Mark Herras clarifies his rumored walkout on the set of Langit Sa Piling Mo

IMAGE 0


"Original story 'to. So, walang kinopyahan na anuman. Maganda ang story dahil sa dami ng cast, ang galing po ng writer na napag-connect niya lahat ng cast in a way na hindi kami magkakakilalang lahat, pero magkaka-connect kami sa story," says Mark Herras about his new primetime series, Langit Sa Piling Mo

.


Sa unang pagkakataon ay magkakatambal sina Mark Herras at Heart Evangelista. Ito ay sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Langit Sa Piling Mo, kung saan ginagampanan ni Mark ang role ni Rigo, ang guwapo pero pasaway na anak ng may-ari ng Eagle Airways.

Sa grand launch ng Langit Sa Piling Mo na ginanap kagabi, May 25, sa Studio 5 ng GMA Network Center, isa sa itinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press kay Mark ay kung hindi ba siya nakaramdam ng pagka-ilang working with a new leading lady?

"Actually hindi, pero yung hiya, nahiya talaga," sabi ng young actor. "Normally before, yung mga nakatrabaho ko like Jen [Jennylyn Mercado], Ryza [Cenon], Katrina [Halili], mga naging ka-close ko rin. Like with Kat, magkaibigan kami since StarStruck days pa.

"Now," patuloy ni Mark, "I'm working with Heart at hindi na lang sa Party Pilipinas na nagkikita kami. Hindi lang hi and hello. First time na kami ang team-up, kami ang love team. So, nandun ang factor na kailangan ipakita ko kung ano ang meron ako. Pero dumating ang time na nandun ang hiya at kaba kasi nga, I'm working with Heart."

Aside from Heart, Mark is also working with Ryza and Katrina in Langit Sa Piling Mo. Parehong na-link kay Mark noon ang dalawang StarStruck alumna.

Pero ayon kay Mark, "Wala, wala na akong problema dun with issues regarding Ryza and Kat. Ako ay nananahimik na sa mga bagay na ganun. Tapos na ako sa mga ganung klase ng isyu."

CLOSENESS TO YNNA'S FAMILY. Siyempre, hindi pa rin naiwasan na tanungin ng entertainment press si Mark hinggil sa diumano'y pagtatampo raw ng kanyang pamilya, especially his dad, dahil sa closeness niya ngayon sa pamilya ng rumored girlfriend niyang si Ynna Asistio, partikular sa ina nito na si Nadia Montenegro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tagal nang isyu nun, nasagot na," maagap na sanggi agad ni Mark.

Aniya, "With Tita Nadia, na-clear na po namin 'yan. Nagsalita na rin po sila Daddy. Hindi po sila mga showbiz people, ayaw nilang makita sa TV. Pero siguro, para ma-clear lang sa mga manonood at nagtatanong or sa mga taong inggit, wala pong lungkot or gap between my family and Tita Nadia."

Inamin naman ni Mark na napag-usapan nila ni Nadia ang isyu.

"Napag-usapan po namin at tinanong ko rin naman ang mga magulang ko. Wala naman po, wala naman pong isyu," sabi niya.

Kaugnay pa rin ng closeness diumano niya sa pamilya ni Ynna, may intriga rin na "bine-brainwash" diumano siya ni Nadia.

May idea ba si Mark kung saan nanggagaling ang isyung ito?

"Sa mga taong inggit!" mabilis niyang sagot na natatawa. "Actually, about the brainwash, nasagot ko na rin yun the last time. Yung mga isyung lumalabas, lahat naman ng gusto kong gawin, sumakto lang talaga na meron akong ginagawa na ganito. Tapos akala ng iba, si Tita Nadia ang nag-uudyok para gawin ko yun. Pero hindi po, hindi talaga. Ni minsan, hindi ako sinabihan ni Tita Nads na gawin ko 'to, gawin ko 'yan, na makakasama sa akin."

Nang maglabasan ang mga isyu between his family and Nadia, kanino siya mas nag-worry?

"Pareho, pareho," sagot ni Mark. "Kasi nga, hindi ko gusto kapag nadadamay ang family ko with issues, mga intriga. And at the same time, family ko na rin sila Tita Nads kaya parang medyo hindi okey sa akin yung naging isyu. Pero at least, tapos na."

Dati ay sinasabi ni Mark na ang parents niya ang nagma-manage ng kanyang finances. Hanggang ngayon ba ay ganun pa rin?

"Well, medyo matagal na rin na ako na," sabi niya. "Pero siyempre, nandiyan pa rin ang guidance ng parents ko. Kasi nga, medyo bago pa ako sa mga ganyang klase ng trabaho. I need them to help me para maayos ko yung ipon, pag-handle ng pera, everything."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WALKOUT ISSUE. During the open forum, ipinalinaw kay Mark ang isyu ng diumano'y pagwu-walkout niya sa isang taping nila ng Langit Sa Piling Mo.

Pero itinanggi ito ng young actor. Aniya, "Tulad ng sinabi ko kanina, nagkaroon lang po talaga ng miscommunication. And knowing me, siguro naman po kilala n'yo naman ako na hindi ko naman po ginagawa yun. Five years na rin po ako sa mundong ito at never akong gumawa ng kalokohan na ganun.

"Yun nga po, nagkaroon ng miscommunication. And hindi ko na rin naisip na alam mo yun... Kasi noong akala kong pack-up na ako, ang gusto ko na lang talaga magpahinga."

Nang itanong kay Mark ang isyung ito, to the rescue naman ang leading lady niya na si Heart na idinepensa rin siya. Ano ang reaksiyon ni Mark sa gesture na ito ni Heart?

"Siyempre, thankful ako kay Heart for doing that. Siyempre naman po, ayaw rin naming lagyan ng masamang isyu itong show namin na ipapalabas this coming May 31. Siyempre, masama naman kung puro negative ang isasama namin for this show, e, palipad po kami. So, bakit namin lalagyan ng pabigat, intriga, or kung anumang isyu?

"Ang kailangan po namin ay ang suporta ng mga tao at mapatunayan sa mga manonood na isa akong COO at flight attendant si Heart. Na kami ay lilipad sa ere at magkakaroon ng story during that flight," saad ni Mark.

Ang Langit Sa Piling Mo ang papalit sa timeslot ng First Time, na magwawakas ngayong linggo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN