Tuesday Vargas will go on honeymoon first before the wedding

IMAGE 0


"Sa totoo lang, true pala na you get those jitters. Akala ko sa pelikula lang 'yon, pero totoo pala. Yun, natataranta ka, stressed ka, at para kang mababaliw. Hello, parang ngayon ko lang nararamdaman ang mga ito!" says comedienne Tuesday Vargas on her wedding with Session Road guitarist Coy Placido come June 19.


One month to go na lang at ikakasal na ang comedienne na si Tuesday Vargas sa kanyang fiancé na si Coy Placido, gitarista ng bandang Session Road. Sa Discovery Suites sa Boracay magaganap ang kanilang beach wedding. Black and white ang magiging motif nito.

Ayaw pa raw isipin ni Tuesday ang nalalapit niyang kasal on June 19. Nate-tense daw siya kapag pumapasok ito sa isipan niya.

"Gusto ko kasi normal lang ang takbo ng buhay ko. Kapag naiisip ko ang kasal ko, hala, para akong nasasapian! Hindi ako mapakali! Ang laki kasi ng budget!" natatawang sabi ni Tuesday sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Dagdag niya, "Buti na lang ang marami akong raket sa TV5 tulad ng Lokomoko U, Talentadong Pinoy, at P.O.5. Tapos meron pa ako sa GMA-7, kaya keri na ang malaking gastos."

Hindi raw inakala ni Tuesday na mararamdaman niya ang mga sinasabing pre-wedding jitters. Na hindi nga niya maintindihan ang nararamdaman niya dahil sa malapit na siyang ikasal.

"Sa totoo lang, true pala na you get those jitters. Akala ko sa pelikula lang 'yon, pero totoo pala. Yun, natataranta ka, stressed ka, at para kang mababaliw. Hello, parang ngayon ko lang nararamdaman ang mga ito!

"But it's an overwhelming feeling kasi nga sa wakas, matutupad na ang wish ng mother ko at ng anak ko. Natataranta lang naman ako, pero wala naman yung sinasabi nilang cold feet na parang gusto mong umatras. Walang gano'n dahil bayad na lahat! Wala nang chance na umatras!" tawa niya ulit.

THE WEDDING GOWN. Si Frederick Peralta ang gumawa ng fully-beaded wedding gown ni Tuesday. May pinaggayahan daw na isang Vera Wang wedding gown si Tuesday at na-incorporate 'yon sa design ni Peralta.

Kuwento ng comedienne, "Si Mama Frederick kasi madalas niya akong mapanood sa mga set ko sa comedy bars. Natutuwa siya sa akin hanggang sa naging kaibigan ko siya. Nag-promise kasi siya na siya ang gagawa ng wedding gown ko kapag nakapagdesisyon na akong magpakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya sobrang bonggang-bongga ang ginawa niya. Ang haba pa ng traje [de boda]. Yung mga nagtahi nga ng mga beads sa wedding gown ko, bulag na raw silang lahat!" tawa niya.

Hindi raw susunod si Tuesday sa tradisyon ng ibang brides na kailangan may 'something old, something new, something borrowed, and something blue.'

"May nagsabi sa akin nga tungkol diyan. Wala naman daw masama kung susundin ko. Pero okey na sa akin ang naging preparations ko. Simple at elegante ang wedding na gusto namin at baka ma-tense pa ako kapag hindi ko nasunod ang mga something na 'yan. Ang importante ay may blessing kami ng magiging mister ko. Yun ang mahalaga above all, di ba?"

ADVANCE HONEYMOON. Pero nabanggit ni Tuesday na mauuna pa ang honeymoon nila ni Coy kesa sa kasal nila. One week bago kasi ang kasal nila ay may show si Tuesday sa Barcelona, Spain at Paris, France kaya doon na raw nila gagawin ang honeymoon nila.

"Sayang kasi, di ba? Europe na 'yon kaya sabi ko kay Coy, 'Mag-honeymoon na muna tayo bago ang kasal!' E di ayos na, di ba?" tawa pa niya.

"After ng wedding namin, for sure pagod na kami. Pa-relax-relax na lang kami doon sa Boracay kasi tapos naman na ang honeymoon namin. E, di nakatipid pa kami!" natatawang sabi ni Tuesday.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN