Alwyn Uytingco on status of relationship with Jennica Garcia: "'Sakto lang."

IMAGE 0


Kapamilya young actor Alwyn Uytingco (in photo) is now being linked to Kapuso young actress Jennica Garcia. But before this, Alwyn had a two-year relationship with Princess Ryan, who is now in the Kapatid network.


Sabi ni Alwyn Uytingco sa PEP (Philippine Entertainment Portal), ibinibigay niya ang kanyang best kapag nagmamahal siya. Pero minsan ay nagkakamali din naman daw siya dahil tao lang siya.

Anong nangyari at nag-split sila ng dati niyang girlfriend na si Princess Ryan?

"Ganun talaga. Siguro it's bound to happen. Baka yun talaga ang plano ni Lord para siguro mag-grow kami pareho," sabi ni Alwyn sa presscon ng Pendong, ang indie film na pinagbibidahan nila nina Felix Roco at Will Devaughn.

Pero sino nga ba talaga ang may kasalanan at nag-break sila ni Princess?

"Basta ang masasabi ko lang, may kasalanan din ako. May pagkukulang din ako. Sa part niya [Princess], kayo na lang ang bahalang mag-evaluate dun at mag-research. Kasi, ayoko talagang magsalita. Nakakabastos. Para sa akin, nakakabastos sa part nung babae," sagot ni Alwyn.

Tatlong taon din pala ang itinagal ng relasyon nina Alwyn at Princess. Nakakapanghinayang din kung tutuusin dahil halos kasal na lang ang kulang sa kanila. Pero totoo ba na nag-live in sila?

"Well, parang ganun," sagot ni Alwyn. "Pero hindi naman officially live in. Kasi kapag sinabing live in, parang mag-asawa na kayo, e. Parang madalas lang ako dati sa condo niya. Kapag wala siyang kasama... Kasi yung mommy at tita niya, nasa Leyte. Wala siyang kasama kaya minsan, e, pumupunta ako dun dahil bumibisita ako sa kanya, dumadalaw...and sobrang madalas."

JENNICA GARCIA. Ngayon ay nali-link si Alywyn, isang Kapamilya talent, sa young actress na si Jennica Garcia, na talent naman ng Kapuso network. May mga nagsasabi pa ngang girlfriend na ni Alywn si Jennica bagamat hindi pa inaamin ng dalawa ang tungkol dito.

Nagtatanong ba si Jennica kay Alwyn tungkol sa nakaraan ng binata kay Princess?

"Alam naman niya, e. Naikukuwento ko sa kanya yung pinagdaanan namin ni Princess, and okay naman sa kanya," sagot nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aminado naman si Alwyn na hindi naging madali sa kanya ang mag-move on after his breakup with Princess. Mga two months din daw 'yon na ininda ng binata.

Napangiti lang si Alwyn nang sabihin namin na hindi kaya si Jennica ang dahilan kaya siya naka-move on agad?

"Hindi naman," sabi niya. "Yung mga friends ko talaga ang nakatulong ng malaki sa akin. Hindi talaga nila ako iniwan ng mga panahon na 'yon."

May tsismis na nai-in love na raw si Jennica sa kanya. Dumadalaw din daw ang dalaga sa shooting niya sa Pendong. Totoo ba ito?

"Ewan ko po. Hindi ko po alam, e. Basta, kung ganun man, e, di okay," maikling sagot Alwyn.

Yung pagdalaw daw ni Jennica sa shooting ng Pendong ay dahil malapit lang daw ito sa taping naman ng Kapuso star.

WHAT HE LIKES ABOUT JENNICA. "Ako, malaki ang posibilidad na ma-in love ako nang husto sa kanya," ani Alwyn. "Parang...despite the fact na hindi naman kami parehas ng ugali, parang sobra siyang makulit, e. Minsan ako naman yung tahimik. Pag minsan ako yung makulit, pero siya naman yung tahimik. Siya lang yung tawa nang tawa. Parang nagko-compliment."

Paanong mangulit si Jennica?

"Basta, andami niyang kakulitan. Kikay kasi siya, e. Sobrang biba, bibo, ganun. Tapos, may mga terms na, 'Teh!' Baklang terms. Nakakaaliw lang din. Ayun, mga simpleng bagay lang. Ako kasi, ano, e, palatawa talaga ako. Madali akong matawa. Siya, sobrang kalog talaga," nakangiting kuwento ng young actor.

Ayon kay Alwyn, almost seven months na silang magkakilala ni Jennica. Pero ano kaya yung gusto at hindi niya gusto sa pag-uugali ng kanyang nililigawan?

"Hindi ko po alam, e. Ang gusto ko lang talaga sa kanya, e, yung nagpapakatotoo lang talaga siya kapag kasama niya kami. Kasi ako nakilala niya as a friend. Hindi siya plastic. Mas okay sa akin yung ganun," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Prangka ba si Jennica?

"Oo, in a joking way," sagot ni Alwyn. "Pabiro. Nakakatuwa nga, e, kasi ang saya-saya niyang kasama."

Gaano kalambing si Jennica at paano itong maglambing sa kanya?

"Paano siyang maglambing?" Parang nag-isip muna si Alwyn. "Kung minsan, pag nasa trabaho ka, bigla kang dadalawin kasama ang mga friends niya. Minsan naman, magugulat ka kasi may dala siyang pagkain. Pero siyempre, para sa aming lahat 'yon, hindi lang para sa akin. 'Saka yung lambing niya sa pamilya niya, sobrang genuine talaga 'yon. Nakikita ko 'yon, e. Mahal na mahal niya ang family niya, yung kapatid niya, ganun."

Gaano naman sila kadalas magkita at mag-usap ni Jennica?

"Kapag walang trabaho. Kapag libre siya, libre ako...ganun. Tapos, kapag nagkaimbitahan yung magkakaibigan, magkakabarkada."

"'SAKTO LANG." Kilala na ba si Jennica ng pamilya ni Alwyn?

"Opo," sagot ng binata. "Nakilala na po siya ng kapatid ko, lola ko. Nakakatuwa, kasi meron siyang booking sa may Nueva Ecija, sa province namin. Parang nag-parade sila, andun yung lola ko, kasi fiesta. Nagkakitaan sila doon. Wala lang, coincidence."

Close na ba si Jennica sa family niya?

"Hindi pa naman," agad niyang sagot.

Papunta na kaya doon?

"Sana," sambit ni Alwyn.

Sinabi rin ni Alwyn na ipinakilala na pala siya ni Jennica sa ama nitong si Jigo Garcia.

Hindi ba siya nagseselos kay Mart Escudero na dating boyfriend ni Jennica? Pursigido pa rin daw kasi si Mart na makuha uli ang matamis na "oo" ni Jennica?

"Bakit naman po ako magseselos, e, sila po ang magka-love team," sagot ni Alwyn.

Secure ba siya kay Jennica?

"Confident naman po ako. Hindi naman po ako dapat na magpa-distract sa past," makahulugang pahayag niya.

Ipaglalaban ba niya ang nararamdaman niya kay Jennica?

"Oo, ipaglalaban ko kung anuman yung nararamdaman ko. Ipaglalaban ko talaga, pero na kay Jennica pa rin 'yon kung ano ang magiging desisyon niya," sagot ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasa anong level na yung relationship nila ni Jennica?

"Para sa akin, 'sakto lang. And ako, sobrang natutuwa lang sa nangyari kasi nai-inspire niya ako para gawin yung trabaho ko. Alam n'yo yung feeling na ganun, di ba?

"'Sakto lang. Sa gitna lang...yun. Dating, going out, ganun, with friends. Hindi pa naman kami lumalabas na kami lang dalawa. Kasi madalas kasama ang friends niya, kundi friends ko at may kasama rin siyang friend niya, or yung family niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN