Aga Muhlach and Janice de Belen are now grandparents

IMAGE 0


Janice de Belen and Aga Muhlach become first-time grandparents as they welcome their grandson, Alejandro Miguel, the firstborn of their lovechild Igi Boy Muhlach and his wife Patricia Petil.


Proud grandparents na sina Aga Muhlach at Janice de Belen.

Nanganak na kasi ang asawa ng kanilang lovechild na si Igi Boy Muhlach, si Patricia Petil. Isang healthy baby boy ang isinilang ni Patricia noong May 16. Alejandro Miguel ang ibinigay na pangalan ng mag-asawa sa kanilang unang anak.

Ikinasal sa civil rites sina Igi Boy at Patricia noong October 24, 2009.

Unang apo nina Aga at Janice si Alejandro Miguel. Forty years old pa lang si Aga samantalang 41 naman si Janice.

Naging magkasintahan sina Aga at Janice noong mga teenager pa lang sila. During their relationship ay nabuntis ni Aga si Janice, pero hindi sila nagkatuluyan.

Naunang nag-asawa si Janice kesa kay Aga.

Pinakasalan ni Janice ang aktor na si John Estrada at nagkaroon sila ng apat na anak. Pero hindi rin nagtagal ang kanilang relasyon at naghiwalay sila.

Si Aga naman ay nagpakasal sa aktres at dating beauty queen na si Charlene Gonzalez. Meron silang kambal na anak, sina Andres at Atasha.

Hanggang ngayon ay pang-leading man pa rin ang mga role na ginagampanan ni Aga sa pelikula at telebisyon. Sa katunayan ay pabata nang pabata ang nagiging kapareha niya gaya nina Kristine Hermosa, Anne Curtis, at Angel Locsin. Kaya marami ang hindi makapaniwala na isa na siyang lolo.

Kung noong '90s ay nauso ang linyang "ang anak ni Janice" na mula sa trailer ng isang pelikula ni Janice, ngayon ay mas bagay na yata ang linyang "ang apo ni Janice."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN