Pauleen Luna says it was Cristine Reyes who started the rift between her and Ampalaya Anonymous

IMAGE 0


"Noong na-Ondoy siya, I kept on reaching out and all kasi akala ko naman walang isyu. Tapos yun nga, dumire-diretso. Basta ako, I'm okay with my life. I have enough friends. I don't need to settle things with somebody na hindi naman totoong kaibigan," says Pauleen Luna (main photo) when asked if she's willing to reconcile with Cristine Reyes.


Naging guest celebrity co-host sa Q11 showbiz program na Tweetbiz si Pauleen Luna last week. Pero kahit na nga guest siya ay hindi pa rin siya pinaligtas sa pang-iintriga ng mga host ng naturang programa.

Unang isyu na ipinaliwanag ni Pauleen ay ang pagbabati nila ni Maxene Magalona. Magugunitang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawang aktres dahil miyembro si Maxene ng Ampalaya Anonymous na umano'y bumu-bully o nang-aaway kay Pauleen sa Twitter. Kasama rin sa Ampalaya Anonymous ang iba pang aktres gaya nina Angel Locsin, Cristine Reyes, Glaiza de Castro, Bianca King, Bubbles Paraiso, Rich Asuncion, at iba pa.

Nagkabati na sila ni Maxene, ibig bang sabihin ay puwede na rin siyang makipag-ayos at maging friends sa Ampalaya Anonymous?

"I am not generalizing," paglilinaw ni Pauleen. "Kasi yun ang naging issue, e, na ang dami raw nadadawit na name. I am not generalizing. Like what I said before I would be hypocrite if I say na there's no issue at all. But since everything is settled na, I don't want to rush naman na maging friends kaagad with those people [members of Ampalaya Anonymous]. But I wanna take my time para pag naging friends kayo ulit, totoo yung friendship."

Ayon pa sa young actress, everything is settled na between her and Maxene matapos makapag-usap ng kanilang kampo. Ginawa raw nila ito para maging maayos ang kanilang pagtatrabaho sa pagsasamahan nilang Trudis Liit, ang bagong soap ng GMA-7 na pumalit sa dapat sana'y pagsasamahan nilang Bakit Kay Tagal ng Sandali.

CRISTINE STARTED THE RIFT. Nilinaw naman ni Pauleen na hindi si Dennis Trillo ang pinagsimulan ng isyu sa pagitan nila ng Ampalaya Anonymous. Aniya, kay Cristine Reyes daw nagsimula ang lahat.

"To be frank, may sinabi sila na hindi totoo. They went up to Heart [Evangelista] and told Heart... Di ba, may isyu kasi na nagte-text daw siya [Cristine] kay Heart and she was denying. They went up to Heart and told Heart na it was me texting her using Cristine's name," pagsisiwalat ni Pauleen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang nagkaroon ng isyu late last year between Heart and Cristine na umano'y tine-text daw ni Cristine ng nasty messages si Heart. Naging dahilan ito ng hindi pagkakaunawaan ng dalawang batang aktres na nauwi pa sa mga pasaring sa kanilang interviews. Kusa ring namatay ang isyu nang tumanggi nang magbigay ng pahayag ang dalawang kampo at nakiusap na huwag na silang intrigahin pa.

Pero sa inihayag ni Pauleen, mukhang mauungkat na naman ang isyung ito. Hindi raw kasi talaga nagustuhan ni Pauleen ang ginawang ito ni Cristine.

"Sobrang foul. I mean, ako, I respect people's opinion. If you guys are talking about me, okay. But to go out of your way to tell this one person something that I didn't do, foul yun," sabi niya.

NO ISSUE WITH HEART. Nagkaayos na rin ba sila ni Heart?

"Kami naman ni Heart, wala naman talaga kaming isyu because I've been friends with Heart since I was 14 and she's on my side. I'm on her side naman," sagot ni Pauleen.

Sa nangyaring ito, kinausap o kinumpronta niya ba si Cristine?

"No, because every time na nagkikita kami, she's super sweet to me and I can't understand nga."

Pero willing ba siyang makipag-ayos kay Cristine?

"If she's willing. Kasi I'm on the losing end, e. Tapos ako pa yung magri-reach out. Noong na-Ondoy siya, I kept on reaching out and all kasi akala ko naman walang isyu. Tapos yun nga, dumire-diretso. Basta ako, I'm okay with my life. I have enough friends. I don't need to settle things with somebody na hindi naman totoong kaibigan," makahulugang sagot ni Pauleen.

In the future, can she see herself being friends with Cristine?

"I don't know," sagot niya. "Sabi ko nga if she's willing lang talaga. And if not, okay lang."

Bukas naman ang PEP sa panig ni Cristine kung nais niyang sagutin ang mga pahayag ni Pauleen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING WITH MAXENE. Pagkatapos ng interview niya sa Tweetbiz ay nagkaroon ng pagkakataon na makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Pauleen para hingan siya ng dagdag na paliwanag tungkol kay Cristine at sa Ampalaya Anonymous. Pero sabi niya, kung ano raw ang sinabi niya sa Tweetbiz yun na yun at ayaw na niyang dagdagan pa.

Kaya tungkol na lang sa pagtatrabaho nila ni Maxene ang inusisa namin.

"Magkasama pa rin kami. Napalitan lang yung project. Dati kasi yung Bakit Kay Tagal ng Sandali? na naging Trudis Liit na ngayon. Kami pa rin ang magkasama," paliwanag ni Pauleen.

Mabuti nga raw at nakapag-usap na sila ni Maxene at nagkaayos bago pa sila sumabak sa taping ng show.

"Okay na kami. Well, mahirap naman kasi talaga yung to start at the wrong foot in everything that you do. So, okay na rin na nakapag-usap kami before. Mas naging maliwanag yung mga bagay-bagay."

Kontrabida pa rin daw ni Maxene ang role ni Pauleen sa Trudis Liit. Dahil dito, posible na naman silang magkaroon ng isyu. Ano ang masasabi niya rito?

"Oo, but I guess lesson learned, pag may ganun go straight to each other rather than keeping it to yourself," sabi ni Pauleen.

Paano kung isipin ng mga tao na tinototoo nila ang kanilang mga confrontation scenes gaya ng sampalan?

"I guess uso 'yan sa mga soap na kapag may mga ganung eksena, palaging sinasabi na ganun. But we're all actors, we're all professionals. And I don't think naman na mangyayari yun."

Kasalukuyang nasa Las Vegas pa si Pauleen ngayon dahil katatapos lang ng show ng Eat Bulaga! doon last June 5. Bukod sa show, kasama na rin daw ang bakasyon nila roon. Isa sa mga regular hosts ng longest-running noontime show si Pauleen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN