Heart Evangelista says "third time" with boyfriend Ian Dy is her most mature relationship

IMAGE 0


"Sometimes you end up with somebody na who would be your partner, your best friend. Pero minsan talaga, yung mga minahal n'yo, yung mga ganyan, it's really meant to end to teach you to live your life or how to love the right way," says Heart Evangelista.


Marami ang nagagandahan sa trailer ng upcoming primetime series ng GMA-7, ang Langit Sa Piling Mo. Marami rin ang nagsasabi na bagay raw sa pangunahing bida nito na si Heart Evangelista ang maging isang flight attendant.

Pero kung karamihan ng mga babae ay nangarap kahit minsan sa buhay nila na maging flight attendant, iba ang kaso ni Heart.

Aminado ang young actress na may fear of heights siya sa kabila ng pagiging well-traveled niya.

"Takot talaga ako. Kasi, sa mga pinapanood ko na I Shouldn't Be Alive, Seconds To Disaster, yung mga National Geographic, natatakot talaga ako. Kaya kung lumilipad ako, nagta-Tylenol cold, tulog na lang ako," kuwento ni Heart nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Langit Sa Piling Mo kagabi, May 25, sa Studio 5 ng GMA Network Center.

So, hindi niya pinangarap na maging flight attendant?

"Hindi talaga!" bulalas ni Heart. "Kasi, maliit din ako, e. Buti nga mukha akong matangkad. Ang totoo, hindi rin ako pasado sa flight attendant kasi nga, 5'3" dapat, e, 5'2" lang ako. Okey lang. Hindi ko pinangarap. But that's the best thing of being an actress, you get to do things that you never thought you'll be able to do."

DREAM LEADING MEN. First time naman ni Heart na makatambal si Mark Herras dito sa Langit Sa Piling Mo. But before Mark, nakapareha na ni Heart sa bakuran ng GMA-7 sina Richard Gutierrez (Codename: Asero, Full House), Mark Anthony Fernandez (Luna Mystika), at Dennis Trillo (Dear Friend).

When asked kung sino pa ang gusto niyang makapareha among the Kapuso male stars, binanggit ni Heart ang pangalan ni Dingdong Dantes.

"I would like to be paired with him. I was supposed to be paired with him in Stairway To Heaven...I don't know what happened. But that was also one. Who else? Wala na...yun lang. Hindi naman puwede sa kabila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa kabila, I wouldn't mind being paired with Sam Milby, John Lloyd Cruz... Actors that are really dramatic actors. I wouldn't mind that," saad niya.

Tinanong namin si Heart kung aware ba siya na nasa ABS-CBN pa lamang siya ay crush na siya ni Mark.

"Hindi naman masyado. Parang hindi naman obvious!" natatawang sabi ng aktres. "Hindi naman, very casual lang kasi si Mark. Quiet lang siya. Hindi naman obvious."

Si JC Tiuseco, na isa pa niyang leading man sa Langit Sa Piling Mo, ang alam daw ni Heart na may crush sa kanya.

"Cute naman," nakangiti niyang sabi. "Nakakatuwa naman. Inamin niya sa show ko sa QTV11."

What about Brazilian-Japanese model Daniel Matsunaga, na isa pa rin sa leading men niya?

"Ay, Daniel is guwapo! I must say. At talagang guwapo siya. And he comes from a very simple family in Brazil. Tapos ano raw, there's a lot of love in their home. Narinig ko lang," nakangiting sabi ni Heart.

Biro tuloy namin, parang sa tatlong leading men niya sa Langit Sa Piling Mo, si Daniel ang pinaka-kinilala niya?

"Hindi naman!" tawa ni Heart. "Mysterious kasi siya. Hindi ko pa siya nakakatrabaho while yung iba, nakatrabaho ko na. Naririnig ko lang din ang mga kuwento ng mga bakla sa taping namin."

DEFENDING MARK. Dinipensa naman ni Heart si Mark Herras sa isyung nag-walkout daw ang young actor sa isa sa taping nila. Wala nga bang ganung pangyayari?

"Wala," tanggi ni Heart. "Magkasama pa kami. Nilalaro pa nga niya yung aso ko. So, there's nothing naman. Siguro talagang nagkagulo. Ganun naman minsan, miscommunication or whatever.

"At saka alam ko, noong nagte-taping siya sa airplane, yung kinukunan nila, natapos na sila sa flashback. Siguro akala niya, tapos na ang shoot nila. E, pagod na pagod siya that day. So, siguro akala niya, yun na yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HEART'S SURNAME IN THE SERIES. Dito sa Langit Sa Piling Mo, Heart will portray the role of Margarita Rosales, isang matapang at pursigidong flight attendant.

Nakatawag ng pansin sa amin ang apelyido niya sa serye—Rosales. Hindi naman kasi lingid sa marami ang makulay at maintrigang relasyon noon ni Heart sa aktor na si Jericho Rosales.

"Wala naman yun!" natatawang sabi ni Heart. "Sobrang bitter ko naman kung sinabi ko na ibahin n'yo ang name ko. Okey na yun. Pero natawa kami. Actually, hindi ko alam kung alam nila. Noong tinanong ko, tawa lang sila nang tawa. Maybe it's just a coincidence."

HAPPY WITH IAN. Hindi naman itinatago ni Heart na masaya siya ngayon sa piling ng kanyang boyfriend na si Ian Dy, na nanalong Vice Mayor sa Alicia, Isabela noong nakaraang May 10 elections.

Hindi pa ba siya inaalok ng kasal ni Ian?

"Wala pa," mabilis na sagot ni Heart. "You know, the thought of marriage, you know, it's nice. It's always roses and petals, you know. But, I have to do what I have to do and he also has to do what he has to do because it's a lifetime commitment. There's no turning back."

Pero si Ian na ba ang nakikita niyang pakakasalan niya balang-araw?

"Of course, when you are with someone, you're hoping and praying na sana siya na. Ayaw mo naman din na mabigo again. We'll just see what will happen. Sana, di ba? I wouldn't want naman be with someone if I didn't hope," sagot niya.

Actually, "third time around" na para kina Heart at Ian. Si Ian ang kino-consider ni Heart na first boyfriend niya. Nagkahiwalay sila, pero nagkabalikan din. Tapos ay nagkahiwalay ulit at ngayon nga ay sila na naman uli.

"It's different now," sabi ni Heart. "I think sa lahat ng relationship ko, this is the most mature I've ever been. I'm very level-headed about a lot of things. I'm very understanding. Hindi ako masyadong emotional sa situation kung halimbawa, hindi kami magkikita, yung ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, I guess, sometimes you end up with somebody na who would be your partner, your best friend. Pero minsan talaga, yung mga minahal n'yo, yung mga ganyan, it's really meant to end to teach you to live your life or how to love the right way."

Ayaw namang mag-elaborate ni Heart as far as her dream wedding is concerned.

"Oh, my God! I'll just cross the bridge when I get there. Kasi dati, gusto ko ng beach wedding, yung ganyan... Tapos, hindi naman natuloy. So, ayoko na. Kahit na maliit na wedding na lang, kahit sa gilid-gilid, masaya na ako basta makuha ko lang yung taong mamahalin ako," sabi ni Heart.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN