Paolo Paraiso stays out of issue between friend Marco Alcaraz and their former manager

IMAGE 0


"Marami na rin akong na-turn down na indie films. Karamihan kasi tungkol sa mga gay relationships. Ginawa ko na kasi ang ganyang role sa Imoral and I said to myself na tama na yung isang beses ko lang siyang gawin... Gusto ko naman ay film roles na masasabi kong acting piece. Yung paaartehin talaga ako at hindi lang ako basta paghububarin," says Paolo Paraiso.


Ayaw makialam ni Paolo Paraiso sa naging problema ng kanyang kaibigan na si Marco Alcaraz at dating manager nilang si Arnold Vegafria. Hindi raw siya mahilig makisawsaw sa problema ng iba at sinabi niyang pabayaan na lang sila na ang mag-ayos ng mga problema nila.

Ayon kay Paolo, may respeto pa rin siya sa kanyang dating manager kaya wala siyang masasabing masama rito. Tungkol naman sa kanyang kaibigan na si Marco, matanda na raw ito para malaman ang kanyang gagawin sa buhay niya.

"May sarili namang pag-iisip 'yang si Marco, alam na niya ang gagawin niya," sabi ni Paolo sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Sa pagkakaalam ko, may bagong manager na siya, si Noel Ferrer, kaya may nag-aasikaso na ulit sa kanya.

"Sinabi ko nga sa kanya na hindi na siya bata at kaya na niyang makagawa ng mga desisyon niya sa buhay. Kung anuman ang naging problema niya, he can solve it because he's mature enough at hindi na siya teenager para humingi ng tulong sa ibang tao. As long as kaya mong ma-solve ang problema mo by yourself, you do it. Kaya nga tayo binigyan ng utak para mag-isip, di ba?"

Tungkol naman sa balitang kasal na raw si Marco at ang girlfriend nitong si Precious Lara Quigaman, wala raw alam si Paolo rito.

"Hindi ko alam 'yan. Hindi ko 'yan tinatanong kay Marco. Buhay na nila 'yan, e. It's a personal and private thing for them kaya I don't ask questions. Sila na lang ang makakasagot niyan," saad niya.

THE FUNNY SIDE OF PAOLO. Nalilinya ngayon si Paolo sa comedy at natutuwa siya na kasama siya sa shows ng QTV 11 na I Laugh Sabado at Bluffing With Paolo and Bodie. Sa huli ay kasama niya si Bodie Cruz. Sa mga naturang shows ay nalalabas ni Paolo ang kanyang "wild side." Huling napanood si Paolo sa mga drama series na Kaya Kong Abutin ang Langit at Panday Kids.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"In real life, makulit ako at mahilig akong magbiro. Kahit na nalilinya ako sa mga drama shows before, kilala nila ako na parating nagpapatawa sa set. Fan kasi ako ng mga gag shows like Bubble Gang at yung Goin' Bananas noon. Nag-e-enjoy talaga ako sa mga gano'ng shows.

"Kaya noong bigyan ako ng gag show, okey para sa akin kasi mapapanood nila kung sino talaga ako sa totoong buhay. 'Tsaka walang pressure ang gag show namin. Anything goes, tapos mga makukulit din ang mga kasama ko, like sina Archie Alemania, Jan Manual, Wally Bayola, at marami pang iba. Kaya katuwaan lang talaga para masaya lahat," nakangiti niyang sinabi.

Masaya ring binanggit ni Paolo sa PEP na may input din sila sa gags na isinusulat para sa I Laugh Sabado.

"Maganda ang working relationship namin with the writers of the show. Lalo na with our director na si Ms. Bibeth Orteza. Hinihingi nila ang mga opinion namin sa mga comic sketches at kung may input kami, mas maganda. It means na bina-value ng staff ang ideas namin tuwing nagte-taping kami," sabi niya.

ACTING PIECE. Dahil nga sa nagiging komedyante na si Paolo, unti-unti na siyang nalalayo sa kanyang pagiging sex symbol. Dati kasi ay mas nakilala si Paolo bilang sexy male model dahil sa sexy pictorials niya noon bilang isa sa Cosmopolitan hunks at naging sexy actor din siya sa indie films tulad ng Casa at Imoral.

Pero sabi ni Paolo, kaya pa rin niyang gawin ang mga 'yon, lalo na ang paggawa ng indie films basta may magandang istorya.

Aniya, "Marami na rin akong na-turn down na indie films. Karamihan kasi tungkol sa mga gay relationships. Ginawa ko na kasi ang ganyang role sa Imoral and I said to myself na tama na yung isang beses ko lang siyang gawin. Grabe na nga yung ginawa ko sa Imoral at ayoko namang lagpasan pa 'yon. Gusto ko naman ay film roles na masasabi kong acting piece. Yung paaartehin talaga ako at hindi lang ako basta paghububarin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May project na sisimulan si Paolo na ang pamagat ay Tingala Sa Pugad na ididirek ni Edd Palmos. Makakasama niya rito sina Heart Evangelista, Jaclyn Jose, Susan Africa, at Jay Manalo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN