Kris Bernal on Aljur Abrenica: "Kuya naman ang turing ko sa kanya!"

by Ruel J. Mendoza
Jun 19, 2010
Aljur was recently drubbed for denying he had any romantic feelings for Kris Bernal or Rich Asuncion. Now "baby sister" has some advice for him: "Masyado niyang dinamdam yung pagkakatawag sa kanya na Denial Prince. Gano'n talaga, e. Nandito kami sa trabahong ito, tanggapin namin ang lahat ng sasabihin ng mga tao, kasi diyan kami matututo talaga. Ako nga, ilang panlalait na ang natanggap ko pero okey lang."

"Hi, Big Brother!"

Ito ang pagbati ni Kris Bernal sa kanyang ka-love team na si Aljur Abrenica nang magkita sila sa thanksgiving press conference ng GMA-7 para sa TV series na The Last Prince noong Wednesday, June 16, sa GMA Network Center.

Obviously, pagtukoy ito sa pahayag ni Aljur na lumabas sa 24 Oras, kunsaan sinabi niyang ang turing lang daw niya kay Kris ay parang isang baby sister.

Hindi naman daw na-offend or nabahala si Kris sa sinabing iyon ni Aljur. Sa umpisa pa lang daw ng kanilang team-up, alagang-alaga na raw siya ni Aljur na parang nakababatang kapatid.

"Si Aljur kasi, may baby sister talaga siya at mahal na mahal niya iyon. Sinasabi naman niya sa akin noon pa na he wants to take care of me na parang nakababata niyang kapatid, yung poprotektahan niya at aalagaan niya talaga.

"Noong may magsabi nga sa akin tungkol sa sinabi niya sa interview niya, okey lang sa akin. Hindi ako nasaktan kasi yun naman ang talagang ginagawa niya sa akin at ang turing niya sa akin parang baby sister talaga.

Continue reading below ↓

"Kaya sinabi ko na bibiruin ko itong si Aljur, tatawagin ko siyang big brother. Tutal baby sister ako, kuya naman ang turing ko sa kanya ngayon!" tawa pa ni Kris.

"DENIAL PRINCE." Nabansagang "Denial Prince" si Aljur ng entertainment editor at Startalk host na si Ricky Lo dahil sa paiba-ibang statements nito tuwing tinatanong siya tungkol kay Kris at sa nali-link sa kanyang si Rich Asuncion.

Napansin nga raw ni Kris na medyo nalulungkot si Aljur dahil sa hindi magandang bansag sa kanya ngayon. Pero patuloy pa rin naman daw ang maayos nilang pagtatrabaho.

"Noong mag-last taping day na kami for The Last Prince, napansin ko lang parang naguguluhan siya. Hindi siya masyadong nakikipagkuwentuhan unlike before. Nalaman ko nga na masyado niyang dinamdam yung pagkakatawag sa kanya na 'Denial Prince.'

"Ang sa akin naman, gano'n talaga, e. Nandito kami sa trabahong ito, tanggapin namin ang lahat nang sasabihin ng mga tao. Good or bad, tatanggapin namin ng buong puso 'yan kasi diyan kami matututo talaga.

Continue reading below ↓

"Ako nga, ilang panlalait na ang natanggap ko pero okey lang. Yun ang obserbasyon nila sa akin, hindi ko pinepersonal. It's their opinion kaya rerespetuhin ko iyon. Pinasok namin ang showbiz kaya dapat ay handa kami sa lahat ng mga ibabato sa aming mga pintas. Hindi naman parating papuri ang matatanggap namin, di ba?"

NEW LOVE TEAM. Sa kabila ng lahat, masaya si Kris dahil sa success ng The Last Prince. Last two weeks na lang ang itatakbo ng kanilang telefantasya at nagpapasalamat siya sa lahat ng tumangkilik sa series nila ni Aljur.

"Itong The Last Prince kasi, ito yung naging malaking turning point sa career namin ni Aljur. After naming gawin yung Dapat Ka Bang Mahalin? at All My Life, ito na ang naging malaking pagbabago sa career naming pareho.

"Dito ko nga lang sa The Last Prince naranasan yung sobra akong nahirapan sa character ko. Lahat ng paraan para pahirapan ako at patayin ako ay ginawa na sa show. Pero buhay pa rin si Lara at patuloy na nakikipaglaban sa tunay niyang mahal.

Continue reading below ↓

"Marami akong mami-miss sa The Last Prince, lalo na ang buong cast at ang staff namin na sobrang sipag at sobra-sobra ang pasensya sa aming lahat. But of course, mami-miss ko na makatrabaho si Aljur dahil may iba na siyang makakapareha sa next project niya. At sa isa pang leading man ko na si Carl Guevarra na mami-miss ko ang pagiging makulit sa set namin."

Magsisimula na nga ngayong Sunday, June 20, ang one-month stint ni Kris sa Love Bug Presents Wish Come True. Ang leading man niya rito ay ang Japanese-Brazilian model na si Daniel Matsunaga.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aljur was recently drubbed for denying he had any romantic feelings for Kris Bernal or Rich Asuncion. Now "baby sister" has some advice for him: "Masyado niyang dinamdam yung pagkakatawag sa kanya na Denial Prince. Gano'n talaga, e. Nandito kami sa trabahong ito, tanggapin namin ang lahat ng sasabihin ng mga tao, kasi diyan kami matututo talaga. Ako nga, ilang panlalait na ang natanggap ko pero okey lang."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results