Chacha Cañete gets to travel around the Philippines in Biyaheng Bulilit

IMAGE 0


Five-year-old Chacha, Sen. Manny Villar's pint-sized endorser for his Camella Homes, gives this pithy advice for anybody who's ever lost anything in life, whether it be a game or an election: "Hindi naman dapat malungkot kahit natalo, e. Dapat hindi, e. Kasi halimbawa, mag-game, talo ang team namin, dapat hindi ka malungkot. Dapat hindi ka pikon."


Naging instant favorite ng karamihang Pinoy ang child sensation na si Chacha CaƱete simula nang mapanood siya sa "Bulilit" TV commercial ng Camella Homes. Since then ay nakilala siya bilang si Bulilit. Later on, she became a mainstay of the ABS-CBN kiddie gag show Goin' Bulilit.

Last Wednesday, June 16, Chacha entertained PEP (Philippine Entertainment Portal) and other members of the press sa kanyang mga sagot sa press conference ng bago niyang show sa Studio 23, ang Biyaheng Bulilit, sa Zensho restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Ikalawang regular show na ito ng five-year-old at ayon sa kanya, enjoy siya dahil travel show ito.

"Nagtatanong kami, tapos minsan, naglalaro kami. Nakapunta na kami sa Cebu, sa Taytay, sa Subic," masaya niyang kuwento.

Kasama ni Chacha as hosts din sina Yachang at Dr. Nischii.

Ano ang pinakanagustuhan niyang lugar sa mga napuntahan na nila?

"Sa Subic Safari!" mabilis na sagot ng tskiting. "Gusto ko kasi yun, e, zoo na malaking-malaki."

CHACHA'S EARNINGS. Nakakatuwa si Chacha dahil wala siyang pinipiling tanong. Kahit anong ibato sa kanya, sasagutin niya. Tulad sa kung napi-feel na ba niya na sikat na siya at marami na ang nakakakilala sa kanya.

Aniya, "Konti pa lang po. Kapag malaki na talaga ako. Kilala naman ako ng iba. Pero hindi pa masyado kasi bata pa ko."

Hindi raw siya masungit. "Kung sino naman ang nagpapa-picture, nagpapa-picture naman ako."

Marami na siguro siyang naipon, biro namin.

"Opo! Puno na nga ang alkansiya ko. At saka, marami na nga akong pera sa bangko."

Anong plano niya sa perang naiipon niya?

"Ang gagawin ko, pang-aral ng kapatid ko. Pang-nurse. Pang-college. Pang-kain!" natatawa niyang sabi.

Ano naman ang mga binibili niya para sa sarili?

"Mga baon ko sa school," sagot niya.

Dalawa lang daw silang magkapatid at si Chacha ang eldest. Chef daw ang father niya at ang mommy naman niya ay housewife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CHACHA AS A STUDENT. Kahit may dalawang TV shows na si Chacha, patuloy pa rin ang kanyang pag-aaral. Kinder 2 na siya at araw-araw pumapasok.

Marami raw ang nakakakilala sa kanya sa school. Special treatment ba siya doon?

"Minsan," inosenteng pag-amin niya, pero mabait daw siya sa mga classmate niya.

Hindi ba siya nahihirapan na bukod sa pag-aaral ay nagtatrabaho pa siya?

"Hindi naman po masyado," sabi niya.

LITTLE COMEDIENNE. Comedy ang forte ni Chacha at hindi pa niya nasubukang magdrama, at may dahilan daw kung bakit di pa siya nagso-soap.

"Hindi po ako marunong umiyak," sabi niya.

Pero pag may drama na siya, "gusto ko maging ate si Sarah Geronimo."

Magaling ba siyang kumanta?

"Opo! Gusto n'yo po sample?" sagot ng bibong bata. At saka siya bumirit ng kantang "Party in the USA" na kanta raw ni Miley Cyrus.

Pero paglaki niya, ang gusto raw talaga niya ay maging nurse.

Ayon kay Chacha, siya pa rin daw ang model ng realty business ni Sen. Manny Villar. Aware siya na tumakbo ang senador sa nakaraang eleksyon, pero hindi ito pinalad na manalo.

Pero di raw masyadong nalungkot si Chacha. "Hindi naman dapat malungkot kahit natalo, e. Dapat hindi, e. Kasi halimbawa, mag-game, talo ang team namin, dapat hindi ka malungkot. Dapat hindi ka pikon," paliwanag niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN