KC Concepcion admits she once turned "rebel" against her parents' separation

IMAGE 0


"Yung pagrerebelde ko is more of a curiosity and more of umalis ako at tumira sa ibang bansa, na alam kong hindi masyadong kilala ng mga malalapit sa akin. Ganun po ang pagrerebelde ko, it's not really yung talagang siraan ng buhay or anything," says KC Concepcion.


Aminado si KC Concepcion na minsan sa kanyang buhay ay masasabi niyang nagrebelde rin siya dahil sa paghihiwalay ng parents niya na sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta noong bata pa siya.

"Opo naman, of course!" sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Pero yung pagrerebelde ko is more of a curiosity and more of umalis ako at tumira sa ibang bansa, na alam kong hindi masyadong kilala ng mga malalapit sa akin. Ganun po ang pagrerebelde ko, it's not really yung talagang siraan ng buhay or anything.

"Marami po akong tanong dati, pero isa-isa na po siyang nasagot. Kaya siguro ako nahilig sa tula at pag-compose ng kanta. Siguro, e, dun ko na lang idinadaan. Marami po akong tanong sa mga tula ko, pero hanggang dun lang po 'yon. Pero may mga time na nag-try ako ng ganito, ng ganyan nung high school days, yung mga normal na... Pero yung siraan ng buhay, wala naman.

"Sabi ko nga po, e, hindi lang naman po si Mama [Sharon] ang nagpalaki sa akin kundi buong industriya. Kasi, nakatutok lahat. Tapos, parang andami kong tito at tita, ninang at ninong, lolo at lola. So, ganun po. Hindi naman po ako perpekto, siyempre nagkakamali din po. Normal lang po.

"Pero in general, hindi pa rin. Kasi araw-araw na meron kayong mga kaibigan na nag-i-interview kay Mama kaya naging parang mother-father figure ko na rin po yung ibang press. So, lagi kong sinasabi na meron po akong naiinterbyu na ang kuwento, e, nadisiplina dito, nung pumasok sa showbiz. So, nangyayari po talaga 'yon. May mga artista na umaayos kapag pumapasok sa trabahong ito dahil kailangan natututo rin po sila, nagkakaroon ng responsibilidad, ganun. So, same with me," mahabang paliwanag ni KC sa presscon ng I'll Be There, ang pelikula nila ng kanyang amang si Gabby mula sa Star Cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon ay may kanya-kanyang sariling pamilya na sina Sharon at Gabby. At si KC ay masaya na ngayon kapiling ng kanyang Mama at ng kanyang stepdad na si Sen. Kiko Pangilinan, na napangasawa ng Megastar.

WORKING WITH PAPA GABBY. Kumusta naman ang working relationship niya sa Papa niya?

"Ganito po 'yon, e," nakangiting sagot ni KC. "Mahirap pong umarte sa harap ng magulang mo. Minsan, natatakot ako na baka may lumabas na...o baka may ma-develop na, 'Oo, bakit nga ba nagkaganun?' Pero natapos naman namin yung pelikula na wala naman. Wala, e, mahusay si Papa na mag-PR. Pili nut lang ang katapat at saka mga chikahan, tawanan, 'yon!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN