John Lloyd Cruz explains no-show at Star Awards for Movies

IMAGE 0


"I don't wanna miss that night. Kaya lang, baka maisakripisyo yung ASAP the next day. I wasn't really feeling well that night. Kung kaya naman talaga, I would have attended... So, sana talaga, mabura na rin... Sana this day, mabura na rin yung mga haka-haka, yung mga usap-usapan nung gabing 'yon," says John Lloyd Cruz about not attending the 26th Star Awards for Movies, where he won as Best Actor for his performance in In My Li


Isa si John Lloyd Cruz sa mga celebrity na maagang dumating para suportahan ang proyektong Stars for a Cause ng Philippine Movie Press Club (PMPC) last Saturday, May 29, sa Entertainment Plaza ng SM City North EDSA.

Kabilang ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa mga nag-interview sa aktor bago siya tawagin sa stage upang bumati at magpasalamat sa mga taong dumagsa sa naturang venue.

Sa aming interview with John Lloyd, nabanggit niya ang kahalagahan ng okasyon, bilang proyektong laan sa kapakanang pang-kalusugan (health care) ng mga manunulat na kabilang sa naturang club.

Malaon na raw nakapangako si John Lloyd na tutulong sa pet project na ito ng PMPC, sa ilalim ng bagong pamunuan ng pangulo nito na si Melba Llanera.

"Nandito ako ngayon, kasi naniniwala ako sa adhikain nitong event that you are doing. Siyempre, yung kagustuhan ko na makabawi... Hindi ko alam kung yun ang tamang term, e, dahil hindi ko din naman ginusto na sumama ang pakiramdam ko [at] hindi makapunta sa event ninyo. Pero ito, kumbaga, wala itong kinalaman sa awards night noon," sabi ni John Lloyd, bilang paglilinaw sa naging problema ng hindi niya pag-attend sa ginanap na Star Awards for Movies noong April 24, kung saan siya ang nagwaging Best Actor para sa In My Life.

Malakas ang naging usap-usapan noon na "umiwas" si John Lloyd na magkita sila ni Ruffa Gutierrez, isa sa co-hosts ng ginanap na awards ceremonies. Pero ani John Lloyd, hindi ang pagtutuwid niyon ang layon niya sa pag-attend sa affair ng club.

"Actually, hindi naman," wika niya. "More than the pagbawi, or more than dun sa gusto kong mabura yung mga naging haka-haka or usap-usapan nung awards night is...nandito ako dahil umoo ako na tutulong. Yun ang primary intention."

Ang concern ni John Lloyd ay ipinarating din niya sa iba pang kasamahan sa hanapbuhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko nga, kung artista ka at puwede kang pumunta ngayon dito, sana pumunta ka. Kasi napakaganda ng cause nitong event na ito, e. Nakakatuwa na merong naisip na ganito, kasi ang pinag-uusapan dito ay health care. Malaking bagay ito at seryosong bagay," pagtukoy ni John Lloyd.

BEST ACTOR. Sa program proper ay buong-lugod na bumati si John Lloyd sa mga fans na labis na natuwang makita siya. Ito na rin ang naging daan ng PMPC para pormal na ipagkaloob kay Lloydie ang kanyang Best Actor trophy.

"Natutuwa ako na nabigyan ng pansin, na nagkaroon tayo ng rekognisyon para sa mga pinaghirapan natin sa pelikulang In My Life," sabi ng aktor. "Nakakatuwa na hindi napalampas, or hindi lumampas lang, na hindi napansin yung mga pinaghirapan namin.

"Of course, sa aming mga artista, hindi man awards ang basehan namin ng hard work, o ng dedication, napakalaking bagay na mabigyan ka rin ng parangal, na ma-recognize ka sa trabaho mo. Nakakaganang magtrabaho pa."

Pero nakakahinayang din nga na wala si John Lloyd at that very moment, na tinawag ang pangalan niya bilang panalong aktor. At nagsanga pa 'yon sa hindi pagkakaunawaan between some key members of the press na associated sa club at sa aktor mismo.

"NO-SHOW." Once and for all, here's John Lloyd's statement on his "no-show" at the 26h PMPC Star Awards for Movies, held last April 24 at the Henry Lee Irwin Theater, Ateneo de Manila University:

"I don't wanna miss that night. Kaya lang, baka maisakripisyo yung ASAP the next day. I wasn't really feeling well that night. Kung kaya naman talaga, I would have attended... So, sana talaga, mabura na rin... Sana this day, mabura na rin yung mga haka-haka, yung mga usap-usapan nung gabing 'yon," hiling pa ni John Lloyd.

Marami rin ang nag-usisa sa aktor ng tungkol sa kanila ng napapabalitang girlfriend niyang si Shaina Magdayao. Pero hindi pa raw handa si John Lloyd that same afternoon na magsalita sa press ng tungkol sa kanyang mga personal concerns.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PEP, however, was able to take note of two very short statements from John Lloyd, about him and Shaina.

"Darating po kami dun... Okey naman kami [ni Shaina]," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN