Boy Abunda is not closing door to possible government position

IMAGE 0


"Pag nandito ka na pala sa pagkakataon na ganito, parang... 'But no, I can't do that. I'm not qualified to do it.' But there are some jobs that I may be able to do. It has not happened yet. But ewan ko, meron akong pakiramdam na papunta doon," says TV host Boy Abunda when asked if he will accept a government position once incoming President Noynoy Aquino assumes office.


Muling nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang TV host na si Boy Abunda noong Lunes ng gabi, May 17, sa live telecast ng SNN (Showbiz News Ngayon) sa ABS-CBN studios. Ito rin ang nagsilbing "comeback" ng kasamang host ni Boy na si Kris Aquino matapos ang kanyang leave of absence sa show noong panahon ng kampanya para sa May 10 elections.

Ngayon ay batid na ng publiko ang magandang resulta ng nakaraang eleksiyon para sa presidentiable na si Senator Noynoy Aquino, Kris's brother. Kulang na nga lang ay ang pormal na proklamasyon kay Noynoy bilang bagong pangulo ng bansa na magaganap sa Hunyo 30, 2010.

Kaugnay nito ay hindi lang minsan kundi makailang ulit sa nakaraang tatlong araw—mula nang mag-host din siya ng The Buzz noong Linggo, Mayo 16—na natatanong si Boy tungkol sa posibilidad ng pagrekomenda ni Kris, o pag-appoint mismo ng magiging bagong Pangulo, sa kanya sa isang mataas na posisyon sa gobyerno.

Lagi ring walang paniniyak ang sagot ni Boy tungkol dito, bagamat mayroon ding mga pahaging.

"The only reason why I don't wanna answer that question ay dahil malapit 'yan sa totoong buhay," sabi ng TV host. "Pero huwag muna...hindi ko alam. You know, kung tinanong mo ako diyan dati, I will exactly said no. Pero ngayon, hindi ko alam, hindi ko alam talaga... Pinag-iisipan...nakakakaba!"

Mabilis namang mag-isip para sa kanya ang ilang kapanalig ni Boy mula sa entertainment press. Agad naisa-suggest na puwedeng maging pinuno ng Press Corps ng Malacañang ang premyadong TV host.

"Hindi ko alam," pag-ulit naman ni Boy. "Pag nandito ka na pala sa pagkakataon na ganito, parang... 'But no, I can't do that. I'm not qualified to do it.' But there are some jobs that I may be able to do. It has not happened yet. But ewan ko, meron akong pakiramdam na papunta doon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FIRST "ADOPTED" BROTHER. Pansamantalang nahinto ang interview namin with Boy sa puntong ongoing na ang live SNN telecast. Nang matapos na ito'y sandali ring bumati ang kasamang host ni Boy na si Kris sa PEP at iba pang bisitang press people.

Mula sa pagiging presidential daughter sa panahon ng pagkapangulo ni Gng. Corazon Aquino, si Kris ngayon, o sa susunod na buwan, ay tinatayang magiging presidential sister bilang bunsong kapatid na babae ng magiging bagong President-elect.

Ano nga ba ang gusto ni Kris na itawag sa kanya ngayong magiging Pangulo na si Noynoy?

"First Sister!" walang kagatul-gatol at nakangiting wika ni Kris.

Nasa puntong kinakausap namin ni Boy at masaya nitong ibinabalita ang pagwawaging Mayor naman sa Borongan, Samar ng kanya ring kapatid na babae na si Manafe Abunda nang magpahabol si Kris patungkol kay Boy.

Kung siya raw ay "First Sister," si Boy naman ang "First Adopted Brother" sabi ni Kris, bago tuluyang magpaalam sa mga nasa studio.

ON TOP OF HIS GAME. Nang muling "kinulit" tungkol sa government position na posibleng ialok ng magiging bagong administrasyon, tulad ng pagiging Education o Finance Secretary, nahihiyang nagpahayag lang si Boy na: "Parehong hindi ako qualified!"

"I mean, alam ko naman kung saan, anong kakayahan ko. So, bawat dumadaan sa buhay ko, halimbawa, at this point... Pag-aaralan ko kung saan ako nababagay, kung anong kakayanin ko. Kasi sobrang expectations, di ba?

"Finance? Hindi ko kaya! I'm very bad at finance. Pag-aralan natin. Hindi ko alam, e," wika pa ni Boy.

Samantala, may bulung-bulungan din na "napipisil" diumano si Boy na maging tagapamahala ng isa sa mga sequestered network stations ng gobyerno. Gaano nga ba katotoo ang usap-usapan tungkol dito?

Natatawa lang ang TV host. Sabi niya, "Alam n'yo, at this point in my life, napakahirap niyan kasi I am blessed with a wonderful career. Sabi nga ni Kris... Not my word, nakakahiya naman, I don't want to...na I'm 'on top of my game.' So, to get out of what I'm doing is a very difficult decision. Talagang dasal [ang kailangan]. Hindi ko alam, e. Ang hirap!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We're being paid good money to get to where we are today," pagtukoy pa ni Boy hinggil sa kasalukuyang takbo ng kanyang career. "Ilang taon? It wasn't easy. It was a hard struggle to get to where we are today. We are paid good money to do a job that we love. Saan mo mahahanap 'yon?

"Pero siyempre," patuloy niya, "may mga ibang bagay na dumadating din sa 'yong buhay, na ibang lebel. Halimbawa, it's a call of duty for your country, or... Kasi, hindi naman ito...this is not gonna be about money. Sabi ko nga, simpleng buhay, e. Hindi naman simple ang dating ko sa tao, pero simple lang naman ako, e.

"Hanggang ngayon, paksiw pa rin naman ang pagkain ko. Wala naman akong utang na binabayaran. Mga kotse ko, mga luma. Mahilig lang ako sa damit, pero wala akong ina-amortize. Takot pa rin akong umutang sa bangko.

"So, wala akong problema na gano'n. And I'm so blessed with a job that pays me so well. That's why I share. Kaya pag kinuha mo ako dito sa landscape na ito, parang pag-iisipan mo talaga nang husto," makahulugang pahayag ni Boy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN