Mo Twister says he has an "open crush" on Rhian Ramos

IMAGE 0


"Hindi kami mag-on, hindi ko siya nililigawan. I have an open crush on her. Sinasabi ko naman yun na I really think she's beautiful, very funny and very charming. But right now I'm going through a lot in my job. Maybe when things settle down, I can personally have a clearer picture kung ano ang gagawin ko sa lovelife ko. But right now there's nothing really formal going on between Rhian and I," says the Paparazzi host.


Mainit na pinag-uusapan ngayon ang muling pagkaka-link kina Mo Twister at Rhian Ramos nang mapabalitang magkasamang nagbakasyon daw sila sa Europe. Mismong ang co-host ni Mo sa Paparazzi na si Ruffa Gutierrez ang naglaglag nito sa show nila noong nakaraang linggo. May lumabas din sa Twitter account ni Ruffa tungkol kay Mo at Rhian.

Nauna nang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Rhian tungkol dito at mariing pinabulaanan ng aktres ang balita.

Para sa higit na paglilinaw, kinuha rin ng PEP ang side ni Mo tungkol dito. Nakausap namin siya sa set ng Paparazzi at tulad ni Rhian itinanggi ng DJ-host ang napabalitang sighting.

"Rhian has been traveling a lot from what I know. Linggu-linggo out of the country na siya, whether it be for work, mga shows, or bibisitahin niya yung dad niya. From what I know, unang-una yata pumunta siya sa Dubai kasi nandun yata yung dad niya, tapos pumunta sila sa Europe. Ako naman I went to Paris with Hayden [Kho] and Vicki [Belo]. So, that was my trip talaga... Hindi talaga kami nagkita," paliwanag ni Mo.

Kung nabigyan lang daw sana sila ng pagkakataon, willing naman daw silang magkita.

"Yun nga sinabi ni Rhian, we're very good friends. Sayang, kung alam lang namin na we would have been there together, at least we could have hung out a little as friends. But that's how far it goes."

Wala daw silang relasyon ni Rhian pero aminado naman si Mo na crush niya ang aktres.

"Hindi kami mag-on, hindi ko siya nililigawan. I have an open crush naman on her. Sinasabi ko naman yun na I really think she's beautiful, very funny and very charming. But you know, right now I'm going through a lot in my job. Maybe when things settle down, I can personally have a clearer picture kung ano ang gagawin ko sa lovelife ko. But right now there's nothing really formal going on between Rhian and I."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SIGHTINGS WITH RHIAN. Ano naman ang reaksyon niya sa sinabi ni Cristy Fermin na may ilang tao raw na nakakita sa kanila ni Rhian na magkasama sa Amsterdam? Siya pa nga raw ang nagsundo sa airport. Sinasabi niya bang sinungaling ang mga taong nakakita sa kanila?

"Hindi naman... I'm just joking around. Hindi ko naman sinasabing sinungaling sila. You know, maybe there's gonna be a lot of rumors na we are both in Europe together and that I'm with her. You know, if you have proof that we are together, well, those are mere accusations. In the meantime, I'm sure if you check her passport you'll see naman na she didn't go to France because she's in the Netherlands with her dad yata. And if you see my passport I'm in France. So, I don't know what else to tell you. Kasi wala namang picture, wala naman kahit anong proof," natatawang sabi ni Mo.

Kamakailan ay nakita siya sa PLDT myDSL event kung saan nag-host si Rhian. Diumano'y umaaligid-aligid daw siya sa venue para makipagkita kay Rhian.

"Hindi... Kasi every day yung radio program ko lumalabas naman yun sa PLDT Watchpad. So, invited naman talaga ako sa event. I know naman na nandun si Rhian. I know na nandun si Isabel Oli and all the other major endorsers ng Watchpad. So, I tried my best to stay away from the cameras especially with Rhian. Umalis nga rin kaagad ako sa event to avoid more issues."

OLD ISSUE. Kung tutuusin hindi na bago ang pagli-link sa kanila. Early in Rhian's career, naintriga na silang dalawa ni Mo na may relasyon daw. Kusa namang namatay ang isyu hanggang maungkat nga ito ngayon.

"Yeah, matagal na ito. Na-open lang ulit dahil kay Ruffa. Pero actually it's just a joke between us. Kasi nga nilaglag ko siya about John Lloyd [Cruz], so siya naman nilaglag niya ako about Rhian. But okay na kami ni Ruffa ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nahihiya nga raw si Mo kay Rhian dahil muli na namang nabuhay ang isyu sa kanila.

"Naaawa rin ako kay Rhian. Yun nga, matagal na ito at nagre-resurface lang ulit. It's something na sana naman hindi maka-affect sa kanyang family o sa kanyang career. I don't want to do anything to get Rhian in trouble. This was a joke that Ruffa and I made a few weeks ago. Tapos nga medyo lumaki konti. And yun nga, wala sa bansa si Rhian nung lumabas ito. So medyo nahihiya ako sa kanya kasi nga I care about her. I wanna make sure na hindi siya nadadamay sa mga tuksuhan namin ni Ruffa Gutierrez. Pero you know, it's just the same can be said kay John Lloyd. Tinutukso ko si Ruffa tungkol kay John Lloyd. So, sana naman huwag magalit si John Lloyd sa akin."

Is he annoyed that the issue has resurfaced?

"Well, I understand why it's like that. When you have a male artist and a female artist na magkaibigan talaga katulad namin ni Rhian, it's not gonna stop na may magiging issues or tsismis. That's really the nature of the business. I guess in time everyone will see what the truth is."

MAY COURT RHIAN. Hanggang saan ba puwede umabot ang friendship nila?

"You know, Rhian and I have been friends for so long, really long time na. What's gonna happen with our friendship, I don't know. Maybe we'll be sister and brother lang ang tingin natin. Or maybe someday I'll have the guts to court her or something like that. But you know, hindi naman puwedeng sabihin, we don't know what's gonna happen. We can't really tell. But as of today, as of right now, we're really good friends."

Siya na ang nagbanggit, so posible talagang ligawan niya si Rhian?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There's a possibility of anything. I think I have a crush on Rhian Ramos, so because of that you never know, maybe one day I'll have the courage to ask her out on a date. But right now it's just friends."

Ano ang mga bagay na ina-admire niya kay Rhian?

"Her wit. I think she's one of the smartest celebrities that I've met. She's very bright. She's very funny. We all know ang ganda-ganda niya. Aside from marami namang maganda sa showbiz, what really stands out about Rhian is her brain. She's as smart as anyone I've met in this business. And that's very attractive."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN