Dennis Trillo on being more open in lovelife now: "Mas magaan kasi wala ka nang kailangang itago."

IMAGE 0


"Ang nabuo between us, talagang special yun at hindi lang naman yun basta magkasama kami sa isang show. Kahit matapos ang show, tuluy-tuloy lang ang magandang samahan namin," says Dennis Trillo about his relationship with Jennylyn Mercado.


For the first time ay magtatambal sina Dennis Trillo at Carla Abellana. Ito ay para sa pilot offering ng bagong weekly series ng GMA-7 na Lovebug, ang The Last Romance. Ang Lovebug ang papalit sa timeslot ng Dear Friend na mapapanood after Party Pilipinas simula sa May 23

Most of the scenes of The Last Romance ay kinunan sa Hong Kong, lalo na't nag-cruise pa ang dalawang Kapuso stars para sa palabas na ito.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dennis sa presscon ng The Last Romance kahapon, May 18, sa Sun Cruises sa may CCP Bay Terminal, Pasay City.

"Maganda ang mga nagawa naming eksena, surprisingly," banggit ng aktor. "First time naming mag-work [ni Carla]. First time naming gumawa ng mga ganung eksena. Noong una nga, akala namin mahihirapan kami. Kasi, ibang feel 'to, hindi ito hosting... May iyakan, may tawanan, may kilig moments. Hindi naman namin na-establish 'to noong StarStruck days namin kaya natuwa kami na, at least, hindi kami nahirapan, hindi kami nangapa. With the help of the StarStruck, nabuo namin ang rapport namin together."

Matatandaang co-hosts sina Dennis at Carla sa StarStruck V, ang reality-based artista search ng GMA-7.

Sa hiwalay na panayam ay sinabi ni Carla na may challenge sa kanya ang paggawa ng The Last Romance dahil alam niyang magaling na aktor ang kapareha niya ngayon. So, tinanong ng PEP si Dennis kung kumusta naman ang kanyang bagong leading lady.

"Okey siya," nakangiting sagot ng award-winning actor. "Ano na rin, may lalim na rin siya bilang aktres. Maganda yung mga eksena dun. Mabilis siyang makaiyak. So, kung kailangan ng mga kilig moments, kaya niya rin. So, overall, talagang kaya na niya kahit ano. All around kaya na niya kahit ano."

RELATIONSHIP WITH JENNYLYN. Base sa past relationships ni Dennis, may impresyon sa kanya ang mga tao na madali siyang ma-in love, pero madali rin daw magsawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon ay hindi naman ikinakaila ni Dennis na exclusively dating na sila ng leading lady niya sa afternoon soap na Gumapang Ka Sa Lusak na si Jennylyn Mercado. Ngayong malapit nang magtapos ang kanilang pinagsasamahang serye, hindi kaya magtapos na rin kung anuman ang meron sa pagitan nilang dalawa ngayon?

"Siyempre, hindi totoo yun," pagtatanggol ni Dennis sa sarili. "Ang nabuo between us, talagang special yun at hindi lang naman yun basta magkasama kami sa isang show. Kahit matapos ang show, tuluy-tuloy lang ang magandang samahan namin."

Ibig niyang sabihin, iba ang kung anumang meron sila ngayon ni Jennylyn kumpara sa mga dati niyang nakarelasyon?

"Well, iba sila... Lahat sila, iba-iba. So, si Jen, iba rin siya. Bawat tao naman, iba, e," sabi ni Dennis.

Masasabi niya bang seryosohan na talaga this time?

"Well, hindi kami naglolokohan. Yun lang ang masasabi ko," sagot niya.

Sa kabila nito, may impresyon pa rin ang iba na hindi pa rin kayang magseryoso ni Dennis pagdating sa pakikipagrelasyon. Ano ang reaksiyon dito ng aktor?

"Ako kasi, siyempre sa buhay natin, bihira lang tayong makakita ng taong magiging masaya ka. So, as much as possible, ine-enjoy ko ang buhay ko. Now, yung pagseseryoso, darating na lang yun sa 'yo.

"Seryoso naman...bawat relasyon naman, seryoso ako," diin niya. "Nagkakataon lang siyempre habang nagkakakilala kayo, nagkakaroon kayo ng differences. Meron talagang hindi uubra, merong uubra."

Marami ang nakakapansin ng masayang aura ni Dennis ngayon. Kaya ang tanong, this time kaya ay nakikita niyang magtatagal nga sila ni Jen?

"Sana, sana, di ba? Wala pa namang problema. So, masyado pang maaga," nakangiting sagot ng 29-year-old actor.

Anong ugali ni Jennlyn ang mga nagustuhan niya?

"Ano siya, simple lang, maasikaso, maalaga...sobrang maalaga. Mahilig kami sa music. Mahilig kaming sa bahay lang. Hindi kami lumalabas pareho. Wala kaming bisyo. Simple lang kaligayahan namin pareho kaya siguro nag-click din kami," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinubukan naming mapaamin si Dennis kung ano ang birthday gift na ibinigay niya kay Jennylyn last May 12. Ayon kasi sa young actress, ang iniregalo sa kanya ni Dennis ay nagsisimula sa letter C. Pero naging consistent si Dennis sa pagtanggi at hindi pagri-reveal ng regalo niya.

"Yung mga ganun kasi, hindi ko na masyadong inaano... Sa amin na lang," iwas niya. "Alam n'yo naman ako, hindi ako masyadong ano sa mga rega-regalo, sa mga personal na ano. Para wala na ring masabi na baka mamaya, sabihin pati yung regalo...na ang mahal naman ng regalo, yung ganun."

Hindi naman itinanggi ni Dennis na magkakilala na rin ang kani-kanilang mga anak na sina Calix (anak ni Dennis kay Carlene Aguilar) at AJ (anak ni Jennylyn kay Patrick Garcia). Nakapaglaro na rin daw ang mga anak nila.

"I LOVE YOU, JEN." Noong nakaraang fans day cum birthday party ni Jennylyn ay nag-phone patch si Dennis at may tatlong beses yata siyang tumawag. At nagsigawan ang fans nang buong-ningning na sinabi ni Dennis ang mga katagang "I love you kay, Jen."

Ano nga ba ang nagtulak kay Dennis para sabihin ang mga salitang iyon kay Jennylyn sa harap ng maraming tao?

"Well, siyempre, mahal ko yung tao," sagot ni Dennis. "Hindi lang naman mahal romantically. Kumbaga, siyempre kapag kaibigan mo at may malasakit ka dun sa tao, hindi mawawala ang pagmamahal. Kasi siyempre, kung totoong kaibigan at talagang may paki ka sa taong yun, hindi lang sa trabaho mo siya papakisamahang mabuti. Kumbaga, yung buong pagkatao niya, pakikisamahan mo. At saka siyempre, mahal mo na rin yun."

Bakit ngayon lang siya naging ganito ka-open sa nararamdaman niya para sa isang babae?

"Siyempre, gusto ko na rin kasi na kung ano ang tatanungin sa akin, sasagutin ko na lang para matapos na. Para maiba naman," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mas magaan ba ngayon sa pakiramdam?

"Mas magaan kasi wala ka naman nang kailangang itago. Kung ano ang tanong sa 'yo, e, di sagutin mo na lang nang maayos. Kung ano ang totoo talaga," sabi ni Dennis.

Biro namin kay Dennis, ano kaya ang meron siya na parang hindi siya agad makalimutan ng mga babae at hindi sila agad nakaka-move on?

"Hindi ko alam... Hindi ko alam ang isasagot ko diyan kasi siyempre, every relationship naman, ibinibigay ko ang best ko. Yun lang ang masasabi ko. So, siguro, ewan ko...," halatang naiilang na natatawa siya.

Pero siya ba ay madaling makapag-move on sa isang relasyon?

"Depende sa tao 'yan, e," sabi niya. "Siguro ako, nagkataon lang na may gift ako na madali akong maka-move on. Yung mga ano ko naman.... Nakaka-move on naman, nakaka-move on naman."

AMPALAYA GROUP & PAULEEN. Halata namang umiwas si Dennis na masangkot pa sa usapan ng grupo ng Ampalaya Anonymous at ng na-link din sa kanya noong si Pauleen Luna. Sinasabi kasing isa si Dennis sa diumano'y dahilan ng gusot ng magkabilang kampo.

Pero ayon kay Dennis, "Hindi, hindi yata...wala yun. Hindi dahil sa akin yun. Wala akong balita tungkol dun. Wala akong masyadong alam sa mga away nila. Ayokong makisali dun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN