Kim Chiu on being "The Most Beautiful": "Ang dami-daming artistang maganda...ako Intsik lang... Parang, 'Ako? Ako?!'"

IMAGE 0


Although grateful for the honor given to her by YES! Magazine, Kim Chiu still can't believe that she's hailed as "The Most Beautiful" in the 100 Most Beautiful Stars list of the magazine.


Kahit na walang ranking sa YES! Magazine 100 Most Beautiful Stars 2010, si Kim Chiu naman ang itinanghal na "The Most Beautiful Star" at siyang naging pang-apat na cover girl ng nabanggit na magazine.

Nauna nang naging cover sa taunang special issue na ito ng YES! ang mga tinanghal na rin noong "Most Beautiful" na sina Judy Ann Santos, KC Concepcion, at Marian Rivera.

Late nang dumating sa press launching ng YES! si Kim kaya't di siya nakasali sa pag-a-unveil ng cover niya sa magazine sa Ruby Ballroom ng Crowne Plaza Hotel sa Ortigas, Pasig City, kaninang tanghali. Nasaksihan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at mga imbitadong press ang pag-unveil sa cover ng ilang nakasamang celebrities sa list ng YES!.

CANNOT BELIEVE HER "MOST BEAUTIFUL" TAG. Hiyang-hiya si Kim at nagsabi pang di naman daw siya maganda para maging pang-apat na cover girl ng taunang special issue ng YES!. Kung ikukumpara raw kasi sa ibang stars, marami raw ang mas maganda pa sa kanya.

Pa-humble pang nasabi ni Kim, "Siyempre, sobrang nagpapasalamat. Sobrang thankful. And nakakailan na labas ng YES! na 100 Most Beautiful, na nandoon ako? Una, pang-twelve, 'tapos, naging pangalawa. 'Tapos ngayon, parang...totoo ba 'to? Hindi naman ako kagandahan!

"Ang dami-daming artistang maganda. Yung iba, mestiza, ako Intsik lang. Talagang, sabi ko, 'Di nga? Totoo?' 'Tapos sabi, 'Oo, ikaw. Ikaw ang cover. Ikaw ang Most Beautiful!' Parang, 'Ako? Ako?!'" di pa rin makapaniwalang pahayag ng natatawang si Kim.

May pressure ba siyang nararamdaman sa pagkakahirang sa kanya as Most Beautiful?

"Oo, 'no! Cover ka, 'tapos hindi ka maganda, hindi ka fresh? Sabi ko, paano ba maging maganda?" natatawa pa rin niyang sabi.

Hindi pa rin siya naniniwalang maganda siya, kahit na kahilera na niya sa Most Beautiful sina Juday, KC at Marian?

"Hindi nga!" natatawa pa niyang sabi. "Panloob na kagandahan? Hindi... Ewan ko! Siyempre, thankful ako sa YES! Nagpapasalamat ako dahil minsan lang akong mabigyan ng chance na ganito. So, dagdag-confidence ito para sa sarili ko. Parang, thank you dahil pinili nila 'ko sa dinami-rami. Bibili ako ng maraming kopya nito at itatago ko talaga!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KIM-ALJUR, HOW ABOUT IT? Parang kinilig naman ang karamihan ng taong nasa press launch nang pag-upo sa presidential table ni Kim ay nagkausap agad sila ni Aljur Abrenica na kasama ang ka-love team na si Kris Bernal. Ni-request tuloy ng mga naroong press na kung puwede'y pagtabihin na sina Kim at Aljur dahil nag-uusap sila kahit na nakapagitan sa kanila ang Kapamilya star at model na si Ron Morales.

Natutuwa at kinikilig ang ibang press people na naroon sa pag-uusap at pagbibiruan nina Kim at Aljur. Batid ng lahat na bukod sa magkaibang network sila ay may sari-sarili rin silang ka-love team. Kasama pa nga ni Aljur si Kris nang sandaling iyon.

Flattered si Kim sa mga nalaman kina Aljur at Kris. "Okey naman. Sobrang okey silang kausap. Nanonood sila ng mga shows namin. At yun, nagko-congrats kami sa isa't isa. Walang rivalry."

Ano ang masasabi niya sa rebelasyon ni Kris na fan ito talaga ng love team nina Kim at Gerald at nanonood pa ito ng mga movies nilang dalawa?

"Masaya po, siyempre," nakangiting sabi niya. "Masaya po, siyempre, kasi ngayon lang kami nagkausap-usap ng matagal at yun, okey naman."

Aminado naman si Aljur sa isang interview nito sa PEP na kahit hindi pa ito StarStruck contestant noon ay fan na nina Kim at Gerald lalo na noong nasa Pinoy Big Brother house pa sila.

"Sabi nga niya, nanonood daw siya ng Kung Tayo'y Magkakalayo at saka ng movie namin. Sabi ko, 'Weeeh! Hindi nga?' 'Tapos sabi niya, totoo raw. Kaya yun, nagkuwentuhan na kami."

May posibilidad bang magkatrabaho sila ni Aljur in the future?

"Nasa ibang istasyon kami. Nasa ABS kami, nasa GMA sila. Pero okey naman din. Open naman din kung sino ang makatrabaho ko," ani Kim.

What about her ka-love team and rumored boyfriend Gerald Anderson, ano naman ang reaction nito sa pagiging Most Beautiful niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi niya, 'Congrats, number one ka.' Sabi ko, 'Oo nga, hindi nga ako makapaniwala.' Sabi niya, 'Ngayon, maniniwala ka nang maganda ka.' Sabi ko, 'Hindi rin!'" nakangiti pang kuwento ni Kim.

NOT BREAK, NEVER ON. Itinanggi naman ni Kim ang balitang break na raw talaga sila ni Gerald. Nakatawang napahirit pa ito ng, "echoserang palaka!"

Aniya pa, "Naku, hindi totoo yan. Gano'n pa rin kami. Espesyal kami sa isa't isa. Parang walang nangyari. At saka, yung lumalabas na intriga ngayon, siguro, nakita lang nila kaming nag-away, ganyan-ganyan... 'Tapos yun na, sinabi nang nag-break."

Pero lately, madalas silang nababalita na nag-aaway, nagkakatampuhan or...nag-break.

"Oo nga po, e. Masyadong napapalaki yung chismis. Pero, hindi po totoo yun."

Pero napapadalas nga ba ang mga arguments nila?

"Hindi naman. Siguro lately, hindi lang kami madalas na nagkakasama. May mall shows ako sa iba, may photo shoot ako sa iba. Hindi yung as ano–" putol na lang ni Kim sa pagpapaliwanag tungkol sa estado nila ngayon ni Kim.

Dahil dito, diretsuhan nang tinanong ng PEP si Kim: Possible bang kaya di niya maamin na break na sila ay dahil sa balitang sila na naman ang magkasama sa gagawin niyang bagong serye sa ABS-CBN?

"Wala namang break. Tigilan na natin 'yan. At saka, hindi naman totoo. Wala naman talaga. Naka-isang buwan na yata yang break-break na yan, wala naman po talaga," tigas na tanggi ni Kim.

Kahit ba "cool-off" ay walang nangyari sa kanila?

"Galit-galit moment, ganyan. Pero mamaya, bati na ulit," sagot na lang ni Kim.

Paano nga ba magalit si Gerald?

"Tahimik lang," nakangiti niyang sabi.

Gano'n din ba siya?

"Tahimik lang din."

Tuwing magkakagalit sila, paano nga ba sila nagkakabati?

"Wala. Parang walang nangyari. 'Hi!' Minsan ako nauunang makipagbati, minsan siya."

So inaamin ba niyang sila na talaga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman kami, as in kami. Pero okey naman kami."

So, "exclusively dating" na lang ang matatawag sa status nila, gano'n?

"Open naman kami. Puwede naman. Okey naman. Enjoy. Enjoy life," nakangiting pahayag na lang ni Kim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN