Woman from Bacolod claims partner left her because of Sheryl Cruz

IMAGE 0


Crix Ledesma said on Startalk yesterday, May 29: "Sabi ko sa mommy niya, 'Your son is breaking up with me kasi in love siya kay Sheryl.'" Sheryl responded by e-mail: "If I ever had any conversation with her ex, it was purely as friends, nothing more."


Nagsimula sa isang tip na natanggap ng Startalk ang ugat ng isyu na kinasasangkutan ngayon ng aktres na si Sheryl Cruz. May isang nagngangalang Crix Ledesma na taga-Bacolod City na pinaparatangan ang aktres na sanhi ng paghihiwalay nila ng kinakasama niyang si Charles Ea. Parehong di taga-showbiz sina Crix at Charles.

Agad nakipag-ugnayan ang Startalk kay Crix at pumayag itong magpa-interview. Kahapon, May 29, ay ipinalabas sa talk show ang kanyang mga pahayag. Habang naririnig ang voice recording ni Crix ay naka-project din in text ang kanyang mga sinasabi.

CRIX'S STORY. Ayon kay Crix sa Startalk, "Noong last February, yung QTV, dumating dito sa Bacolod kasama si Sheryl Cruz at Drew Arellano, 'saka si Dodie, pinsan at manager yata ni Sheryl Cruz. Tapos, bale first time yata nilang pumunta rito. Tapos kasi, yung ex-husband ko, may-ari ng rent-a-car na pinagrentahan nila."

Base pa rin sa report ng Startalk, ang pagpunta raw nina Sheryl at ng QTV-11 sa Bacolod ay para sa taping ng Balikbayan na hino-host ni Drew.

Pero hindi lang daw yun ang huling pagkakataon na nagpunta si Sheryl sa Bacolod, ayon kay Crix.

Salaysay niya, "Siguro mga April 8 or April 9, bumalik dito si Sheryl 'saka si Dodie. Bale may reunion sila dito sa Silay. Nag-rent din sila. Pinag-drive rin sila ng husband ko. Tapos, mga April 10, niyaya ako ni Sheryl na mag-lunch kasama sa kanila ng husband ko.

"Sabi ko, 'Ano naman si Sheryl, parang sweet naman siya. Gusto lang niya akong makilala.' Makilala ang kumpetisyon niya. Nagkuwento siya na separated nga raw siya. Kaka-divorce lang daw nila ng husband niya. Tapos yung anak nila na si Ashley na 10 years old daw, nasa States daw kasama ng husband niya. Kasi, kaka-divorce lang daw."

Paglipas ng ilang araw, pinuna raw ni Crix si Charles.

Aniya, "Monday morning ng 2 a.m., nag-usap kami ng husband ko. Sabi ko, parang ang distance na niya sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Crix sa Startalk na naniniwala siyang nag-e-exchange na ng text messages sina Charles at Sheryl.

"Parang nagulat ako kasi noong umalis na sila Sheryl ng mga siguro Saturday—kasi ang flight nila mga 8 p.m.—nagulat na lang ako kasi sabi ko, 'Parang iba na 'to.' Kasi bumili siya ng pasalubong para kay Sheryl. Noong dumating na sila Sheryl sa Manila, nag-text siya sa husband ko. Sabi niya, 'Thank you.'

"Until noong Sunday morning, sabi ng husband ko, oo nga, parang distance nga siya. Tapos, parang nag-fall out of love na raw siya. Sabi ko, 'Bakit?' Sabi ko, 'Can't we try to resolve this issue and fix our relationship?' Tapos, nagulat na lang ako noong sinabi niyang ayaw niya."

Dagdag pa niyang kuwento, "Sabi ko, sino ba ang babae niya? Sabi niya, wala raw siyang babae pero parang striking daw si Sheryl. Inamin niya sa akin. Tapos nag-walk out ako sa kanya, tapos, pinigilan niya ako. Tapos sabi niya, 'Sige, we try to resolve this issue.'

"Tapos the next day, ayan na naman, parang ang layo niya. Sabi ko, 'How can you save this relationship if you don't stop texting her?' Tapos sabi niya, 'Sige, I'll try to stop texting her.'"

Patuloy pa ni Crix: "Honestly, I tried actually texting Sheryl rightly and sincerely to even stop getting in touch with my husband kasi sabi ko, 'We can never save this relationship kung nasa picture ka.'"

Pero ang sumunod na nangyari ay umalis si Charles patungong Manila.

"Nag-decide na siya na pumunta sa Manila," pagpapatuloy ni Crix sa Startalk. "He left May 12. Umalis siya ng May 12. Alam ko na nandiyan pa rin siya. Alam ko, kasi he's staying sa Ortigas. Alam ko, malapit yata sa tinitirhan ni Sheryl."

Si Crix ay may isang anak sa first boyfriend niya. Dalawa naman ang naging anak nila ni Charles, pero namatay ang bunso nilang babae noong October 2009.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa kay Crix, "Sabi ko sa mommy niya, 'Your son is breaking up with me kasi in love siya kay Sheryl.'"

Hirap daw si Crix na ipaliwanag sa mga anak kung ano ang nangyari.

"Hindi niya alam na ang sakit-sakit. Every night na hinahanap siya ng anak niya. Hindi ko maibibigay sa kanila ang atensiyon ng kanilang tatay. Ako ang sinisisi ng anak niya. Hindi ko alam kung saan ako nagkulang."

Ayon pa rin sa report ng Startalk, bago raw umalis si Charles, nagsabi raw ito na magbibigay ng suportang pinansiyal.

"Sabi niya, 'Magpapadala naman ako ng pera.' Sabi ko, 'Hindi issue ang pera rito. Ang issue rito, ikaw at saka yung accountability mo at saka responsibility mo sa amin at mga anak mo.'"

Sa pamamagitan ni Crix, nakuha ng Startalk ang contact number ni Charles na kasalukuyang nasa Manila. Sinubukan daw ng Startalk na kunin ang side ni Charles, pero tumanggi itong magbigay ng anumang pahayag.

SHERYL RESPONDS. Si Sheryl ay nasa San Jose, California ngayon. Pero nakapag-abot siya ng mensahe sa Startalk tungkol sa isyu na ito sa pamamagitan ng e-mail na pinadala niya sa isang kaibigan ng mga Poe at Sonora.

Ayon daw sa e-mail na ipinadala ni Sheryl noong May 29, kinumpirma nito na kilala nga niya si Crix Ledesma, pero isang beses lang daw sila nagkita nito. Naniniwala si Sheryl na ang paglantad ni Crix ay may layunin daw na sirain ang kanyang pangalan.

Sinabi pa raw ng aktres, "I can't handle another scandal, especially now that I am just coming out of a divorce. I have proof that she is harassing me as I've always kept her text messages and never did I make a response to her.

"I am not seeing anyone right now. And if I ever had any conversation with her ex, it was purely as friends, nothing more. Besides, I don't want to complicate my life just yet. He is single with a kid with Crix. They are not married. He is a good person and his family are respected people in Bacolod."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, sinabi ni Sheryl sa kanyang e-mail, "I guess she's a grieving gf. But the whole point of me sending you this message is because I don't want to cause Mama Inday anymore heartaches."

Ang tinutukoy ni Sheryl na Mama Inday ay si Ms. Susan Roces, ang nakatatandang kapatid ng kanyang ina na si Rosemarie Sonora, at itinuturing niya ring second mother.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN