Mark Herras denies report that he was seen with a female model going out of a hotel

IMAGE 0


"Hindi, hindi ho tototo 'yan! Unang-una ho, hindi ko na nga makuhang matulog dahil sa schedule ko. Wala na akong time para matulog... So wala, wala hong katotohanan yun, 'tsaka hindi na bago 'yang isyu na about, 'Si Mark may kasamang lumabas na babae sa motel, sa hotel,'" says Mark Herras.


Mariing itinanggi ng young actor na si Mark Herras ang kumalat na balitang may nakakita sa kanya na lumabas sa isang hotel sa Quezon City (Camelot Hotel) at may kasamang isang female model.

"Ha? Ako, lumabas doon? E, hindi nga ho ako nakakakuha ng tulog," nagtatakang sabi ni Mark nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sinabi namin sa kanya na sigurado raw ang mga nakakita na siya 'yon.

"Hindi, hindi ho tototo 'yan!" giit ni Mark. "Unang-una ho, hindi ko na nga makuhang matulog dahil sa schedule ko. Wala na akong time para matulog. And kahit ho sinong tanungin ninyo, kapag wala ako sa bahay, kapag wala akong taping, na kina Tita Nadia [Montenegro] lang ako. So wala, wala hong katotohanan yun, 'tsaka hindi na bago 'yang isyu na about, 'Si Mark may kasamang lumabas na babae sa motel, sa hotel.'"

May kilala ba siyang model?

"Marami akong kilala, pero wala namang problema dun. Hindi ho totoo yun. Kung kilala ko yung babae, kilala ko lang siguro, pero hindi kami nag-hotel."

Faithful ba siya sa rumored girlfriend niyang si Ynna Asistio?

"A, siguro, ang masasabi ko lang, na nasa tamang edad na ako para umarte nang tama. Tapos na ako dun sa mga...alam mo yun? Lahat naman 'yan pagdadaanan mo, e. Imposibleng may lalake na hindi dumaan sa ganun. Walang lalake na hindi dumaan sa ganun...

"Pero 'yon nga, nasa edad na ako para umarte nang tama. Hindi ko na kailangan pang gumawa ng mga kalokohan o kung anumang katarantaduhan para lang... Wala namang point, e," saad ng 23-year-old actor.

Dahil ba sa edad o dahil kay Ynna kaya "matino" na si Mark ngayon?

"Sama-sama na ho siguro 'yon," sagot niya. "Ayoko munang magsalita ng tapos, pero siguro... Yung saya ko ngayon, siguro... Hindi ko naman siya kinu-compare kung kahit kanino man o kahit saang relationship ko, pero I'm happy and I'm contented kung ano ang meron ako ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang dami kong projects na ginagawa, 'andiyan yung family ko, 'andiyan yung family ni Tita Nadia, 'andiyan si Ynna, and I'm teaming up with Heart [Evangelista], so wala akong rason para gumawa ako ng kung anuman."

RAINIER CASTILLO. Napag-usapan din namin ni Mark ang tungkol sa kaibigan niyang si Rainier Castillo na contract star na ngayon ng TV5. Bukod sa matalik na magkaibigan, runner-up ni Mark si Rainier sa pinakaunang batch ng StarStruck ng GMA-7.

Hindi raw kinonsulta ni Rainier si Mark sa paglipat nito sa TV5, to think na matalik silang magkaibigan.

"A, hindi, hindi... Oo, close kami, maraming nagtatanong kung bakit wala akong alam sa pag-alis niya. Siguro ang sa akin lang, hindi kasi kami nagkakausap nang madalas noong time na lilipat siya. Kasi may mga oras na magkikita kami dapat, na may gathering yung isang grupo, na una akong dumarating, tapos hindi ko na siya maantay. O minsan, nandun naman siya, tapos pagdating ko, wala na siya. Alam mo yung ganung insidente na hindi naman sinasadya?" paliwanag niya.

Pero kung bago lumipat si Rainier ay nagpaalam sa kanya, ano ang sasabihin ni Mark sa kaibigan? Pipigilan ba niya ito?

"No, hindi," sagot ni Mark. "Actually ako, susuportahan ko siya. Pero siyempre, aalamin ko kung ano ang reason and sa sitwasyon niya naman siguro, di ba, wala naman sigurong mali? Siguro ang mali, kung may kontrata siya sa GMA, na meron siyang show na tumatakbo tapos bigla siyang nawala. Iyon ang bad, iyon ang mali.

"And with Buboy [palayaw ni Rainier] naman, hindi naman masama yung ginawa niya. Unang-una, yun nga, sabi niya wala siyang project. So 'yon, hindi naman 'yon masama. And ako as kaibigan ni Buboy, kung anuman yung...kung saan magiging masaya si Buboy... I mean, kung magiging busy siya sa trabaho niya, okay yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN