Cristalle Henares on mom Vicki Belo getting back together with Hayden Kho: "Ok na ok na ako dun."

IMAGE 0


"Ang masasabi ko lang, my mom is old enough to make her own decisions. Minsan, oo nga, napagkakamalan ng mga tao na ako yung mommy ng mommy ko pero I eventually learned how to respect her life, her private life most especially... For me, basta she is happy, di ako hahadlang," says daughter Cristalle who's happily dating a Lebanese hairstylist.


Nang mabanggit ni Mo Twister sa isang interview na kasama niyang magbakasyon sa Paris ang beauty doctors na sina Hayden Kho at Vicki Belo, pinatotohanan niya ang usap-usapang nagkabalikan na nga ang dalawa.

Sa nakaraang PLDT SME Nation's Bossing Ako launch held at NBC Tent sa the Fort last Thursday, June 10, hiningan namin ng reaksyon ang anak ni Dra. Vicki na si Cristalle Henares.

"Ang masasabi ko lang, my mom is old enough to make her own decisions. Minsan, oo nga, napagkakamalan ng mga tao na ako yung mommy ng mommy ko pero I eventually learned how to respect her life, her private life most especially. Kung saan siya happy, happy ako for her. Basta iba yung relationship naming dalawa, iba yung relationship nila. So para sa amin, as long as na ok kami ni Mommy at di siya nagiging hurdle sa relationship namin, ok na ok na ako dun.

"For me, basta she is happy, di ako hahadlang. At the same way na di niya pinapakialaman, I'll also respect her lovelife."

Masayang ibinalita sa amin ni Cristalle kung nasaan ngayon si duktora.

"She's in the States right now, nag-attend siya ng Philippine Indepedence Day sa New York, care of TFC [The Filipino Channel]. Dinala namin dun si Ms. Sarah Geronimo kasama ni Mommy saka ni Kuya [Quark Henares]."

CRISTALLE'S LOVELIFE. Naging bukas din si Cristalle sa pag-amin na she's exclusively dating someone.

"He's a Lebanese, a hairstylist in Emphasis Salon Rockwell. Practically we're exclusively dating for three months. Masaya, matangkad siya sa akin. Most of the guys I dated are kind of my height. Pag naka-heels na ako, magkasing-height na kami. Enjoy na enjoy ako kasi he's taller than me and he's taking good care of me.

"Actually working visa lang siya dito so di ko alam kung tatagal siya. First time akong nakipag-date sa hindi Filipino, 'kala ko mahirap but apparently hindi naman. Masaya coz marami akong natutuhan sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagbabalik naman ni Kris Aquino as endorser ng Belo Medical Group, patunay daw ito sa matatag na pagkakaibigan nina Kris at ng kanyang ina, at ng paniniwalang babalik at babalik ka rin sa kung ano ang pinakamahusay. Yun daw ang sabi sa kanya ni Kris: "I'm back with the best."

"And she never doubted otherwise, she didn't go to any dermatologist. I think it just needed some time in between for her and Mommy to patch things up, parang nag-break lang sila for a while."

COURT CASE. Masaya ring ibinalita sa amin ni Cristalle na naayos na ang demanding isinampa laban sa Belo kamakailan at mas tumaas ang sales ng Belo Essentials ngayong kinuha nila as endorser si Cristine Reyes.

"Mayroong nag-place ng kaso sa amin tungkol sa butt niya pero this week dinismis yung kaso. We're very happy coz alam naman naming wala kaming ginawang masama and definitely that infection was done somewhere else. Masayang-masaya kami.

"Sa Belo Essentials naman, we launched a new commercial with Ms. Cristine Reyes. As soon as na-launch namin yun, grabe ang feedback ng tao. Nakita namin na people are still looking for innovation and they trust in our brand."

Isa ang Belo sa sumusuporta sa PLDT SME Nation's Bossing Ako, isang proyekto ng communications giant upang matulungan ang mga tinatawag na SMEs o small-to-medium scale entrepreneurs.

"Today we are giving salute, together with PLDT, technological solutions to make business progress more efficient, so we are here to promote the Bossing campaign of PLDT and naka-tie up siya sa Go Negosyo and Belo Medical Group and Belo Essentials. It's an advocate of entrepreneurship in this country so we're here to support it all the way."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN