Ryza Cenon dares to go sexy in Langit Sa Piling Mo

IMAGE 0


StarStruck graduate Ryza Cenon is very upfront in saying that her shift from sweet to sexy was a conscious move designed to further her career.


Kakaibang Ryza Cenon ang mapapanood ng publiko sa upcoming primetime drama ng GMA-7, ang Langit Sa Piling Mo. For the first time kasi ay magpapa-sexy ang StarStruck 2 alumna at makikipagsabayan kay Katrina Halili.

Estudyante sa umaga pero sexy pole dancer sa gabi ang papel ni Ryza sa nasabing serye. Bunga na rin ng pagiging maluho sa buhay ay magiging kabit din siya ni Stanley, na ginagampanan naman ni Tonton Gutierrez, sa istorya

"Ito naman kasi ginagawa ko 'to dahil actress ako... Gusto ko ring masubukan 'yong iba-ibang klaseng roles. Gusto ko patunayan sa kanila na kahit anong ibigay sa aking role, kaya kong gampanan," paliwanag ni Ryza nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Langit Sa Piling Mo kagabi, May 25, sa Studio 5 ng GMA Network Center.

Sobrang kinabahan daw si Ryza nang una niyang malaman ang papel na gagampanan niya. Malayong-malayo nga naman sa tunay na personality ng dalaga ang pagiging daring sa kilos at pananamit.

"Sinasabi nga nila, 'Magaling ka namang sumayaw.' 'No! hip-hop kaya 'yong sinasayaw ko hindi naman sexy!' Pag sexy dance kasi, tuliro na ako, hindi na ako makasayaw nang maayos. Kasi pag sinasayaw ko siya, parang ang pangit-pangit ko!" natatawang sabi ni Ryza.

TAKING HER TIME. Sa kasalukuyan ay hindi pa nakakapag-shoot ng kanyang eksena si Ryza para sa Langit Sa Piling Mo dahil tinatapos pa rin niya ang afternoon soap na Gumapang Ka Sa Lusak.

Pero may idea na ba siya kung ano ang ilang ipapagawa sa kanya ni Direk Gil Tejada, Jr.?

"Magkakaroon lang naman ako ng bed scene with Tonton Gutierrez at kissing scene!" nangingiting sagot ni Ryza. "'Yon lang naman!"

Maging ang mga malalapit na kaibigan ni Ryza ay panay raw ang kantiyaw sa kanya dahil sa bago niyang image. Supportive naman ang kanyang mga mahal sa buhay, pero hindi rin talaga maiiwasan na biruin siya ng mga ito lalo pa nga't kilala siya na may pagka-boyish kung kumilos minsan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero hindi naman nangangahulugan na totally ay magpapaka-daring na si Ryza sa kanyang mga susunod na projects. Kung siya nga raw ang tatanungin, ayaw niyang ma-typecast bilang isang sexy actress lamang.

May balak na din ba siyang mag-pose sa isang men's magazine?

"Hindi pa ako ready," pagtatapat ni Ryza. "Hindi naman ako against sa mga FHM, bumibili pa ako niyan minsan. Hindi lang talaga ako ready pa. Ayoko kasing magtrabaho nang labag sa kalooban ko 'yong ginagawa ko kasi hindi maganda 'yong kakalabasan. Mas maganda 'yong ako na 'yong pupunta sa FHM tapos sasabihin ko, 'Game na ako!" masayang pagtatapos ni Ryza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN