Derek Ramsay on acting out intimate love scenes: "Lahat kami professionals."

IMAGE 0


"I've always said this and I stand by this: I'm not a gym guy. But I don't think you can question how active I am with my sports. Gusto ko ngang sabihin sa manager ko, 'O, kita mo, yung pagka-active ko, yung pagka-addict ko sa sports, has got me somewhere.' Because that's something I really love doing. It's my passion. That's what keeps me in shape," says Derek Ramsay.


Sa scheduled safari trip ng magkasintahang Derek Ramsay at Angelica Panganiban ngayong Hunyo, may mga nag-iisip na baka ito na ang tamang pagkakataon para ayain ng aktor ang girlfriend na magpakasal. Hindi naman kasi ipinagkakaila ni Derek na nakita na niya kay Angelica ang mga katangian ng babaeng gusto niyang pakasalan at makasama habambuhay.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Derek sa presscon ng isa sa mga bago niyang endorsements last week, nagbigay ng pahayag ang aktor sa hinala ng iba na baka mag-propose na siya kay Angelica.

"I don't know," sabi niya. "I'm a very spontaneous guy, we never know. I live one day at a time, I enjoy life. Everyone knows that our relationship is on that level already. We've been through everything, we've conquered many obstacles. I can say we're tried and tested. I always said it's not yet the right time coz we're both busy with our own goals, our own career. But knowing me, knowing her, who knows?

"The trip is there for us to re-program ourselves. Hindi siya yung planado na magpo-propose ako dun. It's a trip para sa aming dalawa coz sobrang busy namin for a year and a half. Kailangan namin yun para mag-recharge."

Ayon pa kay Derek, masaya at kuntento siya sa itinatakbo ng relasyon nila ni Angelica.

"I'm very happy right now, I think it shows on my face and it reflects on my work. The only thing that depresses me is my knee and I don't spend so much time with my family. Everything seems to be okay, everything seems to be fine," saad ng hunky actor.

NOTHING TO BE JEALOUS ABOUT. Malapit nang mapanood sa ABS-CBN ang primetime series na Magkaribal, na pagsasamahan nina Derek, Bea Alonzo, at Gretchen Barretto. May intimate scene daw sina Derek at Gretchen na nakunan na. Balitang super hot ang nasabing eksena na pag napanood daw ni Angelica ay malamang na pagselosan nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi ni Derek dito?

"Sobrang kabado ako dun!" natatawang pag-amin ni Derek. "Napa-shot ako to calm down the nerves dahil sa kaba. I wanted to do it right. I want it to come out right. I don't want to disrespect Gretchen or to make her feel uncomfortable. I'm the guy, I'm supposed to take care of her. Napaka-intense ng eksena but we pulled it off. At the end of the take, sobrang saya kasi sinabi ni Direk na happy siya.

"Lahat kami professionals. Whatever happens at work, stays at work. It would be off of me and odd of Angelica if I get upset because she kissed somebody or she had bed scene with somebody because sa work niya. Before you accept the project, you know what comes with it, right? Wala kaming issue ng pagseselos o may nagtatampo dahil lang may eksenang ganun."

Dagdag ni Derek, "Ako, I met Angelica when she did A Love Story [with Aga Muhlach and Maricel Soriano]. We watched the movie and ang dami ding intense na eksena dun. I find it beautiful, it's a job well done, and she portrayed the character well. I supported her there, she supported me here. Kita mo rin ang role niya sa Rubi and even sa Here Comes the Bride.

"If may mga issues kaming ganun, sana wala na ang relationship na ito. If every role we portray, e, pag-aawayan namin, we're in the wrong industry if that's the case."

DEFENDING ANGEL. May lumabas na balita noon na may attitude problem daw si Angelica. Recently nga lang ay may nasulat din na nirereklamo raw ang aktres ng mismong staff ng pinagbibidahan nitong teleserye na Rubi.

Agad namang ipinagtanggol ni Derek ang kasintahan.

"I don't believe that and at the same time, hindi ko puwedeng sagutin 'yan coz wala ako sa set," sabi niya. "But on how I know Angel, hindi naman siya ganun. I think the best way to find out the truth about that, kausapin nila yung mga tao sa set. I don't think anyone there is upset with her. The people I do talk to seem very happy and everyone there seems to be getting along. From co-stars, people behind the camera, sila ang tanungin ninyo. But the one that I spoke to, wala namang problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kita ninyo naman si Angel, one minure kontrabida, sobrang mataray, parang mahirap lapitan. Pero tingnan mo sa movie niyang Here Comes The Bride, sobra siyang nakakatawa, sobra siyang kalog. It's hard to judge somebody by the way they look, or you have to be more understanding na each person has problems. Each person goes through different things. Lapitan ninyo na lang para malaman ninyo kung ganun talaga siyang tao. At the same time, sinasabihan ko rin siya, don't try to please everybody kasi lahat tayo, iba. Pag di ka gusto ng ibang tao, i-respect mo na lang ang opinyon nila and move on."

FAKE ABS? Isa si Derek sa may pinakamagandang katawan among the male stars in showbiz. Pero two weeks ago sa The Buzz ay napag-usapan na fake daw ang abs ni Derek dahil sumasailalim lang daw siya sa isang machine sa Belo to maintain his abs.

Ano ang reaksiyon dito ni Derek?

"I've always said this and I stand by this: I'm not a gym guy," sagot niya. "But I don't think you can question how active I am with my sports. Gusto ko ngang sabihin sa manager ko, 'O, kita mo, yung pagka-active ko, yung pagka-addict ko sa sports, has got me somewhere.' Because that's something I really love doing. It's my passion. That's what keeps me in shape.

"I had a surgery on my knee. I was introduced to this kind of machine sa Belo... Sa lahat ng mga fans ni Bruce Lee, Bruce Lee used to put his pad just to electrocute his muscles. What it does, it just makes your muscles contract. And for me, to keep myself in shape while I can't use my legs coz I can't run, I can't do all the sports.

"I was introduced to this machine. I did it three times and really works. There's nothing wrong. I'm not putting anything new in my body. I don't think I'll be Derek Ramsay if I wasn't allowed to go outside, run, play, and compete."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN