Kevin Santos's patience is starting to pay off

IMAGE 0


"Hindi ko naman po siguro oras pa nung time na yun sa StarStruck, na magkaroon ng shows, ganun. Parang hindi ko pa oras. Parang binigyan muna ako ng time na mag-workshop, mag-training, ganyan-ganyan. So, 'eto na ako ngayon," says StarStruck alumnus Kevin Santos about waiting for his time to shine.


Maganda ang takbo ng career ngayon ng StarStruck 2 Avenger na si Kevin Santos.

"Oo, kasi hindi nababakante. Meron tayong sitcom, meron tayong Dramarama, meron tayong mga guesting-guestings. Kaya thankful naman po," nakangiting sabi ni Kevin nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Sine Novela Presents Basahang Ginto noong May 19 sa Executive Lounge ng GMA Network Center.

"Kasi before po," patuloy niya, "sobrang nabakante ako ng mga one year, e. Nabakante ako ng mga isang taon, 2007 to 2008. So after nung 2009, dire-diretso na since nakilala ko po si Tito Joe [Barrameda, his manager], nung hinawakan niya ako, nung hinandle niya ako. So, 'eto na ako ngayon."

Sa batch nina Kevin sa StarStruck ay sina Mike Tan at Ryza Cenon ang naging Ultimate Survivors. Pero ngayon, mas marami pang shows si Kevin kesa kay Mike. Bukod sa Basahang Ginto, kasama rin si Kevin sa Show Me Da Manny at Bubble Gang.

Ano ang masasabi ni Kevin tungkol dito?

"Actually, wala naman po akong masasabi kasi iba-iba naman po kami," sagot niya. "Hindi ko naman po siguro oras pa nung time na yun sa StarStruck, na magkaroon ng shows, ganun. Parang hindi ko pa oras. Parang binigyan muna ako ng time na mag-workshop, mag-training, ganyan-ganyan. So, 'eto na ako ngayon."

Slowly but surely, umunlad ang career ni Kevin.

"Iyon nga po, iyon nga po. Iyon nga, hindi ko kasi minamadali, e," sambit ng young actor.

Ang ibang produkto ng StarStruck 2 ay totally nawala na. Pero si Kevin ay nandito pa rin. Ano sa tingin niya ang dahilan?

"A, siguro sa arte rin po, sa arte, sa mga ginagawa, sa workshops, sa training, sa mga pakikisama rin po, sa pagkaka-low profile, sa pagiging professional. Iyon na po siguro ang mga naging sekreto ko kasi ganun po ang ginawa ko simula po nung bumalik ako hanggang ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May araw ba na wala siyang taping?

"Actually, Thursdays, Saturdays at Sundays, wala," sabi niya.

KEVIN'S "BABY." Ayon kay Kevin, nakakaipon na raw siya kahit paano. Ano na ang mga naipundar niya?

"A, actually, wala pa po akong naipupundar kasi... Meron po akong bagong baby na pamangkin, e. So lahat po ng suweldo ko, sa kanya napupunta."

Anak ng nag-iisa niyang kapatid na babae ang baby na tinutukoy ni Kevin.

"E, kasi siyempre po, pamangkin ko po yun. Ako po yung breadwinner," sabi niya.

Nabanggit ni Kevin na ang ama ng kanyang pamangkin at karelasyon ng kanyang kapatid ay wala pang hanapbuhay.

"Actually, bata pa sila, e," aniya. Seventeen years old pa lang ang kapatid ni Kevin, samantalang 19 naman ang ama ng kanyang pamangkin.

"Kaya ako po ang sumusuporta sa kanila," dagdag ng 21-year-old actor.

Hindi na raw nagawang magalit ni Kevin sa kanyang kapatid at sa karelasyon nito.

"Actually, wala na. Hindi na po kasi kailangang magalit kasi nandun na, e. Wala na po tayong magagawa, so... Tapos nakita ko yung 'itsura nung baby, sobrang cute, sobrang bibo! So, parang nawala lahat yung galit ko, e," saad niya.

Pero kahit naging ka-close na rin niya ang ama ng bata, aminado si Kevin na sa simula ay sumama ang loob niya sa maagang pagkakaroon ng anak nito sa kanyang kapatid.

"Siyempre po [nung umpisa], may sama ng loob din. Siyempre kapatid ko, tapos bata pa, 'tsaka wala pang trabaho, wala pang kung anu-anong maibibigay sa bata. So ako po muna ang sumusuporta. E, ako lang po yung may trabaho, e."

Hanggang kailan niya ito gagawin?

"Hanggang kailan? Actually sa ngayon, hanggang ngayon, okay pa naman sa akin kasi first pamangkin ko po naman yun, e."

BREADWINNER. Sa kanya raw nakatira ang kapatid niya, ang pamangkin niya, pati na ang boyfriend ng kanyang kapatid. Si Kevin daw ang lahat ang nagbabalikat ng mga gastusin nila sa bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba siya naiinis na siya ang bumubuhay sa pamilya ng kanyang kapatid?

"Hindi naman po, kasi sobrang cute nung bata, sobrang napalapit sa akin yung bata," sagot ni Kevin. "E, actually po kasi, hindi ko na naiisip yun, e. Kasi alam mo yun? Pag nakikita ko yung pamangkin ko, nag-hi ako sa kanya, bigla siyang tatawang ganun. Sobrang nakakawala ng pagod at galit."

Walang kahit na anong trabaho yung lalake?

"Wala, e. Pero minsan po kasi, dati isinasama-sama ko yung asawa niya sa tapings ko. Inaabut-abutan ko na lang para kahit papaano may maipang-suporta. So, 'yon po."

Wala bang time na ginusto niyang saktan ang kanyang bayaw na hilaw?

"Hindi e, wala na, e, nandun na, e. Hindi naman sa sobrang close kami. Pero kasi ako, hindi ako ganung tao, e. Tinanggap ko na lang," aniya.

Hindi siya nagalit?

"Never, never, never...sobrang never."

Bakit kahit hindi pa kasal ang kapatid niya at ang ama ng bata ay nagsasama na ang mga ito?

"Pinagsama ko kasi hindi puwede silang magkahiwalay dahil kawawa po yung bata, e," paliwanag ni Kevin.

Kailan niya balak bumuo ng sarili niyang pamilya?

"Mga siguro ano na muna, pag nagkaroon na ako ng sarili kong bahay!" sambit niya.

Nag-uumpisa na ba siya sa pagpundar ng bahay niya?

"Actually po, hindi muna ako nagpupundar ng bahay, e. Kasi yung bahay po namin sa Tondo, parang hindi na siya okay, e. So ang ginawa ko, lumipat na lang po muna kami dun sa medyo maayos-ayos na bahay, pero doon pa rin po sa Tondo. Kasi kawawa yung bata. Like may mga tumutulo na sa bubong, ganyan, so inilipat ko na muna siya."

Kailan siya magsisimulang magpundar ng para sa future family niya?

"Siguro po pag medyo maluwag-luwag na at saka pag medyo malaki na yung bata. At pag nagkaroon na ng trabaho yung tatay niya, sarili ko naman ang ipupundar ko. Pero ngayon, sila na muna. Okay naman po sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala bang nililigawan si Kevin ngayon.

"Wala, e, career muna," sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN