PEP EXCLUSIVE: Jhake Vargas's camp plans to sue director Andoy Ranay for "child abuse"

IMAGE 0


What started as a blind item has now become a full-blown issue. German "Kuya Germs" Moreno (inset, top) reportedly confronted director Andoy Ranay (inset, bottom) on the set of First Time because the latter reportedly insulted teen star Jhake Vargas (main photo) in front of many people.


Kamakailan lang ay naging laman ng entertainment news ang balitang sumugod daw ang veteran TV host na si German "Kuya Germs" Moreno sa set ng First Time, ang pre-primetime drama series ng GMA-7 na pinagbibidahan nina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, at Jhake Vargas.

Ang dahilan diumano ng pagsugod ni Kuya Germs sa nasabing taping ay upang kumprontahin ang director ng show na si Andoy Ranay. Diumano, "sinigawan, minura, at pinagsalitaan ng obscene words" ni Direk Andoy si Jhake, na alaga ni Kuya Germs.

Last Tuesday, May 25, nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa Gateway Mall ang tumatayong discoverer at co-manager ni Jhake kay Kuya Germs—si Tom Adrales.

Para sa impormasyon ng lahat, si Tom Adrales ay dating scriptwriter noong late '70s hanggang '80s. Ilan sa mga pelikulang isinulat niya ay Boy Pana (1978), High School Circa '65 (1979), Gabun (1979), Apat Na Maria (1980), Gaano Kadalas Ang Minsan (1982), at The Moises Padilla Story (1983).

Nagsulat din sa weekly women's magazine (entertainment section) si Tom ng ilang taon.

Noong late 1990s, na-inspire si Tom na gumawa ng teen model searches with the personal advocacy na makatulong sa pagdiskubre ng young talents, at alagaan ang mga ito sa mundong pinasukan—advertising, modelling, at showbiz. Kaya itinayo niya ang AdFaces noong 1997 at ilan sa naging past alumni ng model search na ito ay sina Maui Taylor, Aubrey Miles, at Justin Cuyugan.

Hanggang sa noong taong 2000, itinatag din ni Tom ang 10-year-old na ngayong Circle of 10 Image Model Search (for teens). Siya ang founder at executive director nito at ang writer na ito naman ang project director since it was founded. Through the years, sa search na ito nagsimula sina Precious Lara Quigaman, Jennylyn Mercado, Jason Abalos, Nadine Samonte, Ejay Falcon, Dion Ignacio, Rainier Castillo, at marami pang successful commercial and ramp models.

THE INCIDENT. Going back to the controversy, ayon kay Tom, kapag hindi nakukuha ng kanyang artista ang mga nais niyang ipagawang acting in a particular scene ay nagmumura raw si Direk Andoy. Nabiktima raw recently si Jhake, na baguhan pa lang sa larangan ng pag-arte.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Tom, "Minumura niya [Direk Andoy] pag nate-take 2 or take 3 [ang artista niya]. Wala siyang patience, minumura niya! Hanggang sa one day, si Jhake Vargas, minura niya."

Sinabihan din daw ng direktor si Jhake ng malaswang salita sa harap ng maraming tao.

"Yung tatay ni Jhake, tinawagan si Kuya Germs," patuloy ni Tom. "Andun yung tatay, narinig niya. Tinawagan si Kuya Germs. So, nung tinawagan niya, lumusob si Kuya Germs on the spot! Ang sinabi ni Kuya Germs, ganito: 'Hindi mo dapat ginaganito ang mga bata... Ganun ba kayong mga director sa kabila, minumura n'yo ang mga bata? Nagsasalita kayo ng ano?' Sabi niyang gano'n.

"Ibig sabihin, pinagsabihan niya [si Direk Andoy]. Si Andoy that night, hindi na siya makapagdirek that night dahil sa kahihiyan niya. Kasi, kinonfront siya ng tatay [ni Jhake] at saka ni Kuya Germs."

Bago lumipat ng GMA-7 ay matagal na nagtrabaho si Direk Andoy sa bakuran ng ABS-CBN.

Masyado bang heavy ang scene na pinanggagalingan ng character ni Jhake kaya hindi naibigay ng bagets actor ang acting requirement na hinihingi umano ni Direk Andoy?

"Puyat nga kasi. Mga bata. Ngarag-ngarag," paliwanag ni Tom. "Pero hindi, lagi raw niya [Direk Andoy] ginagawa yun...ang pagmumura. Talagang may mura daw. Kahit daw si Jhake, minumura daw talaga."

Si Jhake lang?

"Hindi. Lahat! Pati si Joshua, si Barbie... Lahat ng mga bata do'n," sagot nito.

Ano raw ang reaction ni Direk Andoy?

"Hindi raw kumikibo. Natutunaw daw sa kahihiyan! Kasi, kinonfront din ng tatay... Twice a week ang taping. Tapos na ang taping, huling taping yun... Pinagbibigyan yung mura-mura, kasi natural yun."

Pero ang hindi raw nila matanggap ay ang pagsabihan ng malaswang salita ang teen actor.

Hindi kaya parang pabiro naman ang pagkakabitaw ng linyang yun from Direk Andoy?

"Hindi, talagang sinabi. Hindi pabiro," diin nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong Sabado din that week, nagpatawag daw ng closed-door meeting ang GMA management with the people concerned. Pero hindi raw sumipot ang TV director.

"Dapat ay may meeting noong Sabado. Hindi sumipot si Andoy, meron daw siyang gagawin... Supposedly, ang may meeting ay sina Andoy, yung father [ni Jhake], si Kuya Germs, at yung nasa itaas [GMA management]. Pinatawag na ng management, hindi sumipot [si Andoy]. Meron daw siyang importanteng meeting, ganun-ganun."

"CHILD ABUSE." Ano ang sinasabi ni Kuya Germs tungkol sa insidente kina Direk Andoy at Jhake?

"Ay, galit na galit siya!" sabi ni Tom. "Ang father, idedemanda si Andoy ng child abuse."

Child abuse na ba yun kahit verbal lang ang offense?

"Child abuse yun," kampanteng sagot ni Tom. "Pinahiya mo yung bata, e, pinahiya mo sa karamihan, sinabihan mo ng ano..."

Hindi ba oral defamation yun?

"Hindi, child abuse nga yun," diin nito.

Ilang taon na ba si Jhake?

"Sixteen years old."

Nasa set talaga ang ama ni Jhake nang naganap ang paninigaw at pagmumura diumano ni Direk Andoy?

"Andun ang tatay, narinig niya..."

Ayon sa kuwentong nakalap namin, nasa loob daw ng OB van si Direk Andoy habang idinidirek si Jhake. Ang akala raw ng direktor ay tanging ang assistant director at OB van crew lang ang nakarinig sa kanyang mga sinabi. Ang hindi niya alam, nasa labas ng OB van ang tatay ni Jhake.

E, ang nanay ng teen actor?

"May cancer ang nanay no'n, e... Stage 4 na. Colon cancer," banggit ng co-manager ni Jhake.

Dagdag ni Tom, "Ako, yung nangyari sa bata, nanggagalaiti ako sa galit! Kasi, kumuha na ako ng lawyer... Nag-consult ako sa lawyer."

So, ano ang sabi sa kanya ng lawyer na kinonsulta niya?

"Child abuse. Child abuse yun dahil pinahiya mo, e. Minor yung bata... Alam mo bang ginagawa? Yung paglusob na yun ni Kuya Germs, naloka si Andoy Ranay! Natakot nga raw, e. Nung ipinapatawag na ng management dahil nakarating na ang isyu sa itaas, hindi dumating!" mariing pahayag ni Tom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napag-alaman ng PEP na nasa legal department na ng GMA-7 ang reklamo ng kampo ni Jhake laban kay Direk Andoy.

DIREK ANDOY WANTS TO BE SILENT. Samantala, sa pagkuha ng PEP ng panig ni Direk Andoy, nagpadala kami ng personal message sa Facebook account nito kahapon din, May 26, ng hapon.

Sa aming mensahe, kinukuha namin ang kanyang reaksiyon o komento sa kabuuang issue—ang pagmumura at pagsasalita niya raw ng malaswa kay Jhake, ang pagsugod daw ni Kuya Germs, ang hindi raw niya pagsipot sa meeting, at ang posibleng pagdedemanda sa kanya ng kasong child abuse.

Sa kanyang pag-reply ngayong araw, May 27, minabuti ni Direk Andoy na manahimik na lamang tungkol sa usaping ito.

"Kapatid, I just want to be silent about everything. Thank you for your concern," maikling pahayag ni Direk Andoy.

Si Direk Andoy pa rin ang direktor sa bagong show nina Barbie at Joshua sa GMA-7, ang Pilyang Kerubin. Hindi kasama sa cast si Jhake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN