung kalusugan niya dahil ang dami niyang trabaho. Ang dami niyang ginagawa. Busy na tao si Dennis, so, yun, good health."


Kahapon, May 15, ang mismong birthday ni Jennylyn Mercado, at kinumusta siya ng Startalk host na si Joey de Leon over the phone.

Paano ang celebration ng birthday niya?

"Simpleng dinner lang po kasama ng mga family and friends," sagot ni Jennylyn.

Sa panayam naman ng Startalk sa rumored boyfriend nitong si Dennis Trillo, nasabi ng huli na pupuntahan niya si Jen at dadalhin ang birthday gift niya para dito. Gusto rin nitong siya ang maunang bumati sa dalaga. So Joey asked Jen, natuloy ba ang mga plano ni Dennis?

"Opo," natatawang sagot ni Jennylyn.

BIRTHDAY WISHES FOR BOYFRIEND. Tulad ni Dennis, ayaw ring sabihin ni Jennylyn kung ano 'yong birthday gift niya. Humirit si Joey na kahit first letter lang ng gift ang ibigay ni Jennylyn, at sumagot naman ito ng letter C.

Camera ang hula ni Joey, na itinanggi naman ni Jen.

Gamit na raw ba ni Jennylyn ang birthday gift ni Dennis?

"Opo, nagagamit po..."

Si Dennis naman, noong May 12 nag-celebrate ng birthday niya. Kaya ang tanong ni Joey kay Jen, ano naman ang naging birthday wish niya kay Dennis?

"Ang birthday wish ko, siyempre, ang dami rin na pinagdadaanan na intriga ni Dennis. So, peace of mind at saka siyempre, importante yung kalusugan niya dahil ang dami niyang trabaho. Ang dami niyang ginagawa. Busy na tao si Dennis, so, yun, good health."

Natawa naman si Jennylyn nang tanungin ni Joey kung kasama raw ba si Dennis sa plano nitong dinner at kung part na raw ba si Dennis ng pamilya niya?

"Oo naman po, kasama po. Kasama lang naman po mga family and friends, hindi naman po intimate na dinner."

May birthday wish ba siya para sa sarili niya?

"Para sa akin po, wala na akong mahihiling pa. Siguro po magtuloy-tuloy lang ang career para sa akin at sa family ko. Yun lang siguro."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN