KC Concepcion gets emotional on seeing her parents together after a long time

IMAGE 0


"Personally, hindi ko siya tinitingnan as a showbiz event or like historical event. Isang simpleng anak lang na nangarap at some point na magkasama or magkita yung dalawang magulang. So, sabi ko nga kanina, isang pangarap lang sa akin na mag-usap sila nang hindi nag-aaway sa phone. Ngayon na tapos na ito at lahat, feeling ko kasal ko or something, alam mo yung parang celebration? I didn't know it was gonna be that way. I didn't know that people would celebrate w


Hindi naiwasang mapaluha at maging emotional ni KC Concepcion sa pagsasama-sama nilang tatlo ng mga magulang niya na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion kagabi, June 7, sa taping ng Sharon sa Dolphy Theater ng ABS CBN. Guests sina KC at Gabby sa show ng Megastar to promote their father-daughter movie I'll Be There.

Kitang-kita ang kaligayahan sa mukha ni KC na nakita niya na magkasama ang kanyang mga magulang pagkatapos ng mahabang panahon.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay KC pagkatapos ng taping ng Sharon, hindi naman itinago ng actress-TV host ang rason kung bakit hindi niya napigilang maging sobrang emotional sa tagpong nasaksihan.

"Siyempre, ito yung hinihintay mo. All my life, since nagkahiwalay sila, siyempre gusto mo na lang na magkasama sila. Masaya na kami with the Pangilinans, masaya na si Papa with the Concepcions. Pero siyempre, iba pa rin yung makita sila [Gabby at Sharon] na magkasama," paliwanag ni KC.

Sa nangyari bang ito ay naramdaman niyang naging kumpleto ang pamilya niya pagkatapos ng mahabang panahon? Bata pa lang si KC nang maghiwalay ang kanyang mga magulang at nawalay siya nang matagal sa kanyang ama nang manirahan si Gabby sa U.S. sa loob ng 13 years.

"Well, iba naman ang ibig sabihin ng pamilya," sabi ni KC. "Siyempre pamilya ko na si Dad [Senator Francis "Kiko" Pangilinan], yung stepdad ko, yung mga Pangilinans, yung mga kaptid ko. Siguro ano lang, siyempre iba yung nakilala ko si Papa [Gabby]. I mean, hindi naman parang iniwan na niya ako, sanggol pa lang ako. So, nakilala ko siya kaya hinanap ko siya ulit. Kahit naman hindi mo nakilala ang tatay mo, hahanapin mo, di ba? Pero yung nakita ko sila, iba yun. Nagulat ako kasi totoong buhay ito para sa akin. Tapos biglang nasa Dolphy Theater kami. And then sabi ko nga, yung energy ng tao, parang nasa Araneta [Coliseum] kaming lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Personally, hindi ko siya tinitingnan as a showbiz event or like historical event. Isang simpleng anak lang na nangarap at some point na magkasama or magkita yung dalawang magulang. So, sabi ko nga kanina, isang pangarap lang sa akin na mag-usap sila nang hindi nag-aaway sa phone. Ngayon na tapos na ito at lahat, feeling ko kasal ko or something, alam mo yung parang celebration? I didn't know it was gonna be that way. I didn't know that people would celebrate with us that way."

IN THEIR OWN WORLD. Anong naobserbahan niya sa kanyang mga magulang? Nakita ba niyang kinabahan ang mga ito o naapektuhan sa harap ng isa't isa?

"Para silang may sariling mundo, di ba?" nakangiting sabi ni KC. "Kaya nga sabi ko kay Ninang Zsa Zsa [Padilla, who served as co-host], 'Ninang, dun tayo sa gilid. Mag-uusap muna sila, ang dami nilang pag-uusapan.' 'Tsaka nakikita ko yung pagka-fun ni Papa at yung pagka-fun ni Mama, lumalabas, parang dati lang. Makikita mo kung bakit sila nag-click dati, yung ganun.

"Ang sabi sa akin ni Papa," kuwento pa niya, "hindi niya raw alam yung kanya, 'tsaka color blind kasi siya. Di ba, yung teleprompter computerized? Hindi niya mabasa kasi, for him, ibang kulay yung white, yung green... So, hindi niya makita. Hindi sa malabo yung mata niya, iba yung kulay na nakikita niya.

"Nate-tense ang Papa ko, naka-take three yata kami. Buti na lang hindi live. 'Tsaka sa backstage, hawak-hawak niya yung mic. Tuwing may sasabihin si Mama on stage, lagi siyang humihirit hanggang sa pinatay na yung mic niya. Tapos hinahanap niya yung mic ko, pinatay din yung mic ko.

"Si Mama naman, siguro safe ko naman sabihin na ayaw niyang magpaapekto. Kasi kahit lovelife or kahit anything na maiyak ako, naiiyak siya. Kanina, biglang naiyak ako, mayroon daw siyang pinapatugtog na kanta sa utak niya, tapos hindi niya ako pinapakinggan para daw hindi siya maapektuhan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si KC na kahit matagal na panahong hindi nagkasama ang kanyang mga magulang, hindi pa rin nawawala ang kilig at pagkakagusto sa love team ng mga ito na sumikat nang husto noong '80s.

"Oo naman," sambit niya. "'Saka mas marami pa silang alam kaysa sa akin tungkol sa kanilang dalawa. Kaya for me, hindi lang ito celebration for me bilang anak nilang dalawa. Sabi ko nga, ang sarap pala ng feeling na yung buong audience, kahit papaano, pareho yung nararamdaman, yung love nila para sa kanila, yung excitement na makita sila ulit na magkasama. Alam nila yung mga movies na ginawa nila, kung kailan, kung anong pinagdaanan sa personal nilang buhay. Ang dami nilang alam, kaya na-realize ko na, 'Grabe, pinapanood talaga kami ng publiko, umpisa pa lang, wala pa ako sa mundo!'"

Nauna nang gumawa ng movie si KC with her Papa Gabby—ang I'll Be There na mapapanod sa June 16—kaya marami ang nag-aabang at umaasa na isang pelikula ang gawin nilang tatlo ngayong naumpisahan na ang pagsasama nila sa iisang show. Ano ang masasabi niya rito?

"Siguro yung kaming dalawa muna ni Mama, kasi medyo big deal talaga yung kaming tatlo. Baka hindi namin matapos yung pelikula, kaming dalawa muna siguro," sabi ni KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN