Dennis Trillo hopes Dongyanatics won't take Endless Love triangle for real

IMAGE 0


He's been Marian Rivera's leading man on TV and film, but for the primetime series Endless Love where he plays support, Dennis can't see anybody but Dingdong Dantes playing the lead role of Johnny.


For the first time, Dennis Trillo will be in a love triangle with Dingdong Dantes and Marian Rivera in the new GMA-7 primetime series, Endless Love. As we all know, Dennis used to be one of Marian's leading men in their past TV series and movies.

Ang dating tuloy sa ilan na di nakaaalam ng istorya ng Koreanovelang Endless Love aytipong na-demote si Dennis sa supporting role.

Pero hindi ganoon ang tingin ni Dennis sa papel niyang si Andrew, nang makausap namin ang aktor sa press conference at premiere na ginanap sa SM Megamall last Wednesday, July 23, followed by a dinner at Barrio Fiesta.

"Importante rin ang role ni Andrew rito," sabi niya. Pero, "alam ko talaga, ang bida talaga rito ay sina Johnny at Jenny. At hindi ako nag-e-expect ng sobra, kasi Johnny at Jenny talaga 'yan."

IMPORTANT ROLE. Para rin naman kay Dennis, wala siyang nakikitang ibang artistang magpi-fit sa papel na Johnny kundi si Dingdong.

Pero, aniya, "Masaya ako na yung role ni Andrew ang gagampanan ko. At para sa akin, mas colorful, mas makulit siya. Thankful ako na napunta sa akin ang role na yun."

Dugtong pa niya, "Kahit ano pa ang sabihin nila kahit support, kahit second lead. Pero sa totoong nakakaalam ng istorya ng Endless Love, hindi nila iisipin yun. Matutuwa sila."

Napanood daw niya ang original version nito kaya masaya siya bilang si Andrew. Kung babaguhin daw ang kuwento ng Pinoy adaptation, hindi na raw Endless Love yun.

Nandito daw siya ngayon bilang support nina Dingdong at Marian. Kung may inaalala lang siya, ito ay ang baka magalit sa kanya ang supporters ng dalawa.

"Baka yung buong supporters nila, magalit or magtampo sa akin. Pero aside from that, lahat naman kami, nagtatrabaho rito. So, kung anuman ang meron sila off-cam, sa kanila na yun. Pero kapag nag-action na ang director, gagawin lang namin ang trabaho namin na hindi iniisip na baka magselos si ganyan, trabaho lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hiningi namin ang reaksiyon niya sa pahayag ni Dingdong na okey sa kanya kapag siya ang kapareha ni Marian, kumbaga, feeling safe siya kay Dennis.

"Magandang reaction yun galing sa kanya, dahil pahiwatig yun na magiging maganda ang working relationship naming tatlo, at kailangan magkaroon kami ng magandang relasyon, kaming tatlo, para pagandahin ang Endless Love, dahil I'm sure isa ito sa pinakamalaking proyekto ng GMA ngayon sa primetime, at ayaw naming pahiyain ang management sa responsibility na ibinigay nila sa amin para pagandahin ang show at i-represent ang Endless Love, dahil talagang magandang show ang original at gusto naming pantayan."

OPEN ABOUT JENNY. Di niya kaya mami-miss si Jennylyn Mercado, lalo pa't sa taping makikita niya sina Dingdong at Marian na posibleng sweet sa isa't isa even off-cam?

"Oo nga, e, kapangalan pa niya si Jenny," natatawang sabi ni Dennis. "Siyempre, mami-miss ko siya. Matagal ko rin siyang nakasama. Iba rin siyang katrabaho. Dito kasi, wala akong permanent ka-love team, so mami-miss ko yung personal na pag-aalaga niya."

Ibang Dennis na nga siya ngayon dahil open na siya sa kung sino ang karelasyon niya.

"Siguro na-realize ko rin na part din ito ng trabaho namin. Na kung anuman ang gawin namin sa personal lives namin, hindi puwedeng walang mga... katulad noon, mga kaibigan nating press na magtatanong, makakapansin. So, mabuti na rin sagutin lahat ng tanong para walang problema."

Tinanong namin si Dennis kung ano nga bang meron kay Jennylyn at bukod-tanging sa kanya lang siya naging ganito ka-open? Biro nga namin, baka dahil sa mga Hongkong pictures. Matatandaang namataan ang dalawang nagsa-sightseeing sa Hong Kong noong Holy Week na magka-holding hands.

"Hindi naman," natatawang sabi ni Dennis. "Mas malalim pa ro'n. Siyempre, siguro matindi na rin ang mga pinagdaanan namin sa buhay. Nakaka-relate kami ro'n. Hindi sa Hongkong, ha... Siyempre siya, nagkaroon siya ng baby, tapos ako nagkaroon ako ng baby. Hindi nag-work pareho ang mga relasyon sa mga past namin at yung mga pangyayari na yun, siguro nag-transform [sa amin] into more mature individuals.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Unlike before na yung mga pinag-aawayan namin kung ano-ano lang sa mga dati naming relasyon. Kumbaga, natuto na kami, nadala na kami sa mga pagkakamali namin."

"COTERMINUS" FEELINGS. Sinabi namin kay Dennis na may impression na may pagka-"coterminus" ang mga relasyon niya. Mali-link daw siya sa mga leading lady niya, pero pagkatapos ng palabas ay mag-e-end din daw kung anuman ang namagitan sa kanila.

So, may pressure ba with Jennylyn ngayon na parang may dapat siyang patunayan?

"Maganda ang pinagsamahan namin ni Jen. Ilang months kami na naging sobrang close and it's an ongoing process. Pero sa ngayon, hindi natin alam kung ano ang mangyayari. Pero sa ngayon, masasabi ko lang na masaya 'ko at nakakasama ko siya palagi at close kami.

"Nagagawa namin ang mga bagay na gusto naming gawin at hindi namin kailangang magtago ng kahit na ano."

Gaano siya kaseryoso ngayon kay Jennylyn?

"Siguro pagbasehan na lang natin itong mga tanong niyo na ito, wala naman akong itinatanggi na kahit ano. Wala akong itinatago. Kumbaga, I have no shame about it. Kumbaga, doon pa lang, malalaman na natin kung ano ba talaga, di ba?"

So, puwede na nga bang ibalita na si Jennylyn ay girlfriend niya? But Dennis just smiled and said, "I'm sure masarap siyang maging girlfriend, I'm sure."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN