Enchong Dee apprehensive about his launching movie with Erich Gonzales: "It's a risk."

IMAGE 0


"Alam n'yo, yung totoo, aaminin ko sa inyo, nalungkot ako. Usually, di ba, kapag sinabi sa iyong 'may solo movie ka na,' usually matutuwa ka? Eto talaga, nalungkot ako! Kasi, unang-una, it's a risk. Pero sinasabi nga natin, successful people won't be successful without taking the risk," says Enchong Dee (in photo) about his upcoming launching film with Erich Gonzales.


Pakiramdam ng young actor na si Enchong Dee, laking suwerte niya na makasama sa cast ng Magkaribal, ang newest fashion-teleserye ng ABS-CBN na tinatampukan din nina Bea Alonzo, Derek Ramsay, Erich Gonzales, at Gretchen Barretto na magsisimula nang "rumampa" sa June 28 sa Primetime Bida.

Siyempre, may sariling time to shine sa istorya ng newest Kapamilya show na ito ang patuloy na bini-buildup na love team nina Enchong at Erich, na parehong kasali sa listahan ng YES! 100 Most Beautiful Stars this year.

Unang sumikat sa young generation of fans ang Enchong-Erich love team nang tangkilikin nang husto ng televiewers ang Katorse. Muling pinagsama sa teleseryeng Tanging Yaman, na isa pa ring hit sa masa. Napanood din siila sa indie film na Paano Ko Sasabihin? ng Cinema One Originals 2009, kung saan gumanap bilang pipi si Enchong.

FROM "VICE-PRESIDENTIAL" SON TO KARGADOR. For the third time, ang love team nina Enchong at Erich ay mapapanood muli sa Magkaribal. Ano nga ba ang kaibahan nito sa mga nauna nilang pinagsamahang serye ni Erich?

"Malupit ito, kasi kakaiba na namang chemistry namin ito na pagsasamahan. Ngayon naman, may Divisoria, fashion, with the politics and all. Maraming lines at mga damit ni Erich ang aabangan niyo," sabi ni Enchong sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng nasabing serye sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Ano ang kaibahan ng role niya sa Magkaribal sa past teleseryes na tinampukan niya?

"Unang-una, ngayon lang ako nakatanggap ng role na kargador talaga ako. Alam mo yung kahit hindi ako kumportable na maraming tao ang nanonood sa amin sa set dahil sa Divisoria ang set namin, kahit nakahubad ako, ayos lang.

"Kahit mabigat ang dinadala ko, kailangang ipakita ko na, 'Wala lang, kayang-kaya 'to!' Medyo nailang ako nung una kasi nakikita nila ako always na magaganda ang mga damit ko, anak ng vice president [sa Tanging Taman], tapos biglang nakahubad, nagbubuhat ng something. Yun nga ang kagandahan sa ABS-CBN, yung mga ibinibigay sa aking projects, iba sa mga ginawa ko noon sa ginagawa ko sa kasalukuyan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya pinaghandaan ang kanyang role?

"Doon ko pa lang sa set nalaman. Noong dumating kami sa set, it was 7 in the morning, na ngayon ko lang nalaman na kapag gano'ng oras ka dumating, hindi ka gagalaw sa sasakyan mo. Tapos, pagkatapos noon, mga alas-nuwebe, maluwag na ang daan.

"Tapos doon, nakikita talaga ako ng mga kargador talaga. Ang bayad ay abot-abot. Tapos, pagkatapos noon, lilipat na naman sila sa panibagong store at magbubuhat na naman sila ng panibagong gamit."

BEA ALONZO & ERICH GONZALES. First time niya bang nakatrabaho si Bea?

"First time... Actually, first time naming nag-usap nang ganito. Never in my life, in my career na masasabi kong, 'Wow, makakasama ko si Bea!' Kasi, she always plays mature roles. Tapos ako naman, parang bata-bata...

"Kahit nga noong contest [scene], pinatabi ako kila Gretchen, Derek, Bea, tapos ako, sabi ko, 'Sigurado bang kasama talaga ako dito?' Kasi yung timpla ng character, parang... Tinatanong ko, 'Kaya ko ba talaga itong gawin?' Sabi nila, 'Kaya mo 'yan!' So, marami yung pagtanggap ang kailangan kong gawin. Dito, naging close kami ni Bea dahil din sa palagi kaming magkaeksena," lahad ni Enchong.

Napabalitang type niyang ligawan si Bea. Totoo ba ito?

"Wala," tanggi ng binata. "Nasabi ko lang noon na I admire her works, I admire her as a person, tapos may lumalabas namang ganoon. Sabi ko, hindi talaga, walang gano'n."

Kung attracted siya kay Bea, paano na si Erich?

"Hindi, wala ngang gano'n. Naiintindihan naman ni Erich yun, e."

Sa tagal na nilang magkatrabaho sa teleserye ni Erich, hindi ba niya iniisip na maging mag-on na sila nito?

"Bihira ko nga siya nakakasama lately, e," sagot ni Enchong. "Minsan, niyaya ko siya, sabi ko, 'Baclaran tayo!' Sabi niya, 'I can't go out.' May ginagawa siya. Sa work, it only looks na parati kaming magkasama, pero hindi talaga outside work.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We tried na lumabas kaso lagi siyang may ginagawa. Pag siya ang libre, ako ang may ginagawa. Pag ako naman ang libre, hindi siya puwede. Nung last time, last Tuesday lang, in-invite ko siyang lumabas, sabi niya hindi siya puwede. So, constantly naman, talagang laging nagtatanungan."

So, finally, kailan nagtagumpay ang "date" na sila lang?

"Noong napahinga, pagkatapos ng Tanging Yaman, pero marami kami. Kasi, for a while, may three days 'atang binigay sa amin."

Inamin din ni Enchong na totoong niyaya si Erich na mag-out of the country sila, at ito ay sa Singapore.

"Oo, niyaya ko siyang mag-Singapore," sabi niya. "Pero naiilang siya, e. Di lang naman kami lang, may iba kaming mga kasama, common friends namin. Pero siyempre, dalagang Pinay 'yan, e, hindi mo naman puwedeng kaladkarin 'yan kahit na saang lugar. Common friends namin na sasama dapat, sina Angelica, sina Jason... Yun yung Holy Week."

LAUNCHING MOVIE. Ilulunsad na rin ang tambalan nina Enchong at Erich sa isang pelikula, ang I Do ng Star Cinema. Isa itong romantic-comedy to be directed by Veronica Velasco na siya ring nagdirek ng Last Supper No.3, na nanalong Best Film sa Cinemalaya last year (2009).

Nauna na silang nagtambal sa pelikula sa Paano Ko Sasabihin?, isang indie film last year. Iba pa rin kapag isang mainstream production outfit tulad ng Star Cinema ang "susugal" sa tambalang Erich-Enchong upang magtagumpay ang I Do.

Sa palagay ba ni Enchong, kayang-kaya na nilang magdala ng isang pelikula na sila ni Erich ang mga bida?

"Alam n'yo, yung totoo, aaminin ko sa inyo, nalungkot ako," sabi niya. "Usually, di ba, kapag sinabi sa iyong 'may solo movie ka na,' usually matutuwa ka? Eto talaga, nalungkot ako! Kasi, unang-una, it's a risk. Pero sinasabi nga natin, successful people won't be successful without taking the risk.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kanina, napag-usapan namin, pinatanggap nila sa amin na it's now or never... Tingnan natin. Hindi naman ito dahil sa amin lang, e. Hindi ito papanoorin ng tao dahil kaming dalawa lang ang 'andun. Papanoorin ng tao kung maganda ba ang istorya, kung maganda ba ang kinalabasan ng gawa ng direktor o ng staff."

Ano ba ang kuwento ng I Do?

"Mature, so far. Very mature. Yun pa lang yung sinasabi, e. Wala pa rin sa amin ang script. They're trying to give it to us by this week. From the title itself, makikita nang one step higher ito kasi 'andun yung kasal na factor. "

So, kung dati ay kissing scene lang meron sila ni Erich, ngayon ay may love scene na sila sa movie?

"Ang nakakatawa niyan kapag nauna yung bed scene kesa sa kasalan!" tawa ni Enchong.

Sa palagay ba niya ay hinog na ang love team nila ni Erich upang bigyan ng launching movie?

"Habang kinakausap n'yo ako ngayon, nanginginig ako!" bulalas niya. "Gano'n ako katensiyon! This month is actually our anniversary na magka-love team. One year as a love team. So, hindi ko alam kung tama na ba yung isang taon? Kung hinog na ba ang isang taon?

"Kasi, kahit ako, bilang ako na isang atleta, kung isang taon akong maghahanda bilang atleta, masasabi kong hindi pa. Yun ay para sa isang atleta. Pero dahil ibang-iba ang mundo ng showbiz, siguro naman. Kayo [movie press] naman ang nagsasabi, e, na marunong naman akong umarte. Siguro naman, mabibigyan ko ng justice kung ano man ang role na ibigay sa akin," sabi ng swimmer turned actor.

CHANGES IN ERICH. Ano ba ang nakita niyang pagbabago kay Erich? Sila na nga ba talaga?

"Hindi naman talaga, e," giit niya. "Kayo lang naman ang nagpipilit na ano, e... Yung pagbabago, siguro dito sa Magkaribal, naging mas sophisticated siya. Mas naging aware siya kung ano ang isinusuot niya. Kasi dati, lumalabas siya, nakapantalon lang siya at naka-flats. Ngayon, parati na siyang naka-heels! Kung minsan, mas matangkad na siya sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Baduy ba dati si Erich?

"Hindi...never," mabilis na sagot ni Enchong.

Nagkaroon ng issue kay Erich kamakailan tungkol sa attitude daw nito towards sa staff sa taping nila ng Magkaribal na medyo hindi maganda. Ano ang masasabi ni Enchong dito?

"Hindi naman, natatawa na nga lang siya, e. "Magka-text kami noong nakaraan, sabi ko, 'Tara, labas tayo!' Sabi niya, huwag na lang muna, worried daw siya kasi may mga naglalabasan na may panibagong issue na naman siya. Sabi ko, 'Ano ba 'yan, di ka na nasanay? Ako nga, nasanay na ako, e!' Sabi ko, darating din yung panahon na mabi-vindicate siya."

MYSTERIOUS LOVELIFE. At this point ay napag-usapan na ang misteryosong lovelife ni Enchong. Sino nga ba talaga ang nililigawan niya sa totoong buhay ngayon?

"Huwag na!" pakiusap nito. "Malalaman n'yo naman yun, e."

From showbiz ba siya?

"Malapit siya sa showbiz," tipid nitong sagot.

Ilang months na silang magkakilala?

"Wala pa, wala pang months..."

Kung "malapit sa showbiz" ang sinasabi niyang girl na type niya ngayon, o pinopormahan niya, it means maaaring ito ay isang model o broadcaster?

"Hintayin n'yo na lang. Pagbigyan n'yo naman ako, minsan lang ako ma-in love!" lambing niya.

So, sa bibig na niya nanggaling na in love siya. Ito ba ang nagbibigay sa kanya ng inspirasyon?

"Saan? Wala nga, e, low bat nga ako, e... Wala, wala akong inspirasyon!" may kaguluhang sabi ni Enchong.

I-describe na lang niya ang girl na ito. Chinita ba siya?

Medyo nagulat si Enchong habang natatawa: "Ha? Hindi talaga! Promise! Hahaha! Pero natutuwa ako sa inyo kasi pinagbibigyan n'yo ako ng panahon na hayaan ko ang sarili ko na kiligin."

At least, kinikilig siya?

"Yun lang," ngiti nito.

Ano naman ang naging feeling ni Erich nang matapos na ang kung ano man meron sa kanila?

"Wala nga!" pagdidiin niya. "Anong natapos ang meron sa amin? Hindi...."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

E, hindi ba't kakaamin niya pa lang na may nililigawan na siya ngayong girl na malapit sa showbiz?

"Oo, pero si Erich, understanding naman 'yan, e. So..."

Tanggap na ni Erich na may iba siyang nagugustuhan?

"Siya ang tanungin n'yo," sagot niya.

Worth ba ang girl na yun na "kapalit" ni Erich?

Medyo nahirapang sumagot si Enchong. Pero aniya, "Ano ba? Hmmm... Basta, ang masasabi ko lang, basta si Erich, supportive siya."

So, alam nga ni Erich ang tungkol sa kanyang "mystery girl"?

"Siguro naman, sa sobrang close namin, alam na niya yun... Nabanggit ko, oo naman."

Ano nga ba meron ang girl na ito na wala si Erich para magustuhan niya o ligawan niya?

"Wala naman, siguro masasagot ko 'yan kapag sinagot na niya ako. Wala pa, e, bago pa lang. Nagpakilala pa lang ako."

Sa sagot niyang kapag sinagot siya ng babae, it means na ongoing na ang panliligaw nito?

"Hindi pa, nagpakilala pa nga lang... 'Wag n'yo namang anuhin, kasi baka mamaya, e, masira ang diskarte. Baka ma-preempt. Hahaha! Pero dahil love ko naman kayo, 'wag na muna... Please!" malakas nitong tawa.

Gaano katagal na niyang kakilala ang "mystery girl"?

"Matagal na. Kung kakilala ko siya, siguro mga three years, gano'n."

So, understood na Kapamilya ito?

Ayaw itong ikumpirma ni Enchong na at this point ay halos magmakaawa nang 'wag nang tanungin pa tungkol dito. Pero tuloy pa rin ang press sa pagtatanong sa kanya.

So, in three years, kilalang-kilala na niya ang girl na ito?

"Kaibigan lang," sagot niya.

Mahirap ba talagang aminin ang identity ng napupusuan niyang dalaga?

"Hindi, kasi para sa akin, parang... For the first time [nagsasalita ako], di ba?"

Kilala ni Erich ang pinopormahan niyang girl?

"Oo, of course... Basta, Magkaribal po, June 28... We love you!" natatawang pagtatapos ni Enchong.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN