Cesar Montano on hosting Wowowee: "I'm ready."

IMAGE 0


"I'd love to, sino bang ayaw niyan? Masarap kasi diyan is makakausap mo ang bayan, at saka magandang ano rin... marami kang matutulungan, iyon ang importante sa Wowowee," says Cesar Montano about the prospect of hosting ABS-CBN's noontime show Wowowee.


Inamin ni Cesar Montano na in-offer sa kanya noon ang hosting ng Wowowee, habang naka-indefinite leave si Willie Revillame. Ngunit dahil sa nauna nang commitment abroad, hindi niya ito nagawa.

"It was offered, but I was about to leave, out of the country. Mag-a-out-of-the-country kami kaya hindi ko naman matanggap kaagad," sabi ng dating Singing Bee host sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Huwebes, June 17, sa Manila Hotel.

Ayon kay Buboy (palayaw ni Cesar sa showbiz), isang karangalan ang panandaliang maging host ng sikat na afternoon variety show ng ABS-CBN.

Aniya, "I'd love to, sino bang ayaw niyan? Masarap kasi diyan is makakausap mo ang bayan, at saka magandang ano rin... marami kang matutulungan, iyon ang importante sa Wowowee."

Sa ngayon, handa na raw si Cesar na gampanan ang pagiging host ng Wowowee. Sa katunayan nakuha pa niyang manawagan sa interbyu.

"Regarding Wowowee, it's up to the management kung kelan nila ako tatawagan to host. Basta ako, I'm ready po. Kaya Ma'am Charo [Santos-Concio, ABS-CBN president], Ninang Charo, any time po ako. At kay Ma'am Cory [Vidanes, Senior Vice President of TV Production], anytime po ako," natatawang panawagan ni Cesar.

Tinanong na rin ng PEP kung nakausap na niya si Willie, kung sakali na alukin uli at tanggapin niya ang pag-host ng programang pansamantalang iniwan nito.

Sagot ni Cesar, "Si Willie, yes, yes, we talked about it. Of course, okey sa kanya. Sabi niya, papanoorin niya nga raw ako, e. Gusto pa nga raw niya ako i-text kapag nagho-host na nga raw ako, e."

ON CELEBRITY APPOINTMENTS. Kagagaling lamang ni Buboy sa China para sa World Expo Shanghai (Grand Gathering of the World Cultures). Kuwento pa niya ay "well-rested" na siya matapos ang matinding pagod na dulot ng nakaraang eleksyon. Tumakbo si Cesar bilang gobernador ng Bohol ngunit hindi siya pinalad na manalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil dito, naitanong ng PEP ang opinyon ni Cesar sa mga bali-balitang maaaring alukin ng susunod na administrasyon ang mga artistang tumulong sa kampanya ng incoming president na si Noynoy Aquino. Ilan sa mga artistang matunog na aalukin ng posisyon ng papasok na administrasyong Aquino ay sina Ogie Alcasid, Boy Abunda, at Dingdong Dantes.

Isa rin si Cesar sa mga tumulong sa nanalong pangulo kasabay ng kanyang pangangampanya sa ilalim ng Liberal Party, ang political party ni Noynoy.

Napangiti na lamang ang aktor at sinabi, "I don't know. I'll just cross the bridge when I get there. Basta ang importante nanalo si Noynoy nung kinampanya ko sa Bohol." (CLICK HERE to read related article)

Sa ngayon, magbabalik-showbiz muna si Cesar Montano. Kasalukuyan siyang naghahanda para sa tatlong pelikula na nakatakdang gagawin niya ngayong taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN