Carl Guevara now feels the pressure as Bench fashion show nears

by Rose Garcia
Jun 10, 2010
"Feeling ko, mas may pressure ngayon. Oo nga't nakarampa na ako two years ago na naka-underwear lang din, [pero] feeling ko talaga ngayon, mas may pressure. Mas kinakabahan ako at saka yung feeling ko na mas dapat kong paghandaan. Although, kung iko-compare noong una akong rumampa, mas tingin ko naman, mas okay ang katawan ko ngayon," says Carl Guevara about the upcoming Bench denim and underwear fashion show.

Isa si Carl Guevara sa mga celebrity na dumalaw sa burol ng kapatid ni Angelika dela Cruz na si Edward noong Martes ng gabi, June 8. "Magkapatid" sina Carl at Angelika sa PPL Entertainment na pinamamahalaan ni Perry Lansigan.

Nabanggit ni Carl sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na dadalaw na sana siya noong unang gabi pa lang ng burol ng kapatid ni Angelika, pero hindi siya nakapunta dahil may taping siya ng GMA-7 telefantasya na The Last Prince.

THE LAST DAYS OF THE LAST PRINCE. Malapit na ang last taping day at malapit na ring magwakas sa ere ang The Last Prince. Pero ayon kay Carl, malaki ang pasasalamat niya na nakasama siya sa naturang fantaserye kahit noong huling bahagi na ng palabas siya pumasok.

"Masaya ako na naging part ako ng The Last Prince kasi ang dami rin naman na naka-recognize sa akin dito bilang Jeric. At saka ang nangyari pa nga, na-extend pa yung mga episodes kaya parang ang haba rin," sabi niya.

Continue reading below ↓

Naging maganda rin daw ang working relationship niya sa cast, lalo na kay Kris Bernal na naging asawa niya sa kuwento.

"Mababait naman sila. At saka si Kris, naging close ko. Hindi ba sa mag-asawa dapat walang ilangan, kaya pinag-usap kami ng director. Okey naman, nag-bonding kami. Hanggang sa yun na, nagkakabiruan na. Si Aljur [Abrenica], okey rin. Kumbaga, naging kaibigan ko silang lahat."

NEXT PROJECT. May posibleng follow-up project na raw siya pagkatapos ng The Last Prince, pero wala pa siyang ideya kung ano ito.

"Actually, ako, wala pa talaga akong alam. Sabi lang meron na. Pero alam mo naman si Perry, hangga't wala pa talaga, or yung siguradong-sigurado na, wala talaga siyang sasabihin sa 'yo, kahit magtanong ka pa. Parang isu-surprise ka na lang," paliwanag ng Bench endorser.

Sa pelikula naman, kasama si Carl sa Mamarazzi ng Regal Films na pinagbibidahan ni Eugene Domingo. Siya ang leading man ni Andi Eigenmann dito. Hindi pa raw sila nagsu-shooting together, pero nagkita na sila sa story conference. Nagagandahan at naseseksihan daw si Carl sa bida ng Agua Bendita.

Continue reading below ↓

UNCUT FASHION SHOW. Okay lang din daw kay Carl kung pagkatapos ng The Last Prince ay makapagpahinga muna siya bago ang Uncut, ang Bench denim and underwear fashion show sa Araneta Coliseum on July 2. At least daw, mas magkakaroon siya ng time para makapaghanda nang husto.

Aminado siyang bagamat siya ang nanalo sa model search na Be Bench at nakarampa na rin naman siyang naka-underwear sa Blackout, ang Bench fashion show two years ago, mas kabado at may pressure sa kanya ngayon ang Uncut.

"Feeling ko, mas may pressure ngayon. Oo nga't nakarampa na ako two years ago na naka-underwear lang din, [pero] feeling ko talaga ngayon, mas may pressure. Mas kinakabahan ako at saka yung feeling ko na mas dapat kong paghandaan. Although, kung iko-compare noong una akong rumampa, mas tingin ko naman, mas okay ang katawan ko ngayon.

"Actually, yung naging katawan ko during my pictorial for Men's Health, yun sana maibalik ko. Kasi, medyo nakapag-relax din. Kaya after ng taping, baka yun, talagang mas kakarerin ko pa yung pagdyi-gym," sabi ni Carl.

Continue reading below ↓

Gaya ni Carl ay rarampa rin sa Uncut ang co-star niya sa The Last Prince na si Aljur Abrenica. Napag-uusapan ba nilang dalawa ang tungkol dito?

"Oo, parang nagkukuwentuhan kami, like yung diet," banggit ni Carl. "Sabay kaming nag-pictorial at saka tingin ko, sa amin, walang kumpitensiya sa amin. Tinatanong din niya kung nag-start na raw ba akong mag-diet. Kasi sabi niya, okey na raw yung katawan ko.

"Siya kasi, hindi siya nakakapag-workout masyado dahil busy nga. Kaya nga parang nagdadalawang-isip nga siya kung maghububad daw ba siya sa Bench. Pero sabi ko nga, kaya pa naman niya. Ilang linggo pa rin naman bago yung Bench."

NO LOVELIFE. After ma-link at magkaroon ng relasyon kay Daiana Menezes, consistent si Carl sa pagsasabing hindi niya inuuna ang lovelife ngayon.

Aniya, "Wala pa talaga. At saka, wala rin, e, hindi rin naman ako yung naghahanap talaga ng maliligawan or makakatrabaho. Siguro rin kasi, kahit naman noong pumunta ako ng GMA, wala pa rin talaga akong masasabing mga kakilala. Ilan pa lang din yung nakakatrabaho at nakakasama ko talaga."

Continue reading below ↓

But when asked kung kanino siya nagagandahan sa mga nakikita niyang Kapuso ladies, mabilis ang sagot niya.

"Si Heart [Evangelista] at saka si Rhian Ramos. Magaganda talaga sila. And siguro, sana mabigyan din ng chance na makasama sila sa isang project sa GMA," nakangiting sabi ni Carl.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Feeling ko, mas may pressure ngayon. Oo nga't nakarampa na ako two years ago na naka-underwear lang din, [pero] feeling ko talaga ngayon, mas may pressure. Mas kinakabahan ako at saka yung feeling ko na mas dapat kong paghandaan. Although, kung iko-compare noong una akong rumampa, mas tingin ko naman, mas okay ang katawan ko ngayon," says Carl Guevara about the upcoming Bench denim and underwear fashion show.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results