Mo Twister doesn't lose sleep over breach of contract case

IMAGE 0


"Hindi naman ako 100 percent honest all the time. Siyempre, sometimes dito sa showbiz, you have to stretch the truth or deny certain tsismis that your co-hosts throw into you!" says Mo Twister.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Mo Twister sa nakaraang edition ng Paparazzi ng TV5. Una muna naming inusisa sa kanya kung sa palagay niya ay nakakatulong siya sa mga co-host niyang sina Cristy Fermin, Dolly Anne Carvajal, at Ruffa Gutierrez sa ikagaganda ng Paparazzi.

"Sa paglaglag kay Ruffa and Dolly Ann, kay Cristy..." nakangiting simula niya. "No, I don't know. Whatever they want me to do naman, I'm open to do it. This is my job, para makatulong ako na para maging mataas ang rating ng show, things like that. I'll just be myself siguro and see what I can do and let's hope for the best tungkol sa mga ratings and things like commercial load and all that stuff which are very important to the show."

Iyong sinasabi ng iba na taklesa siya kaya kinuha sa Paparazzi, positive ba yun para sa kanya o negative ang dating?

"I don't know! I don't know about being taklesa but I'm more on...I just speak what's on my mind. I try not to sugarcoat things very much. I mean, hindi naman ako 100 percent honest all the time. Siyempre, sometimes dito sa showbiz, you have to stretch the truth or deny certain tsismis that your co-hosts throw into you!" nakatawang paliwanag niya.

"But you know," patuloy niya, "it's all fun naman. I mean, it's a job that you really enjoy, masaya. And it's great that we are paid to do this. Kaya happy ako dito sa TV5.

"Scared lang ako sa mga co-host ko, kasi three weeks na yata ko silang kasama. It seems na you have to come here na mayroon kang sariling weapons, na mayroon kang sariling information, kasi you're not safe from anyone. Kasi, it's not just the press who will grill you but your co-host too, pero masaya," pahabol pa ng TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


CASE WITH GMA-7. Hinggil naman sa reklamong breach of contract sa kanya ng GMA-7. Ayon sa kontrobersiyal na TV host, itinuturing niyang bahagi lang ng kanyang trabaho ang ganitong mga kaganapan.

Dapat nga ba siyang habulin ng GMA-7? Ayon kasi sa Kapuso network ay may kontrata pa si Mo sa kanila hanggang sa susunod na taon, pero lumipat na agad siya sa TV5.

"I don't know!" tawa niya. "We all have the right to feel the way they want, kung ano ang kailangan nating gawin o kung ano ang gagawin natin within the law. Ako naman, kinausap ko naman yung mga lawyer ko at mga legal staff dito, at sabi nila ay okay naman ang ginawa ko. So, after that, it's up to GMA to do whatever they want. Hindi ko alam kung bakit sila may interest or anything."

Sa tingin ba niya ay nai-insecure ang GMA-7 sa Paparazzi kaya hinahabol siya nito?

"I don't know, I don't know," nakangiting sagot ni Mo. "I mean, I'm glad naman that our show is doing well. So far so good, mga two months na yata tayo and okay naman 'yong feedback. So, kung nai-insecure 'yong ibang shows o ibang channel, it's just a healthy competition."

Kumusta na siya matapos idemanda ng GMA-7?

"I'm okay. Yung recent na tungkol sa case, I think nag-request for TRO [temporary restraining order] 'yong GMA, pero na-postpone naman 'yong hearing nila. Sabi ng judge hanggang July. So, hihintayin ko na lang 'yong July 2 at titingnan ko kung ano ang status ng restraining order."

Kapag naaprubahan ang TRO, ibig sabihin ay mawawala muna siya sa Paparazzi?

"I think so. I'm not 100 percent sure, pero I think so," sagot niya.

Nairita ba siya sa kaso?

"Am I irritated? No, not really. Pero siyempre, no one wants a case. Pero hindi naman ako nawawalan ng tulog. It's just part of the job."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado si Mo na ikinagulat niya talaga ang demandang isinampa sa kanya ng Kapuso Network.

"Medyo, medyo nagulat ako. But you know, it's just part of it," matipid na wika niya.

RIFT WITH A TV EXECUTIVE. Hindi kaya buwelta ito sa kanya dahil sa hindi magandang komento niya sa GMA-7 executive na si Ms. Wilma Galvante?

"Yeah, but that's my opinion. If she's the one that I don't like the most there, anong magagawa natin? It's based on my personal experience and opinion lang naman. And that has nothing to do with any contractual issues, that has nothing to do with anything. I just don't like her in person for a reason," sabi ni Mo.

Kung magkikita ba sila ni Ms. Galvante, maiilang ba siya?

"No, not really. I think I'll be okay. Again, this is not a...you know, we live in a civilized society naman. Hindi naman tayo mag-aaway sa harap-harapan, di ba? I think, we will be fine. Wilma, I think has been through things like this before, and this is my first time. But I'm mature enough to know that this is just something na...tingnan na lang natin."

Pero binigyang-linaw ni Mo na hindi naman si Ms. Galvante ang nagdemanda sa kanya kundi ang GMA-7. "It's not naman Mo vs. Wilma. It's Mo vs. GMA-7," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN