Daniel Matsunaga admits it's possible for Kris Bernal to become his girlfriend

IMAGE 0


"We'll never know what will happen in the future, but Kris is a very nice person. She's very lovely. She always help me in everything I do. Always smiling, and that's the things that I look in a girl," says Daniel Matsunaga about leading lady Kris Bernal.


Isa sa magandang katangian ng Brazilian models who are trying their luck in Philippine showbiz is that they are really doing their best to learn the Filipino language. Isa na nga rito si Daniel Matsunaga.

Kahit alam niyang hindi pa siya fluent sa Tagalog, sinusubukan pa rin ni Daniel na magsalita ng ating wika tulad na lang noong press conference para sa "Wish Come True" episode ng Lovebug kahapon, June 15.

Nang tanungin kung kumusta ang pakikipagtrabaho niyang muli kay Kris Bernal, na leading lady niya sa "Wish Come True," ay ito ang sinabi niya: "Masaya!"

Dagdag ng model turned actor, "I love it. It was very fun. We taped everything in Singapore. It's a new place. Very hot but everything we did, we really enjoyed. And every time I work with Kris, it's a new experience and more challenging."

Unang nagkatrabaho sina Daniel at Kris sa fantaserye na The Last Prince.

Hindi man nalalayo sa tunay na buhay ang role niya sa "Wish Come True" bilang isang modelo, challenging pa rin daw para sa kanya ito.

"There's crying scene!" bulalas ni Daniel. "And this time, I have to sing! I was really nervous. Actually, I have voice lesson but I just started this week. I wanna improve that part. I'm sure I need it."

Dalawa ang regular shows ni Daniel sa GMA-7 ngayon. Aside from Lovebug, kasama rin siya sa primetime series na Langit Sa Piling Mo.

KRIS BERNAL. Panay naman ang papuri ni Daniel sa kanyang leading lady sa Lovebug na si Kris dahil sa pagiging supportive daw nito sa kanya.

"In everything I do. Like, every time I need something, she tells me what to do. She's very supportive."

Sinabi rin ni Kris na very thoughtful din si Daniel.

"I always try to make everybody happy. I don't want to make anybody upset. Siyempre, special si Kris, of course. She needs attention, of course. If she gets bored!" natatawang reaksiyon ng hunky model.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Posible bang maging girlfriend niya si Kris?

"Of course!" mabilis niyang sagot. "We'll never know what will happen in the future, but Kris is a very nice person. She's very lovely. She always help me in everything I do. Always smiling, and that's the things that I look in a girl."

TWO WEEKS IN BRAZIL. Two months ago na raw ang nakakalipas since mag-break sila ng kanyang Brazilian model-girlfriend. Since single si Daniel ngayon, ready na ba siya to have a new relationship?

"Yes, but I need time for myself," sagot niya. "Do workshops. Study Tagalog. Singing lesson."

Ayon kay Daniel, mahirap mag-maintain ng isang long-distance relationship.

Kauuwi lang niya sa Brazil pero hindi raw sila nagkaroon ng chance na magkita ng ex-girlfriend niya.

"I was in Brazil, yes, but she lives in different city. And at that time, she was shooting in Italy. She's also in modeling. I love modeling as well, but my plan is to stay here [in the Philippines] and pursue my career."

Two weeks lang daw siyang nakapag-stay sa Brazil.

"I went to L.A., I went to Las Vegas. I only stayed in Brazil for two weeks. It was very short and I really missed all my family, like my mom, my father, my brother. I just stayed with my family. We went to dinner, watch movies together. Something that I can be with them," kuwento ni Daniel.

NUDE PHOTO. Towards the end of the interview ay hindi naiwasang may magtanong kay Daniel about his nude photo that circulated on the Internet.

Ayaw na sanang magsalita ni Daniel tungkol dito, pero sinabi niya na it was part of his job as a model. And that he was still very young, like 15 or 16, at that time.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN